"Teka nga, teka nga. Mej nahihilo ako sainyo." Umupo siya. Lumapit kaming pareho sakanya. "Rhian anak, hindi ba talaga pwedeng sumama Kuya mo? Kahit tagabitbit lang ng bag pwede na 'yan."


Oo nga pwede na 'yon. Kahit parang bodyguard lang. Ayos na sakin 'yon basta andiyan lang si Prim. 'Di ako mapapagod. Kahit libutin man namin ang MOA ng sampung beses.


"Maaaaaa, si Kuya you know him diba? Yayakap-yakapin si Ate Prim at gugulohin niya lang kami."

Tinignan ako ni Mama.


"Mav, baka naman pwedeng mag hunos dili ka at pigilan mo 'yang sarili mo. Nakakaloka ka rin minsan, e. Para ka ng magnet diyan kay Prim. Mamaya mabali 'yon."

"Ma, hindi 'yan makikinig." Sabi pa ni Rhian at inirapan ako.


"Hindi na 'yan mangungulit nak. Diba Mav? Wag ka munang PDA basta sunod-sunod ka lang. Tapos pag tapos na sila oh dun na pwede ka ng chumoreo!"


"Right."









"KUYAAAAA!"
Tinulak ako ni Rhian nang makita niyang inakbayan ko si Prim.

"Paka-OA mo naman, akbay lang eh."

Nirolyohan niya 'ko ng mata. Pagtingin ko naman kay Prim... siya na mismo nagtanggal ng kamay ko. Hinawakan niya si Rhian tsaka sila pumasok sa isang shop. May tatlong paperbags na 'kong hawak ngayon. Oo, talagang ginawa akong taga bitbit. Nasa akin rin ang backpack ni Prim. Yung kay Rhian, bahala na siya diyan. Kinuha ko yung kay Prim para 'di siya mahirapan. Lam mo na. Ayoko siyang napapagod. Sakin lang dapat. Lul.


Lumapit ako sakanila. May hawak silang mga palda-palda. "Ito. This suits better with the black turtle neck we bought." Ibinigay niya 'yon kay Rhian at tumango ito. Pumasok siya sa fitting room at naiwan kaming dalawa rito.

Tinusok ko siya sa tagiliran.


"Ano!"

"Sungit"

"Kasi! 'Wag mo 'kong kinikiliti." Marahang tinulak niya ko pero siyempre mahina siya't mas malakas ako. Kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at niyakap siya. 123 para-paraan.

"Payakap muna. La pa naman si Rhian." Sana dun nalang si Rhian tumira. Sagabal, e.


"Tssss," Hinayaan niya lang naman ako. Tapos umiba kami ng pwesto. Sa likod na 'ko nakayakap. "Missed you. Mami-miss pa kita lalo bukas."

Pupunta kasi silang Ilocos ng mga pinsan niya. Umuwi raw galing States kaya nagbonding sila. Okay lang naman, mga pinsan lang naman. Nakakainis nga lang kasi nakita ko 'yong posts niya sa IG. Naka two piece pa siya. Psh.


"Really?"


"Yuppp, hanggang kelan kayo don?"


"3 days raw and 2 nights eh. So a-absent ako ng Monday and Tues."

Parang gumuho ang mundo ko. Isang araw ko nga lang siyang 'di nakita't nakasama nakakawalang gana. Tatlong araw pa kaya? Suicide.

LIKE THOSE MOVIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon