Chapter 10

30.2K 780 22
                                    

Tahimik na humihikbi si Nica sa isang tagong damuhan habang nakatanaw sa isang kaganapan na hindi niya inaasahan na masaksihan.

Papunta sana siya sa hide out nila ni Mindy nang may matanaw na mayroong tao roon, she kept her distance away upang hindi makita nang mga ito.

Pero parang may magnet ang mga paa niya na kusang lumapit sa lugar na kinaroroonan ng dalawang kapareha. Ganon na lamang ang panlolomo niya ng mapagsino ang lalaki na may kasamang babae. Nanghina ang kanyang tuhod at nanikip din ang kanyang dibdib.

Pakiramdam niya'y namanhid ang buo niyang katawan, napaatras siya habang tahimik na humihikbi sa gilid ng mataas na damuhan.

Sumalampak siya ng upo, sapo ng dalawang palad ang luhaang pisngi.

Nang mahimasmasan, tumigil siya sa pag-iyak at inayos ang sarili upang lisanin ang lugar. Hindi na siya lumingon pa, binalagtas niya ng tuloy-tuloy ang daan pauwi ng mansyon.

Nanunuot sa kanyang balat ang init ng sikat ng araw, subalit hindi niya iyon alintana dahil mas nananaig ang sakit na nakabaon sa dibdib.

Mula simula, alam naman niyang wala siyang karapatan na magalit. Subalit, sadyang nasasaktan siya at hindi niya iyon maiwasan.

At ang isipin na may nangyari sa kanila ni Ivan noong gabi na pinuntahan niya ito sa condo ay mas lalong nagpapabigat sa kanyang loob. Sobrang sakit, na halos pinipiga ang puso niya. Hindi dapat siya makaramdam ng ganoon kung walang pagmamahal para sa lalaki.

Aminin man niya o hindi, alam niyang nagkapuwang na ito sa kanyang puso. Kahit na palaging pang-iinsulto at pagsusungit ang inaabot niya sa lalaki.

Hindi iyon nakabawas sa paghanga niya sa asawa gaya ng una niya itong makita sa airport. Sinasarili na lamang niya ang nararamdamang sakit. Kahit ano namang gawin niya, masama pa rin ang tingin nito sa kanya. Kaunting tiis na lang, siguro naman maghihilom din kaagad ang sugat sa dibdib na nilikha ni Ivan kapag tuluyan na silang naghiwalay.

Dumating si Nica sa mansyon eksaktong 12 ng tanghali. Napaatras siya pagkapasok nang makita ang lalaking iniiyakan. Kasama nito ang babae na nakita kanina.

Lihim na ikinuyom niya ang mga palad at kinakalma ang sarili. Pagkatapos ng kanyang mga nakita, nais pa rin niyang umaktong normal ang lahat. Gaya nang dati, bingi-bingihan lang. Tila ba walang paki-alam pero ang totoo, gusto nang sumabog sa loob.

"Hi!" Bati niya sa babae na katabi ni Ivan.

"Oh, hi! I bet you're Ivan's cousin. You're so pretty..."napaismid si Nica mula sa narinig, "I'm Glaiza, nice to meet you." Glaiza extended her hand towards her.

She accepted it, she wanted to twist the woman's hand but she released it instead.

"Thanks, nice to meet you too. I'm Veronica." She gave the woman a fake smile.

Umangat ang ulo niya upang tingnan si Ivan, nagtama ang kanilang mga mata. Gusto niyang sugurin at sampalin ang lalaki, ipamukha sa babaeng kasama nito na hindi sila mag-pinsan kundi mag-asawa.

Ivan face is unreadable, hindi niya alam kung anong mayron ang utak ng lalaki.

He kept on hurting her, mas nanaisin sana niyang saktan na lang siya nito physically.

Umiwas siya nang tingin at nagpaalam na aakyat sa taas. Diretso siyang pumasok sa silid at ini-lock iyon.

Ibinagsak niya ang puyat na katawan sa kama kasabay nang pagbagsak muli nang kanyang mga luha. Everything's become complicated in her life and including her heart.

Ngayon niya napagtanto, mahal niya na ang asawa kaya siguro ganon na lang ang sakit na naramdaman niya nang makita ito at ang babaeng kasama.

Umupo siya sa kama at tinapik-tapik ang naninikip na dibdib. Kapagkuwan ay muling nahiga sa kama nang medyo maluwag na ang pakiramdam.

The Millionaire's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon