"How is he?" narinig niyang tanong ng kanyang ama kay Jeri.

"For the last few hours it was touch and go, his vitals are getting weak. His doctor said it's just a matter of time."

Parang biglang nanghina ang kanyang ama sa narinig. Inokupa nito ang bakanteng upuan sa tabi ni Jeri. They stayed there in a companionable silence. Nang makaramdam ng gutom ang Mommy niya ay niyaya nito ang kanyang ama sa cafeteria. Naiwan silang dalawa ni Jeri.

"Ahm, can I get you something to eat?" untag niya rito upang basagin ang namamayaning katahimikan.

Umiling lang ito. "No, I'm okay."

Hindi na siya nagpumilit. Hindi niya tiyak kung gaano katagal na silang nakaupo roon nang marinig niyang may tumawag sa pangalan ng kanyang kasama.

"Jeri." 

"Tony."

Si Anthony Vallejo. Mula sa lalaki ay lumipat ang tingin niya sa babaing kasama nito, si Ingrid. Malaki na ang tiyan ng babae. Hindi man siya eksperto sa mga buntis, pero hula niya ay malapit na itong manganak. Marahan siyang tumayo upang bigyan ng privacy ang mga ito.

"What are you doing here?" di-kawasa ay narinig niyang tanong ni Jeri.

Hindi niya tiyak kung sino ang pinatutungkulan nito sa tanong subalit nang makita niya ang tila gitlang ekspresyon sa mukha ni Ingrid ay lihim siyang napangiwi. That was harsh.

"Ano ba namang klaseng tanong 'yan? Siya ang asawa kaya natural lang na siya ang dapat na nasa tabi mo," parang inis na sagot ni Anthony sa tanong.

Nang makita niyang nangingilid na ang luha ni Ingrid ay ipinasya niyang magpasintabi saglit.

"Ahm, anyone wants some coffee?" 

"I need some. Sasama na ako sa'yo," sabi ni Anthony.

***

NAG-INIT ang mga mata ni Belinda nang makita ang impit na pag-iyak ng kanyang amang si Ramon. Patay na ang kaibigan nitong si Saul. Hindi man niya masasabing naging malapit siya sa namayapa ay batid niyang para na itong kapatid ng kanyang ama. At katulad ng sinabi ni Jeri, it was just a matter of time, sumakabilang-buhay na ang ama nito.

Naantig ang damdamin niya nang makita niya ang tahimik nitong pagluluksa sa tabi ng mga labi ni Saul. Nakita niya ang pagpasok ni Ingrid. Tahimik niyang niyaya ang mga magulang sa labas upang mapagsolo ang mga ito. Ayaw niyang isipin na may kinalaman siya sa nahihiwatigang tampuhan ng mag-asawa.

Iniwan niya sa visitor's lounge ang kanyang mga magulang at nagtungo siya sa vendo machine upang ibili ng maiinom ang kanyang ama. Along the way ay kamuntik na silang magkabungguan ni Terrence.

"H-hey," bati niya.

"Hey."

Saglit siyang hindi nakahuma sa lamig na nabanaag sa mga mata nito. Para sa kanya ba iyon?

"What are you doing here? Hindi pa rin ba natatapos ang obsession mo kay Jeri?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"What are you doing here? Hindi pa rin ba natatapos ang obsession mo kay Jeri?"

Napaawang ang kanyang mga labi at hindi kaagad nakapagsalita. What was he talking about?

"Yes, Belinda. I know everything. Pati na ang eksenang ginawa mo sa hotel pagkatapos ng kasal nina Ingrid at Jeri. I have some people keeping an eye on Ingrid. Kaya kung may binabalak ka man para pagkasirain sila, forget it. Naiintindihan mo ba ako?"

Hanggang sa talikuran  siya nito ay nanatiling nakaawang ang kanyang mga labi. Napakurap-kurap siya nang magsimulang mangilid ang kanyang luha. Nang magawa niyang hamigin ang sarili ay napakuyom ang kanyang mga palad. Hinanap niya si Terrence. May palagay siyang pupuntahan nito ang kaibigang si Jeri.

Ngunit bago pa siya nakarating sa pakay niyang hospital room ay namataan niya sa labas ng lobby sina Ingrid at Terrence, ang una'y mahigpit na nakabilanggo sa mga bisig ng binata. Habang pinagmamasdan niya ang dalawa, isang katanungan ang nabuo sa isipan niya. Pagtinging-kapatid lamang ba talaga ang damdamin ni Terrence para kay Ingrid? Hindi kaya deep inside ay mahal talaga nito ang babae? Na dahil sa malubhang karamdaman nito ay pinili na lamang ang magpaubaya kay Jeri?

Parang may pumisil sa puso niya. At bago pa niya naawat ang kanyang mga luha, masagana iyong bumukal sa magkabila niyang pisngi. Suddenly, a damning realization hits her. She tripped. And now, looks like she fell really hard. Face down.

Mariin niyang pinahiran ang magkabilang pisngi. Gusto niyang magalit sa kanyang sarili. She brought it all to herself. Nakatikim lang siya ng masarap na sex, bumigay na pati ang kanyang puso.

Enough, saway niya sa sarili. She compose herself. Nang makita niyang patungo sa direksyon niya sina Ingrid at Terrence ay mabilis siyang tumalikod.

Nang muli silang magkita ni Terrence ay sa burol na ng ama ni Jeri. Again, he was cold and hostile. Bagay na gusto man niyang ipagwalambahala ay hindi niya magawa dahil may pinong kudlit iyon sa kanyang puso. Nang makita niya itong muntikan ng mag-collapse ay muntik na siyang mapasugod sa tabi nito. Ikinuha niya ito ng basang bimpo at ibinigay kay Jeri. Parang pinipiga ang puso niya habang tahimik lamang na pinagmamasdan ito. Nang alalayan ito ni Anthony patungo sa sasakyan ay nasundan na lamang niya ito ng tingin.

He looks so weak and pale.  At bago pa niya napigilan ang sarili ay mabilis siyang nagpaalam sa kanyang mga magulang at sinundan ang sinasakyan nina Terrence at Anthony. Humantong ang mga ito sa isang pribadong pagamutan. Naghintay siya sandali hanggang sa makita niyang lumabas si Anthony. Nang makaalis ang lalaki ay pumasok siya ng pagamutan at nagtanong kung saang silid naroroon ang pasyenteng kapapasok pa lamang.

Kasalukuyan ng naka-confine si Terrence. Napag-alaman din niya na isang espesyal na pasilidad ang pagamutang iyon para sa mga cancer patient. Sinilip niya sa silid nito si Terrence. Muli ay parang piniga ang puso niya nang makita ang hitsura nito. Kung maaari niya lang itong hatian sa pinagdaraanan nito ay gagawin niya nang walang pag-aatubili. Tumaas ang kamay niya upang hagurin ang mukha nito. Ngunit sa pangambang magising ito ay kaagad niya ring binawi ang kanyang kamay. Pagkaraan ng ilang sandali ay tahimik siyang lumabas ng silid.

Hindi niya tiyak kung ano ang puwede niyang maitulong. Ngunit gagawin niya ang lahat upang matulungan si Terrence sa abot ng kanyang makakaya.

Two months later, masinsinan niyang kinausap ang kanyang mga magulang. Meron siyang importanteng ipinagtapat sa mga ito. Isang desisyon ang nakatakdang bumago sa kanyang buhay at kailangan niya ang suporta at gabay ng mga ito. Higit kaninuman, ang mga magulang niya ang inaasahan niyang makakaunawa sa desisyong ginawa niya. At hindi naman siya nabigo. Her parents gave her their blessing. Isang linggo pagkaraan ng pakikipag-usap niya sa mga ito, lumipad siya patungong America kasama sina Janine at Carlotta...



Velvety Flame (Chains of Passion Book III)Where stories live. Discover now