4

5.1K 267 46
                                    


Dear Kung Sino Ka Man,

Alam mo bang may minsan ng nagbigay sa akin ng lollipop noong grade six ako? (hehe, grade six parin ako pero kahapon lang iyon nangyari) Bigla nalang siyang andoon sa armchair ko. Alam kong para sa akin yun. At sigurado akong hindi yun naiwan ng kung sino man.

Ang problema lang, hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung sino ang nagbigay nun sa akin.

Para sa akin siya na siguro ang naging hero ko, yung mga panahong akala kong wala na akong pagasa sa pagibig. Dumating siya.

Yun nga lang...

Umalis din siya ulit.

Malapit narin akong umalis sa buhay mo. Sa oras na nasabi ko na sayo kung ano ang pangalan ko siguro oras narin para umalis.


*insert Where Do Broken Hearts Go song here. Sabay magpadausdos sa dingding habang nageemote*


Naaalala ko minsan si nanay na nagkukwento tungkol sa pagkabata niya. Minsan ayokong marinig kasi medyo nakakasawa. Paulit ulit. Pero ang hindi ko pinagsasawaan e iyong pagkukwento niya tuwing Valentines.

Una daw nakatanggap si nanay ng rosas ng Valentines noong first year highschool siya. Si tatay raw ang nagbigay nun, sabi niya siya ang una't huli niyang minahal. Ang sweet diba. Pero ang nakakatawa doon e si nanay pa raw ang pumilit kay tatay para bilhan siya ng rosas.

Naisip ko nga minsang mamilit e, noong grade six talaga ako may crush na crush akong kaklase ko. Paano sobrang talino niya. Siya lahat ang lumalaban sa mga quiz bee. Siya pa ang running valedictorian. Nakakainis nga e, sana sinipagan kong magaral. Masyado kasi akong nagfocus sa kapangitan ko kaya hindi ko na napansin na wala rin pala akong alam.

Kahit grade six na ako takot parin akong matawag ng titser lalo na kapag ipaparecite ang multiplication table. Ayos ako sa 1-5. Yung four medyo nangangapa pa ako. Pero yung 6x1 hanggang 9x1 ganun basang basa na likod ko ng malamig na pawis.

Minsan ipinarecite kay Cyril ang buong multiplication table nakumpleto niya ng wala man lang hinto. Ipinarecite sa kanya ang mga capital ng mga bansa nagawa rin niya. Kaya nga bilib na bilib ako sakanya.

Noong pagpasok ko ng Valentines day noong grade six ako, ang ate ko pinagkaguluhan na ng mga magbibigay sakanya ng tsokolate at rosas.

Nakakainis nga e. kanina lang magkasabay kaming naglalakad ngayon naitsapuwera na ako sa isang tabi. 

"Eto." Sabi ng isang hindi kilalang highschool student sa akin. Lahat ng mga kakilala ko sa elementary napatingin sa akin. Tumigil ang mundo, sa wakas tumigil ang mundo para sa akin. Inabot niya ang isang rosas tapos ngumiti. On cue na nahulog ang mga dahon ng mangga at sumaliw naman sa indayog ng hangin ang buhok ko. Para akong prinsesa, para akong napakagandang anime...



"Pakibigay sa ate mo."

Para akong bula na bigla nalang naglaho sa kawalan.


Dahil sa insidenteng iyon naalala ko iyong kuwento ni nanay sa pamimilit niya kay tatay na bigyan siya ng rosas. Bilis bilisan akong tumakbo sa classroom namin at nakita ko si Cyril. Ibinaba ko ang bag ko sa upuan ko at naglakas loob na lumakad papalapit sa kanya.

Isang lakad nalang. Isang hakbang nalang. "Ehem." Tumingin siya sa akin at ngumiti, eto na talaga ang tatapos sa pagiging lonely ko! "Pu----"

"Cyril!!!!" biglang may sumigaw ng mga grupong babae sa may pinto at tumayo rin siya na talagang nakalimutan na ako. Hindi man lang niya sinabi "sandali lang."

Matalino nga si Cyril wala naman siyang manners, para sa akin wala rin siyang pinagkaiba doon sa unibrow na yun na amoy chalk.

Naglakad ako pabalik sa upuan ko at nung umupo ako nun ko lang nakita iyong lollipop sa may armchair ko.

Parang naiimagine ko pa nga na talagang pinagisipan iyong geometrical alignment ng pagkakalapat ng lollipop sa arm chair ko. Parang ilang beses nilihis. Parang ilang beses hinanapan ng puwesto para mapansin. Parang sinisiguradong para sa akin yun at hindi ipinamimigay kay Ate Lissy.

Naging misteryo kung sino ang nagbigay. Walang pangalan at wala rin bakas kung kanino galing yun.

Nang pauwi na ako sa bahay talagang iniisip ko pa rin yun. Sa sobrang pagiisip ko may nabangga pa ako. Nahulog pa nga iyong lollipop at talaga namang kinuha ko agad at pinagpag ang mga alikabok.


"Kainin mo na Lindsey masarap yan."


Ilang araw rin bago pumasok sa isipan ko ang koneksyon ng lalakeng iyon sa lollipop. Simula noon gabi gabi kong iniisip kung sino siya at ano ang hitsura niya. Ang naaalala ko lang e matangkad siya. Blue ang suot niyang damit at nakashorts siya ng black. Pilit kong inaalala hitsura niya pero malabo iyon sa imahinasyon ko. Para siyang panaginip kung saang sa tuwing inaalala ko ang mukha niya e bigla nalang itong magblu-blur at unti unting lalabo hanggang sa mawala at magigising nalang ako ng naglalaway.


Sino siya?


Minsan tinanong ko ang bestfriend ko kung sa tingin niya sino kaya iyon. Milyun milyong beses ko na iyong natanong sa kanya at pinapagalitan niya lang ako sa kadahilanang hindi ko naman siya kaklase noon.

Pero ngayon nilingon niya ako at sinagot.


"Baka si Lord. Alam niya kasing desperado ka na."



Thank you Lord.

Isang Milyong Sulat 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon