Chapter 4

30.1K 691 7
                                    

"Pak!"

"Shit! What the hell Mindy Allison at bigla kana lamang nanampal?" Ivan shouted at her sister. Namumula ang kanang pisngi nito dahil sa sampal ng kapatid, mahina lang dapat 'yon kaso napalakas yata. Tinaasan ito ng kilay ni Mindy.

"Para sa pambabastos sa magiging asawa mo at best friend ko. Since hinahayaan ka niyang i-bully siya ako na lang ang gaganti para sa kanya." Naiinis na turan ng dalaga.

"You're impossible, woman." Bumalik siya ng upo sa mesa at nagkape.

Pumunta si Allison sa kanyang harapan at pinag-krus ang dalawang braso.

"Look who's talking. Alam mo kuya whether you like Veronica or not, you need to marry her. 'Di ba nga, ayaw mong mapunta sa sampid ang haciendang 'to? Then, you have to bear her presence around this mansion every now and then otherwise mawawala sa'yo ang lahat nang ito kapag kusang umurong 'yon sa kasal niyo." She threatened him.

Humigop ng kape si Ivan at pinukol ng masamang tingin ang kapatid.

"Not gonna happen and I will see to it na mababawi ko ang hacienda mula sa kanya. I don't care sa kayaman ni lolo."

"Ows?" She teased him and she taking a seat.

"Cut the nonsense woman and stay away from me."

Umingos naman si Mindy at tumayo hindi pa ito nakahakbang ng may maalala.

"Kuya, 'di ba ayaw mo ng church wedding? How about garden? Dito na sa loob ng hacienda, what do you think of my idea? For sure Veronica will agree to me."

Umangat ang mukha ni Ivan upang salubungin ang tingin ng nang-iinis na kapatid. "Do you really need my suggestions here? The last time I checked hindi nasunod ang gusto ko. Do whatever you want Allison I don't care besides wala akong laban sa inyo ni lolo."

"Then, it settled..."Mindy giggled in excitement, "it will going to be a wedding of the year." She dreamingly beam. Ivan just grinning while Mindy smiling like she won the battle.

"VERONICA!" Lumingon si Nica nang may tumatawag sa pangalan.

It was Karen, her not so close friend.

"Oh, bakit?"

"Nabalitaan mo na ba? Ikakasal daw ang apo ng may-ari ng university natin? Grabe, ang swerte naman ng babae kung sino man siya."

Nica rolled her eye balls, isa pa ito. Ikwento pa talaga sa kanya ang malupit na kapalaran na maaaring sapitin.

"For sure hindi rin maswerte ang babaeng 'yon, malas kamo."

"Ito naman ang bitter mo. Oh, kain!" Sabay abot sa kanya ng isang candy.

"Para maging matamis ang panlasa mo." Dagdag nito.

"Thanks, ha? Wala akong lollipop ngayon eh." Nica said smiling to her.

Karen raised her eyebrows. "Himala yata."

"Hindi ako nakapag-grocery eh, naubusan ako. Next time, magsa-stock na talaga ako."

"Abnormal ka talaga Veronica, ibang klase ang trip mo. Nasa tindahan lang ang lollipop tee. Tig-isang piso lang."

"Alam ko, no need to remind me. Saan ka ba pupunta? Lumayas kana nga ang ingay mo."

"Hmp! hindi ka magkaka-boyfriend kapag ganyan ka, Nics." Natawa siya nang bahagya sa sinabi ng kaharap.

"Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko karen. Araay!" napahaplos siya braso, "bakit kaba nanghahampas. Parang bakal ang kamay mo ah, ang tigas!" Reklamo niya rito pwera biro.

The Millionaire's First LoveWhere stories live. Discover now