15/16

4.3K 169 26
                                    

Dear Kung Sino Ka Man,

Totoo ba ito? Totoo bang ikaw ito? Bakit hindi ko maramdaman na ikaw iyong taong hinintay ko ng pagkatagal-tagal?


Minsan na akong sumulat sa diary ko ng pagkakaiba ni Prince at iyong taong sinusulatan ko. Pakiramdam ko kasi isa akong prinsesa na pinag-aagawan ng mga prinsipe. Pakiramdam ko ang haba ng buhok ko. Mahilig akong mangarap sa diary ko. Kaya kung ano ano nalang na pagmamaganda ang isinusulat ko doon. Akala ko maganda sa pakiramdam ang pinag-aagawan. Hindi pala.


PROS (PRINCE)

1. Malambing

2. Gwapo (gusto ko sana itong unahin kaso ayaw kong isipin ng ibang tao, sakali mang mabasa nila ito, na mababaw ako dahil itsura ang inuuna ko pero sa isang pangit na katulad ko, magiging choosy pa ba ako?)

3. Matangkad

4. Singkit

5. May pagka maangas

6. Nakakatawa

7. Mabait

8. Matalino

9. Lahat na nasa kanya

10. Ginusto ako sa tunay na ako (pangit, mahiyaan, masungit, mafeeling, ambisyosa, amoy lupa.)


CONS (PRINCE)

1. Mapangasar


PROS (KUNG SINO KA MAN)

1. Naiintindihan ako

2. Napagsasabihan ko ng mga sikreto

3. May mga alam tungkol sa akin na hindi alam ng iba (ang pagiging desperada)

4. Gusto ang lahat ng mga bagay na gusto ko

5. Nakapalagayan ko na ng loob

6. Kumportable ako sakanya

7. Napapasaya ako sa simpleng sulat


CONS (KUNG SINO KA MAN)

1. Hindi siya totoo. Imahinasyon ko lang siya.


Ngayong nakita ko na si Kung Sino Ka Man na ang pangalan pala ay Andrei, ay hindi ko alam kung siya nga ba talaga ang sinusulatan ko. Parang noong nakita ko siya hindi ko naramdaman iyong tibok at bilis ng pagtibok ng puso ko lalo na iyong mga panahong nakakatanggap ako ng sulat mula sa kanya.


Hindi umihip ang hangin at hindi sumalin sa pagsayaw ng mga nahuhulog na dahon ng manga ang buhok ko. Noong nakita ko si Andrei hindi tumigil ang mundo tulad ng iniisip ko kapag nagkita kami. Noong nakita ko siya pakiramdam ko parang may mali. Magbabago kaya iyon pag hindi niya kasama si Prince? Pag hindi sila magkaibigan? Bakit ganoon? Nagiinarte lang ba ako?


Umupo ako magisa sa may library habang iniisip ang mga bagay bagay. Si Mischa na kanina pa pinagpapantasyahan si Andrei ay hindi na napansin ang pagkabagabag ng aking damdamin at hindi ko rin alam bakit nagiging malalim ang pagtatagalog ko sa tuwing nais kong magpaka-emo.


"Ang gwapo niya Lindsey!! As in! hindi na ako nagtataka na magkaibigan sila ni Prince!" nakapangalumbabang sambit ni Mischa habang nagde-daydream kay Andrei. "Sabi nila lilipat na raw siya dito sa atin! Tapos may kumakalat pa na kaya daw siya nandito kasi may hinahanap siya! O diba ang sweet!! Baka ako na yung hinahanap niya, Lindsey! Kasi siya na yung hinahanap ko!!"

Isang Milyong Sulat 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon