2

6.6K 274 36
                                    

Dear Kung Sino Ka Man,

Isang buwan akong naghintay ng sulat mo. Sabihin na lang nating 'silence means yes.' Alam kong sa mga darating na araw e susulatan mo rin ako, sasagot ka rin. Pakipot ka lang siguro ngayon. Huling araw na ng bakasyon ngayon. Grade 6 na ako. Yes! Makakagamit na rin ako ng iba't ibang kulay na ballpen. Si Ate, high school na. 'Yung sinusulatan niya e sumulat narin sa kanya. Alam mo ba kung bakit? Kasi nagpadala siya ng picture. Gusto ko rin sanang padalhan ka ng picture kaso baka mas lalo kang hindi sumagot sa mga sulat ko, kasi hindi ako maganda...

Cute lang.

Sabi nina Tito Roger, talagang may mga pagkakadaon na naliligaw ang isang sulat. Pero kahit hindi naman nila sabihin iyon e susulat parin ako. Kasi alam ko, as in sure na sure ako, na yun lang ang tanging paraan para magkaroon ako ng love life!

Huling araw ng bakasyon iyon nang makita ko ang first love ko. Para sa akin, siya ang nagpapatunay na totoo ang love at first sight. Hindi naman kasi lahat ng tao e naniniwala doon. Pero mapipilitan ka na lang ring maniwala pag nandyan na talaga sa harap mo yung taong yun. Yung tipong to see is to believe. When I saw him, I believed. Mga ganun. Yung mapapa-english ka na lang kahit wrong grammar.

Maputi siya. Makinis ang mukha at sigurado akong naghihilamos siya gabi-gabi kasi wala siyang pimples. maputi ang mga ngipin niya. Mapula ang labi. Matamis kung ngumiti. Matangos ang ilong. Mahaba ang pilik mata. Maganda ang mga mata. Siguro kung kaya ko lang hilahin si Tamahome ng Fushigi Yuugi palabas ng mundong to, malamang siya na yung mahihila ko. Kamukha niya si Tamahome, pero hindi ako si Miaka. First year high school rin ang Ate Lissy ko. Kaya dapat lang na si Ate ang maging Miaka niya.

Nakilala ko siya noong graduation party ni Ate Lissy. Nagsidatingan ang mga kaklase niya sa bahay. Matagal ko na ring nakakasalubong si Tamahome. MInsan nginingitian niya ako kapag kasama ko si Ate. Noon ko lang siya nakita nang malapitan.

Wala akong ibang ginawa kundi titigan siya. Grabe talaga. Kung uso lang ang polaroid camera noon at may pambili ako malamang nakuhanan ko na siya ng litrato. Dahil rin sa kanya kaya matagal ko nang kinalimutan ang paghihintay sa sulat na halos isang buwan ko ring pinag-aksayahan ng oras.

Naalala ko pa noong tumabi siya sa akin at halos lumabas 'yong iniinom kong juice sa ilong ko. Tumawa siya at tinapik ako sa likod kasi inuubo ako.

Gwapo nga siya, mabait pa. "Okay ka lang?" Hindi ko alam kung imagination ko lang iyon pero feeling ko talaga kaboses niya si Tamahome. Gabi-gabi ko kasi iyong pinapanood. Noon, anime pa ang ideal guy ko peronung medyo tumanda na ako, naging artista na ang gusto ko. Pero noon, talagang si Tamahome lang ang pumapasok sa imgination ko kapag nag-iisip ako ng ideal guy. Sana hindi lampa si Tamahome look-alike.

Tumango lang ako. "Ako pala si Shane."

Minsan, Kapag nanood ako ng anime, naiisip ko na parang medyo eksaherada ang mga bidang babaeng karakter kapag nakikita nila ang mga crush nila. Alam mo 'yung tipong babagsak on cue ang mga dahon at bulaklak ng cherry blossom trees? At hindi pa ordinary ang pagbagsak , as in halos mawalan ng gravity ang mundo sa sobrang slow motion ng galaw nito. Ibang klase palihis pa 'yong pagbagsak at sumasabay sa ihip ng hangin. Sabayan pa ng dahan-dahang paghaplos ng hangin sa mahabang buhok ng bidang babae habang para bang tumitigil ang mundo.

Pero hindi ko naman kailangang tumira pa sa Japan para maranasan ang mga bagay na iyon. Nung ngumiti si Shane, feeling ko biglang naging cherry blossom 'yong punong mangga namin sa labas ng bahay. Feeling ko, imbes na color green at mga nangatuyong dahon ang nahuhulog mula sa puno, biglang naging color pink sila at parang naamoy ko pa. Feeling ko tumigil lahat sa pagsasalita at pagkain. Feeling ko tumigil ang mundo sa pagikot.  Feeling ko, kaming dalawa lang ang nasa mundo noong mga panahong 'yon.

Pero bigla siyang nagsalita, "Balak kong ligawan ang ate mo."

Bigla akong nabingi at tila ba nag-iba ang mundong kanina lamang ay aking ginagalawan Ang nai-imagine kong mundo ng anime ay naging mundo ng cartoons. Naging Tom and Jerry, one-sided love edition. Ako si TOm na hinahabol si Jerry habang tumatakbo siya sa akin palayo at sinasaktan ako in the process. Masaklap. Pero sana talaga anime na lang ako. Wala kasing pangit sa anime.

Naging madalas ang pagdalaw ni Mr. Anime sa bahay. Nakakainis nga, ang bata-bata pa, kung makadalaw e parang pakakasalan na si Ate Lissy. Pero sa totoo lang, kahit kay Ate Lissy ay inis ako. Dahil doon, sumulat uli ako kay Prince Charming nung araw ring iyon.

Siguro naiinis ako.

Siguro badtrip ako.

Dahil siguro nalulungkot ako.

Kasi hindi ako gusto ni MR. Anime.

Dahil siguro may gusto akong patunayan.

Dahil siguro gusto ko...

Kahit minsan lang sa buhay ko...

Magkaroon ako ng kung anumang mayroon si Ate Lissy...

Lalake...

Ay, ganda pala!

Isang Milyong Sulat 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon