Bruh

5.8K 304 39
                                    

Maaga naman natapos ang klase ni Karylle at masayang masaya siya, dahil nai-present niya ng maayos yung mga report na hinanda niya. Agad din naman niyang tinext si Vice para ipaalam sa kanya yung tungkol sa report at para din magpasalamat sa pagtulong nito sa kanya ng ilang gabi. Ibinulsa naman agad ni Karylle ang kanyang cellphone pagkatapos, dahil alam niyang hindi magrereply sa kanya si Vice dahil nasa klase pa at may quiz din ito ngayon. 


Parehong matalino sa klase sina Vice at Karylle. Ngunit mas nakakalamang naman si Karylle kesa sa kanya, dahil sa minsan ay napapabayaan ni Vice ang kanyang pag-aaral dahil sa pagsasali-sali nito sa mga Ms. Gay beauty pageant sa iba't ibang barangay kasama ang mga iba pang kaibigan niya. 

Bilang matalik na kaibigan naman ng bakla, ay todo suporta at hindi naman siya pinapabayaan ni Karylle, at tinutulungan pa siya nito lagi para makahabol sa mga lessons at para din makapasa siya. At kung nagkataon na si Karylle naman ang nakakalimot sa kanyang pag-aaral dahil sa pagiging busy nito bilang Vice President ng Department nila sa school, ay tinutulungan din siya ni Vice sa pag-aaral para makahabol. Lagi silang nagtutulungan dahil sa gusto nilang pareho na sabay silang magma-marcha kapag grumaduate na sila.


Habang inaayos ni Karylle ang mga gamit niya sa mesa, ay bigla namang hinablot ni Vhong ang sumbrero niya saka agad itong isinuot. Matalim naman siyang tinignan ni Karylle, dahil ayaw na ayaw talaga niyang tinatanggal ang sumbrero niya, pwera na lang kung nagka-klase na sila. Sila na lang ni Vhong ang naiwan sa classroom ngayon dahil nauna na ding lumabas ang iba pang kaklase nila. 

"Congrats sa report, Bruh! Ang galing mo kanina ah." taas baba pa ang kilay ni Vhong saka itinaas ang kanyang siko para makipag-elbow bump kay Karylle. Umirap na lang si Karylle saka tumugon sa elbow bump ng kaibigan.

"Thanks! Akin na nga yan! Mamaya maging amoy pawis pa 'to." 

"Grabe ka Bruh, fresh pa naman ako ah!"

"Kahit na! Basketball player ka, kaya kahit anong paligong gagawin mo, amoy pawis ka pa rin." pang-aasar ni Karylle habang pinapagpag ang kanyang sumbrero saka muli itong isinuot ng patalikod. 

"Oy, kahit amoy pawis 'to. Perfume pa din ito noh! Parang yung sa commercial lang ng Axe. Di mo ba napapansin? Sa tuwing pinapawisan kame sa laro, mas lalong tumitili ang mga girls samin. O, di ba? Di ba? Wala ka nun Bruh!" pabidang wika ni Vhong at napailing na lamang si Karylle sa kanya.


"Bruh, magpasalamat ka na lang na hindi naka-boy cut 'tong buhok ko. Huh! Kung nagkataon, walang wala yang ka-gwapuhan niyo sakin. Isinusumpa ko!" pabidang wika din ni Karylle kaya mas natawa naman si Vhong sa kanya saka muli silang nag-elbow bump. 

"Bruh, maaga pa naman eh. Samahan mo naman ako sa gym para mag-practice. Manonood naman kayo mamaya sa game namin di ba?" 

"Oo, pero mamaya na lang, Bruh. Punta muna ako sa faculty para ipasa yung isa pang report ko. Hindi kasi papasok si ma'am mamaya di ba?" 

"Sasamahan na lang kita sa faculty 'tas samahan mo ko sa pagpa-practice."

"Vhong, gutom din ako. Kakain pa ko."

"Eh, di sasamahan din kita sa canteen. Libre na kita." pangungumbinsi pa muli ni Vhong saka hinarang si Karylle bago umalis ng tuluyan sa kanilang classroom. 

"Anong nakain mo't gusto mo talagang samahan kita sa gym?" tanong ni Karylle saka pinanlisikan ng mata ang kaibigan. Napakamot naman sa ulo si Vhong saka ngumisi lang sa kanya.


"W-Wala naman.. Masama bang ako naman yung samahan mo ngayon? Minsan lang naman tayong magkasama, kasi si Vice lagi kasama mo di ba? Paano naman ako Bruh?" pagpapacute pa ni Vhong kaya nasuntok siya tuloy ni Karylle sa tyan bago ngumiti sa kanya. 

Suddenly You and Me - ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon