Narinig ko. Narinig ko ang bawat salita. Salitang binibitawan niya. 


Nakaka-gago lang kasi kaya pala. Ganon pala. Wala pala. Hindi pala. Tangina. 


Umalis na siya pero yung puso ko hawak niya parin. Tumalikod siya pero gusto ko'ng habulin.


Kaya ginawa ko. 


"Mav, san ka pupunta?" Pinigilan ako ni Miro. Nilingon ko siya pero inalis lang rin ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Sa kanya." Sagot ko.


"Siraulo ka ba?!" Nang tuloyan ng matanggal ang pagkakahawak niya nagtuloy-tuloy na 'ko sa paglalakad.


Kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko siyang mapuntahan. Kailangan ko'ng ayusin 'to. Kailangan kasi kailangan ko siya. Kahit yung totoo.. siya dapat yung gumagawa ng ginagawa ko.


Dali-daling naglakad ako. Di inda ang bigat ng bag ko'ng laman ang camera, laptop at iba pang libro na ibabalik ko. Hanggang sa napahinto ako sa isang daan pababa. Malapit lang. Andoon siya. May kinakausap sa telepono. 


Naglakad ako patungo sakanya. Kahit na naghihintay sakin ang sakit. Kahit na. Ayos lang. Kaya lang. Kung para kay Prim naman. 


"Prim," 


Nilingon niya 'ko. Dati-rati tumitingin siya sakin sabay ngiti, pero ngayon? Parang yung tingin niya mapapaiyak ako ng sobrang tindi. 


"What," Walang gana niyang tanong. 


"San ka pupunta?" 


"Uuwi na. Bakit ba?" Halatang asar na siya pero wala. Wala akong pakealam. Kahit na irita yata siya sa presensya ko..


"Gusto lang kitang makasama."  Pagsasabi ko ng totoo.


Napa-awang ang bibig niya. Nagulat yata pero ayos lang. Handa naman akong magexplain sakanya hanggang kinabukasan. Kahit na ako dapat yung pagsabihan. Kahit ako dapat yung pakiusapan.Kahit ako dapat yung may karapatan na humusga. Ako dapat yung hindi tinatalikuran. 


Pero hindi. Ako yung tumakbo. Papunta sayo. Kahit na alam ko, hindi pala 'yon totoo.



"Hatid na kita." Sabi ko nung di siya makapagsalita. 


Nakatitig lang ako sakanya. Ganon rin siya.


"Ano bang gusto mo?" 


"Ikaw. Ikaw ang gusto ko." Hindi na nga lang kita basta gusto. 


"Narinig mo ba yung kanina?" 


"Oo, klaro pa sa lahat ng klaro." Sinubokan ko'ng ngumiti. Mahirap pala ngumiti kapag iba yung nararamdaman mo. Iba yung isinisigaw ng puso mo. Masakit na eh. Dama ko na. Akala ko lang pala.

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now