Chapter 23

21.2K 525 16
                                    

MAKALIPAS ang apat na buwan mula nang manganak si Nica ay napagpasyahan nila ni Ivan na pagpakasal muli. Blessing ang pagdating ng anak sa buhay nila.

Ang bilis ng panahon at ngayong araw ay nakatakda silang ikasal ulit ni Ivan sa simbahan. Kung siya lamang ang masusunod ayos lang sa kanya ang nauna nilang kasal pero ayaw ni Ivan. Gusto nito na maikasal silang muli at sa simbahan iyon.

Bumukas ang pituan ng silid, iniluwa niyon si Mindy bitbit ang apat na buwang anak nila ni Ivan.

Sobrang cute nito sa suot na gown, lavender iyon na may ternong headband sa ulo na wala pang masyadong buhok.

"You look so fabulous in that wedding dress best, I'm happy for you, bes. Sa wakas ay magiging happy ending na rin kayo ni kuya. I told you, magiging pasyente mo siya sa kama."

"Mindy!" Naging kulay kamatis ang pisngi ni Nica dahil sa sinabi ng best friend.

Kitang-kita niya iyon dahil nasa harapan siya ng salamin at inaayusan ng make up artist na kinuha ni Mindy.

Mindy just rolled her eyeballs.

"Akin na muna saglit ang baby ko."

"Hindi pwede, alam mo namang inaayusan ka. Say, bye to mommy, baby Georgie."

Walang nagawa si Nica kundi panoorin si Mindy at ang anak palabas ng pintuan.

Minadali na ang pag-aayos sa kanya, marahil ngayon ay hindi na mapakali ang asawa niya.

Hindi sila nagkita simula pa kagabi. Natatawang itinaboy ito ni Mindy sa labas ng mansyon kahapon. Dapat daw ay sumunod ang kuya niya sa pamahiin

"RELAX, dude. Kanina ka pa, para ka namang hindi ikinasal dati." Puna ni Brent kay Ivan na may kasamang tawa.

Tinapik ito ng kaibigan sa balikat.

Kanina pa ito hindi mapalagay sa kinatatayuan. Tila ba maiihi na hindi mawari. Si Brent ang kanyang best man.

Alam na rin niya kung bakit nawala ito ng matagal. Sinundan pala ng kaibigan si Allison sa America. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa dalawa. Well, kung ano man ang namagitan sa dalawa ay labas na siya doon as long as 'wag lang niyang makita na umiiyak ang kapatid dahil kapag nangyari iyon ay masasapak niya ang kaibigan.

"Shut up, Brent! Wala ka sa pwesto ko."

Brent smirked at him.

"Papunta na ako riyan, dude."

Makahulugang turan ng kaibigan.

"Siguraduhin mo lang na hindi ko makitang umiiyak ang kapatid ko. Dahil kapag nangyari iyon, alam mo kung ano ang pwede kong gawin sa'yo."

Tumawa si Brent sa pahayag niya.

"That won't gonna happen, dude." May kasiguraduhang sagot ng lalaki.

Ikiniskis ni Ivan ang dalawang palad upang mabawasan ang kabang nararamdaman. Gusto niyang hilahin ang oras, naiinip siyang maghintay.

Kung pwede lamang na sunduin niya ang bride ay kanina pa ginawa. Pero hindi pwede dahil bantay sarado siya sa kanyang pamilya lalo na kay Allison na matalim na nakatitig sa kanya.

"Bakit ang tagal niya?!" He gritted his teeth feeling nervous.

"Tss! Maaga ka lamang dumating, dude. May 20 minutes pa bago magsimula. Huwag kang paranoid diyan."

"Hindi ako paranoid. I just can't wait any longer to see my bride."

Tumawa nang mahina si Brent. Sapat upang sila lang dalawa ang makarinig.

The Millionaire's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon