Chapter 42: Unmasked

Bắt đầu từ đầu
                                    

“Ang saya, hindi ba?” wika ni Trixie at nagpakawala ng isang nakakalokong halakhak. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na ang weirdong ito ang pumapatay sa amin. So ibig sabihin, siya ang nagtangkang patayin si Julie? Kung ganon, bakit niya hinayaang mabuhay pa ito muli?

Bigla na lamang niyang hinigit ang panga ni Kristine at itinaas ito para magpantay ang paningin nilang dalawa. May ilang dugo narin ang mukha niya na siyang mas lalong kinakikitaan namin ng awa. Napakasama ni Trixie. Demonyo siya.

“May sikreto kang tinatago, hindi ba. May sikreto kayo ng taong ‘yon. Alam kong alam na ng lahat ang sikretong iyon pero gusto ko uling marinig muli mismo sa iyo kung ano ang sikreto niyong dalawa.” Tumutulo na ang mga luha ni Kristine habang pilit parin siyang kinakaawa ni Trixie. Napatingin muli ako sa direksyon ni Ms. Banca na ngayon ay nakatulala na lang sa screen matapos niyang kalabanin ang limang lalaking hindi nagawang tapusin ni Valerie dahil sa may mga armas ito.

“Wala kang pakialam sa sikreto namin—“ naputol ang sasabihin ni Kristine dahil sinampal siya ni Trixie. Kahit na ganito ang sitwasyon, may iba parin akong nararamdaman. Hindi ko talaga maipaliwanag pero alam kong may mali.

“Mamamatay ka na’t lahat, itatago mo pa ang sikreto niyo! Sabihin mo sa aming lahat, ano ang sikreto niyo!” pagbabanta muli ni Trixie habang nanggigigil nitong tinitingan si Kristine. Nagulat kaming lahat nang may ilabas siyang kutsilyo at tinutok ito kay Kristine. Mas lalo siyang nanginig.

“Ano, aamin ka ba o hindi—“ hindi na naituloy ni Trixie ang kanyang sasabihin nang may marinig kaming lahat na sigaw galing sa likuran. Lumingon kami doon at tama nga ang pagkakarinig ko. Nagbalik siya.

“’Wag mo siyang sasaktan kundi patay ka sa’kin!” pagbabanta nito kay Trixie. Nakita ko naman ang pagngiti ng killer at kasabay nito ang biglaan pagkawala ng video. Napalitan ito ng isang hindi ko malamang mga salita. Parang may sagot sa nabasa namin.

Computers can found,

Elevators are there, too

The room number two.

Hindi ko pa napoproseso sa utak ko kung ano ang ibig sabihin ng nakasulat sa screen nang bigla na lang sumigaw si Grace.

“It’s a Haiku. Trixie used a Haiku,” sigaw ni Grace habang tinuturo-turo ang screen. Haiku? Para siyang hindi english word. Kung ano man ang Haiku na ‘yan, makakatulong lalo sa amin ‘yan kung malalaman namin kung ano ito.

“Anong Haiku? Ngayon ko lang naencounter ang word na ‘yan,” wika naman ni Blaze na may pagtataka din sa isip niya. Narinig ko naman ang buntong hininga ni Irvin. Paniguradong alam din niya ang tungkol sa bagay na ‘yon.

“Haiku is a Japanese poetry used to describe an object. Usually, 3 lines siya at gumagamit ng 5-7-5 syllabic pattern,” paliwanag ni Irvin. Unti-unting pumasok sa utak ko ang mga sinabi niya. Muli kong binasa ang nakasulat at tsaka ko napagtantong tama nga silang dalawa. Base sa sinabi ni Grace at pagpapaliwanag naman ni Irvin.

“Ililigtas kita,” bulong ng taong nasa likod namin at bigla na lamang siyang lumabas ng auditorium.

***

Third Person’s POV

Dali-daling tumakbo si Ian papunta sa lugar na alam niyang kinaroroonan ni Kristine. Nakalkula niya ang ibig sabihin ng Haiku na ginamit ni Trixie kung kaya’t, agad niyang pinuntahan ang nasabing lugar. Wala na siyang pakialam kung patibong lang ba ito pero kahit ano man ang mangyari, kailangan parin niyang mailigtas ang buhay ng kasintahan, ang kanilang sikreto.

“Humanda ka sa’kin, Trixie!” sabi niya habang hindi parin tumitigil sa pagtakbo papunta sa kanyang destinasyon.

Hindi niya inaasahan ang bagay na ito nang siya’y bumalik ng paaralan. Marami siyang nalaman sa labas. Iniwan lang niya sa kanyang condo ang matalik na kaibigan na si JA upang siya ang magsilbing mata sa labas.

“Room 2, technical building,” bulong ni Ian sa sarili habang unti-unting papalapit sa kinaroroonan ng dalaga. Walang bantay sa labas kaya’t agad siyang nakapasok dito. Sumalubong sa kanya ang lamig ng aircon at agad siyang naghanap ng maaring tumulong sa kanya.

“Sa’n po ‘yung Room 2?” tanong nito sa dalagang nakasalubong niya. Kahit matagal-tagal na siya sa paaralan ay hindi parin nito gasino kaalam ang pasikot-sikot dito.

“Sa 4th floor. Room 1,2,5 and 7 ay nandoon,” sagot naman nito. Agad na nagpasalamat ang binata at pumunta sa elevator area. Nang makatapat na siya sa pagitan ng dalawang pintuan ay huminga siya nang huminga. Ngunit, ilang minuto na siyang naghihintay ay hindi parin ito bumubukas.

Hindi na nagdalawang isip pa si Ian at agad na nilisan ang lugar at nagtatakbo papuntang hagdan. Unti-unti siyang nakaakyat patungo sa 2nd floor, 3rd hanggang sa 4th floor. Nang makarating na siya ay bumuntong-hininga muna ito bago nagsimulang maghanap ng nasabing kwarto. Walang sino man ang naroroon sa nasabing floor kaya agad siyang nagtaka. Bakit nga ba, wala siyang maaring pwedeng paghingian ng tulong?

Tumakbo siya at isa-isang tiningnan ang bawat pinto. Nang matanaw na niya ang kanina pang hinahanap na kwarto, agad niya itong pinuntahan pero hindi agad siya nakapasok nang may lumabas na babae galing dito. Tiningnan niya ito mula paa hanggang ulo. Nanlaki ang kanyang mata nang makilala niya ito at hindi siya makapaniwala na magkikita pang muli sila.

Aatras na sana siya nang sakalin siya ng babae. Agad siyang nagpumiglas at buong lakas itong tinulak dahilan para matumba ito sa sahig. Dinuraan niya ito at sinamaan ng tingin.

“Buhay ka pa pala. Hindi ko akalain na magkikita pa tayo, Julie,” wika niya atsaka sinipa ito at pinagduldulan niya ang mukha ng dalaga sa sahig dahilan para magdugo ang mukha nito.

“Ngayon, sabihin mo sa akin, sino pa ang kakampi niyo?” tanong ni Ian habang sinasabunot ang buhok ng dalaga. Nagmamakaawa na ito pero hindi parin siya tinitigilan ni Ian hangga’t hindi ito nagsasalita.

“Sabihin mo sa akin Julie, sino pa ang kakampi mo?” galit na galit niyang wika. Magsasalita na sana si Julie nang bigla na lamang makaramdam si Ian nang may tumarak sa kanyang batok. Unti-unting nanlabo ang paningin nito at nawalan ng malay.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Fifth Section (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ