Chapter 1

30.5K 576 12
                                    

Padapang ibinagsak ni Nica ang pagod na katawan sa malambot na kama. Kagagaling lang niya sa isang part time job na pinapasukan. Pang huling taon na niya sa kursong nursing kaya mas lalo siyang naging masigasig sa paghahanap ng ibang part time job para sa sa kanyang pang-review after the graduation.

Every weekdays, pagkagaling ng university dumideretso siya sa mansion ni Lolo Fidel ang may ari ng university na kanyang pinapasukan at hospital sa kanilang bayan.

Naging personal nurse siya ng matanda. Isa rin iyon sa mga part time job niya. At malaking tulong ang malaking pasweldo ng matanda sa kanya.

Gusto na nga nito na doon na lamang siya tumira sa mansion para may makasama ang nag iisang apo nitong babae na naging best friend na rin niya. Hindi siya iba sa matanda, parang apo na rin siya kung ituring nito. Dahil matalik na kaibigan ito ng yumao niyang Lolo.

Napadilat si Nica ng marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone.

Pikit matang kinapa niya iyon sa loob ng bag na nasa sahig. She saw the caller's name and it was no other than but her best friend. Mindy Allison Anderson.

Isang taon ng namamalagi ang babae sa Hacienda, hindi niya alam kung ano'ng trip nito sa buhay. Kung bakit mas pinili nitong manatili sa probinsya kaysa sa lungsod.

When Mindy came in town, they became instant best friends since palagi siyang nasa mansion para maging personal nurse ng lolo nito kahit kasalukuyang pang nag aaral. Kaya niya ang trabaho at hindi naman gano'n ka alagain ang lolo ni Mindy kaya mas lalo pa silang naging malapit sa isat isa.

Mas matanda ito ng tatlong taon sa kanya, sa US ito nag-aral at nagtapos tulad din ng nakakatandang kapatid nito na si Ivan Paul Anderson.

Speaking of Ivan, papauwi ito ng Pinas, hiling iyon ng matandang Anderson sa kaisa-isahang apong lalaki. But she doesn't know exactly kung kailan ito darating ng bansa. She haven't meet him yet personally, and she only saw him in pictures.

"Hello" patamad niyang sagot habang nakapikit.

"Hey, bessy! Guess what?!" Bungad ng best friend niya sa kabilang linya.

"Mindy Allison Anderson! Will you please, lower your voice? hindi pa ako bingi ngayon pero papunta na ako don."

"Ops! sorry naman bessy. I'm just so excited to inform you that my kuya will arrive anytime soon." Narinig niya ang pagtawa ng kaibigan sa kabilang linya.

"Oh? Eh, ano ngayon as if naman kailangan ko rin ma excite?"

"Haller, to earth! Oh, You should be, this is the first time na makikila mo si kuya, ano! For sure, magugustuhan ka niya. Ayeeee! I'm so excited!" Knowing Mindy, madalas lang naman siyang itulak sa kapatid nito na nasa pictures lang niya nakikita. Palibhasa Hopeless romantic ang babae at siya lang naman ang napagbuntungan ng pagiging HR nito. Kailangan niya na yatang kawawaan ang sarili.

"Oh, cut the crap Mindy, bulag 'yang kapatid mo kung sakaling magkagusto sa'kin. And I'm not that so desperate para magka love life. For my future patient's sake gagraduate pa ako at mag aalaga ng mga pasyente ko, soon."

"Whatever Nica. Just marked my word. We'll see what will happen in the future. Malay mo maging pasyente mo rin si kuya sa kama."

"Mindy! I'll make sure it does not gonna happen!" Narinig niya ang malutong na halakhak sa kabilang linya.

In an instant she already knew it, for sure she's already red as tomato. Alam niyang libereted si Mindy dahil sa states ito lumaki at natural na lamang dito na pag usapan ang mga kahalayang naiisip.

"Bessy, you're a nurse for sure marami ka na ring nakitang alam mo na" napahagikhik ulit ito sa kabilang linya.

"Mindy, if you won't stop talking nonsense, I'd better hang up. Kararating ko lang from work. So stop poisoning my mind at this early morning." Aminado sya na marami na siyang nakita na katawan nang mga lalaki at babae na rin. Of course, as a nurse, it's part of their job but they were professionals when it comes to those private thingy .

The Millionaire's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon