Chapter 6:Dirty Game

25 0 0
                                    

THIRD PERSONS POV

Namangha si Andie sa napapanood niya , ngayon pa lang siya nakapanood ng laro na isa ang pinsan niya ang naglalaro .
Hindi niya rin maitatanggi na magaling talaga ang pinsan na si Taejin pagdating sa basketball

Samantala...

Umiinit na ang laro sa pagitan ni Taejin at Yuan , halos nanood na nga lang ang iba nilang kasamahan habang sila ay nag-uunahan sa pag-aagawan ng bola . Ramdam din ang tensyon sa pagitan ng grupo na ngayon ay nahahati na sa dalawa , napansin ito ni Andie at kahit na gusto niyang magtanong kung anong meron ay hindi niya magawa dahil na rin sa mga seryosong ekspresyon ng bawat isa

Binaling na lamang niya ang atensyon sa anim na manlalaro sa kanilang harapan nang biglang

"Shit!"

Sigaw ni Night na ngayon ay nakahandusay na sa sahig .
Agad itong nakaagaw ng atensyon kaya naman nag-uunahang nagsipuntahan ang grupo ng red team sa direksyon nito kabilang na ang coach nila na si Nike

"Shit! Ugh!"

Daing nito habang namimilipit sa sakit .

"Bring him to the clinic!"

Nagmamadaling utos ng coach kay Mino at Dave , agad namang kumilos ang dalawa at dinala si Night sa clinic

Itinikom ni Yuan ang kamao at kung pwede lang makapaso ang titig nito ay siguradong kanina pa may nasaktan . Walang kaabog-abog na sinugod nito si Denzel na tahimik lamang na pinapanood ang paglabas ng tatlo sa gym

napahiga ito sa sahig habang patuloy na sinusuntok ni Yuan

"You Bastard!"

Sigaw nito habang patuloy na sinasapok sa mukha si Denzel

"Yuan! Stop!"

Agad namang kumilos ang natitirang miyembro ng Red Team at Blue Team , parehas nilang pinipigilan ang ngayon ay nagwawala nang si Yuan

"Stop!!!!"

Agad namang natigil ang commotion ng sumigaw si June

"Fck you"

Bulong ni Yuan habang inilalayo siya ni Terrence

"Stop it already Yuan , kahit na ang pamilya niyo ang may-ari ng School . Hindi iyon sapat para ibreak ang rules ng school"

"The f-ck are you talking about? how come I break a school rules? eh kayo nga ang nanguna! That bastard push Night on the ground!!!"

Galit na galit na sigaw nito , nagsisimula ng matakot si Andie sa tono ni Yuan . Oo , alam niya na nakakatakot ito pero bakit mas lalong naging mas nakakatakot ang aura nito ngayon?

"It's an accident , Hoe"

Pang-aasar ni Aiden habang tinutulungan tumayo si Denzel

"Are you okay?"

Nag-aalalang tanong ni Andie sa ngayon ay sugatan na rung si Demzel, hindi nga siya makapaniwala sa pasa na natamo ni Denzel isa lamang itong patunay na malakas talaga si Yuan

Hindi naman sumagot si Denzel at nagpogi sign lang dahilan para mapangiti si Andie

Samantala , kanina pa tinititigan ni Terrence ang kilos ni Andie , mula nung dumating ito sa gym kasama si Yuan . Isang Linggo na ang nakakalipas ng dumating ito sa Blue Light

pero..

Bakit parang may mali dito?

Habang patuloy na nakikipagsagutan si Yuan sa blue team ay bigla siyang nagsalita dahilan para tumigil ang lahat

Oh My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon