"Psh,"

"So what's your plan?"

"Plan what?" Tanong ko. Ano bang pinagsasabi nitong si Aki? Tungkol kay Prim ba?

"Prim. You love her. So? Liligawan mo na?" Tanong niya sakin.

I've been thinking about courting her since last night but I don't know how. Siguro tatanungin ko nalang siya? Or di kaya sasabihin ko munang talagang mahal ko siya? Bahala na nga.

"Ako na bahala dun."

"If ever you need advice... We're here."

Gusto ko'ng sabihing... I don't need you guys. Puro kasi kalokohan mga ipapayo ng mga 'yan but oh well. Hindi ko pa naman alam kung anong advices nila pagdating na dito. Pagdating sa love.

Tangina. 'Di ko akalaing dadating ako dito. Dito. Sa pag-ibig. Shet.

"Para sakin lang, ah. Ligawan mo na. Maraming may gusto dun. Talagang nilalapitan." Miro

"Yeah, bro. Pero napansin ko. Wala siyang pinapatulan simula nung nagka-something kayo." Cady. Napangiti ako.

Bawal bang isipin na may gusto din siya sakin? Actions speak louder than words right? I mean, sumasabay siya sakin. We hug sometimes, we act like lovers most of the time. Oo. Ngayon ko lang narealize. Pang g-go pa. Sinasabi ko'ng kaibigan lang? P-ta.

"Sheeeeet. Kinilig amp-ta!" Aki.

Nagtawanan naman sila. Ako naman napa-smirk nalang.

"Ligawan mo na 'yan."

"Let's see." Sabi ko.

I don't want to rush things. I want to be sure. First time ko 'to. First time ko'ng, oo, pakenshet. Mainlove.

THE next day, pumasok na kami. Si Miro lang ata walang pasok ngayon eh. Kaya andoon yata siya ngayon sa bahay ng pinsan niya, nagba-basketball. Sabi niya kasi pag may kailangan kami or may trip kaming gawin itext lang daw siya.

I won't deny the fact na my eyes were just staring blankly at our Professor but my mind's with her. Count my heart in. P-ta. Corny.

Sa pinaka likod kami nakaupo. Katabi ko si Aki, lagi naman.

Nagte-take down siya ng notes kasi pointers yata 'yong sinasabi ni Sir. Hihiram nalang ako mamaya. Or pi-picture-an ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya. Simula kasi kagabi hindi na siya nag-text. Hindi na rin naman ako nagtext nun. Wala, masyadong maraming iniisip.

Mavis: San ka?

Naghintay pa 'ko ng ilang minuto. May pasok ba siya ngayon? Hindi ko kasi matandaan sched niya. Basta ang alam ko gusto ko lang siyang makita hangga't kaya. Papa-send ko nga sakanya schedule niya para sigurado na 'ko.

Prim: Court. Practice ng volleyball.

Ohh... kailangan ko'ng manood. Start na nga pala ng season. Next week ata eh. Kasi kami rin pinapa-tawag na ni Coach. Balak ko ngang umalis na sa team. Nakakatamad na pumraktis. Medyo dyahe nga kasi malapit nang magsimula and yet behind kami sa practices. Bahala na nga.

Mavis: Punta ako diyan after class. Ayos lang?

Palinga-linga ako. Busy parin naman si Sir.

Prim: Okay

Siguro break nila. 3PM na. Ihahatid ko nalang rin siya after nun. Wala na rin naman akong pasok. Teka, basa kaya damit niya? Dalhan ko kaya ng sakin? Gusto niya kayang uminom? Nauuhaw na siguro 'yon?

LIKE THOSE MOVIESUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum