Chapter 7:World War 3?!

136 20 3
                                    


Hazel POV

Hahay,bored na ako kakahintay kay Mikouh.Dapat lang sakin 'to.Hindi ko dapat sya iniwan.Sigurado,pagdating 'nun,sesermonan ako 'nun.O 'di kaya,mas malala pa sa sermon.





Maya-maya,may dumating na pulang sasakyan at may isang babaeng bumaba at,isang...wow pogi.Ayy??Si Mikouh pala?Edi wow.-_-





Pero,teka sino ba 'tong babaeng 'to?Naku,baka nahulog sa kamadag ng Shokoy at pinasakay sya kaya ayan.





Bumaba ako ng sasakyan at lumapit kay Mikouh.





"Hoy M-Mikouh.....SORRY NA!SORRY SORRY SORRY SORRY SORRY SORRY NA.Patawarin mo na ako." Pagmamakaawa ko.Muntik pa nga akong mapaluhod.Medyo OA ano?Eh,kahit naman siguro sinong tao na nakagawa ng mas masahol pa sa ginawa ko kay Mikouh ngayon,eh magsosorry din ng ganito.





"Mikouh,who is she?" Tanong ng babaeng kasama nya.





"Hazel,Geniffer,sa loob na tayo mag-usap." Sambit ni Mikouh sabay bukas ng gate.Habang 'yung babae namang kasama nya ay kapit na kapit sa kanyang braso.





Aba'y 'tong babaeng 'to,parang linta.At may gana pa si Mikouh na unahin 'yung chicks nya?Sayang 'yung effort ko sa pagsosorry.Hmph!Galit ulit ako sayo Mikouh!





(A/N: Ano ba talaga Hazel?)





Heheh.....





Pagpasok namin sa bahay ni Mikouh,napanganga ako dahil sa napakalaki at napakaganda ng kanilang bahay o masasabi kong isa na itong mansion.Mas malaki pa 'yung bahay nila kaysa samin.Hindi naman sa kinukumpara ko pero 'yun ang nakikita ko.





"Nga pala,Hazel this is Geniffer my ex.Geniffer,this is Hazel." Ani ni Mikouh.Hmm,Geniffer.





"Nice to meet you Geniffer." Bati ko sa kanya.





"Nice to meet you too Hazel." Bati nya rin sabay ngiti.Hmm,siguraduhin mo lang na hindi plastik 'yan.'Di,just kidding. XD.





"So,ano ka ni Mikouh?" Tanong nya.





"Ah,maid ko sya.Bagong maid." Hirit ni Mikouh.Heh,kanina sa bahay sinabi mo kay Shane na gf moko.Ngayon,right infront of that pretty chick,sinabi mo na maid moko.Mmm,kung sa bagay hindi kita masisisi.Playboy ka nga eh.





"Hehe.." Tanging nasambit ko.





"Geniffer,have a sit.Saglit lang ha,may sasabihin lang ako kay Hazel.Nga pala,nasa ilalim lang ng glass table 'yung mga magazines." Sabi ni Mikouh kay Geniffer.Aba,ni hindi manlang ako pinaupo?Aba'y,nakakainis din ano? -__-





"Okay.Take your time." Sabi ni Geniffer.





Paupo na sana ako sa sofa ng bigla akong hinila ni Mikouh sa braso.





"Halika nga dito." Pabulong nya.





"Aray ko,Mikouh teka lang ang sakit." Ani ko sabay alis ng kamay nya pero masyado syang malakas.Pero pagdating namin sa kusina,agad nya rin akong binitawan.





"Dahil iniwan mo ako kanina,magluto ka ng lunch mamaya tapos ikaw na ang maghugas ng mga plato." Utos ni Mikouh.





"Seryoso?!Di ba't sinabi ko na sayo na hindi ako marunong magluto,tapos sabi mo okay lang.Ano ba 'yan Mikouh.Ikaw nalang ang magluto tapos ako na ang maghugas." Ani ko.





The Playboy's Maid Is A Gangster?! (On Hold)Where stories live. Discover now