Epilogue

827K 12.9K 3.9K
                                    

EPILOGUE:

Sara! Grabe ha? Ikaw ba yung magpapa party at kailangan magandang maganda ka?

Grabe naman kasi, isang oras na siyang nagme make up at nag aayos ng buhok niya pero hanggang ngayon, hindi pa din siya tapos.

Sandali lang naman di ba? Napaka atat naman nito.

Bilisan mo na kasi, late na tayo eh.

Wait lang naman kasi. Hindi ka na ba makapag hintay na makita si Cyriel? Eh kahapon lang magkasama kayo ah.

Kahapon yun noh, tsaka talaga namang late na tayo eh. Double time nga

Oo na, oo na. Tara na nga

Hay, salamat. Nakaalis na din kami. Kaya nga pala kami magpa party ngayon ay para i celebrate yung 1st day namin ni Cyriel. Call us weird but who cares? We're happy and it's all that matter. Kasalukuyan kaming papunta sa bar ni Dave at ako ang nagda drive. Woot. Talk about freedom.

After 15 minutes, nakarating na din kami sa bar. Exclusive party ngayon eh, yung talagang mga kakilala lang namin yung invited, siguro nasa 25 lang kami dito.

Nung pagpasok ko, naghiwalay na kami ni Sara, hinanap niya na yung boyfriend niya. Yes. Sila na talaga ni Dave and happy to say, wala na yung Good Kisser's Corporation. Napagdesisyunan nila na tigilan na yun kasi may Sara na si Dave at may ako na si Cyriel and si Andy? Ewan. Playboy yun eh. Talk about the playboy..

Andy!

Dana.. Uhm, bakit?

Bakit parang namumutla ka?

Ha? Ako? Bakit naman?

Pinagpapawisan ka kasi eh. Ikaw ha? Sino na naman yung malas na babaeng na chansingan mo?

Bigla siyang natawa

Ang dumi talaga ng isip mo. Hanapin mo na nga si Cyriel. Baka mawala sa'yo yun

Grabe ha. Bigla ko siyang hinampas

Gags! Nakakaisang araw pa lang kami eh tapos maghihiwalay agad? Ang sama mo!

Eto naman, hindi mabiro

Hindi kasi nakakatawa eh. Mababaliw talaga ako pagnawala siya ulit

Tss. OA mo. Alis na nga. Shoo

Oo na, oo na. Huwag mong gagalawin yung mga babae ha? Kaibigan ko lahat yung mga yun. Pag

nabalitaan kong gumawa ka ng kalokohan sa mga yun, babalatan kita ng buhay

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon