Chapter 1: Blue Light Academy

89 2 0
                                    

"Andie?"

natigil ako sa pagmumuni muni nang biglang may humawak sa balikat 'ko

"Andie ikaw ba yan?"

Hindi makapaniwalang tanong nang lalaki sa harapan 'ko , It takes a second bago 'ko tuluyang na recognize kung sino ang lalaki sa harapan 'ko

"Taejin?"

"Oo ako nga!"

Magsasalita pa sana ako nang bigla nya akong yakapin nang super higpit!

halos 'di na nga ako makahinga eh!

"Ikaw ba talaga yan? Grabe anong nangyari sa mahaba mong buhok? and bakit 'ka nandito?"

Tuloy tuloy na tanong nya , lumunok muna ako nang laway bago tuluyang makasagot sa tanong nyang pang showbiz

"Ako yung.. ugh Transferee na binilin ni Mama mo"

After 'kong sabihin yun halos nabalutan nang katahimikan ang buong paligid

pinikit 'ko yung mata 'ko

Awts. Tama ba 'tong desisyon 'ko?

Ginawa 'ko lang naman to dahil gusto 'ko pang macotinue yung pag-aaral 'ko ii -,-

"Seryoso 'ka ba? Lalake ang mga nag aaral dito"

"I know pero--!"

Nag sigh at huminga nang malalim bago 'ko sinimulan i-kwento ang mala dramang nangyari sa amin nang kapatid 'ko and ang dahilan 'kung bakit ako mag-aaral dito

Nag sigh sya bago nya ginulo yung buhok nya

He is Taejin Kim, 18 , Anak ni Aunt Mara kaya cousin kami , He is currently in Senior High and Half Korean sya

(AN: Yung theme nung school nila are like in korea XD from first grade (age 15-17) to third grade (age 17-19), and students commonly graduate at age 18 or 19. :) )

Pinanood 'kosya habang sya eh patuloy lang sa pag-iisip kung mag-a agree ba sya sa decision 'ko

"Hay..!"

Sinabunutan nya yung sarili nya at patuloy lang sa pagbilong nang kung ano-ano

"..tutal andito ka na naman at nakaayos panglalaki ka na at nakapag enroll nang ligtas........."

Kinuha na nya yung iba 'kong gamit at dinala papasok

Pumayag sya? Pumayag sya?!?!?!

Ngumiti ako nang matagumpay at sinundan sya papasok pero bago pa kami tuluyang makapasok sa loob nang Academy bigla syang humarap at hinawakan sa balikat

"Since dito ka na mag-aaral bibigyan kita nang RULES..."

Nag gulp ako bago nya tinuloy yung sasabihin nya

"...no. 1: Saakin ka lang didikit at sasama , no 2: Wag na wag mong ipagkakalat na babae 'ka and lastly no. 3: Wag kang magtitiwala sa kung sino man maliban sa akin"

"Argh! Yes Sir!"

Nag salute ako sa kanya habang sya ay ngumiti lang at pinisil yung pisngi 'ko

"Aray Naman!"

pagrereklamo 'ko sabay pout

"Tama na yan , papasok na tayo Act like a REAL MAN ok?"

Nag nod muli kami at tuluyan nang pumasok sa loob nang Academy

***Danger - BTS song at the side as the background music credit nalang sa owner nung vid! :) )

Oh My PrinceWhere stories live. Discover now