Nung mapagod na kami. Bumalik na lang kami sa rooftop at magsa star gazing sana ulit kami pero unfortunately, wala na yung stars, natakpan na ng mga ulap

Nagdecide kami na humiga na lang kasi wala din naman kaming gagawin. Na stuck kami dito sa loob ng mall for the next 8 hours?

Bakit ang dali mong nakuha yung stuffed toy?

Madali lang naman eh

Ang yabang. Napagod na ako't lahat hindi ko pa nakukuha, ikaw naman isang try lang. Pa share naman ng secret oh

May ganyan kasi kami sa bahay kaya kabisado ko na

For real? May ganyan kayo sa bahay?

Oo. May nagbigay sa papa ko

Teka, ano ba yung papa mo?

May ari ng mall tapos binigyan siya ng ganun nung may ari ng Tom's World

Aah. Siguro may arcade kayo sa bahay niyo noh?

Tumango lang siya

Weh?! Hindi nga? Joke time ba?

Hindi naman kita pinipilit na maniwala eh

Ang hirap naman kasing paniwalaan. Kaya pala ayaw mong mag arcade, sawang sawa ka na pala.

Dapat sa bahay na lang namin tayo nag arcade, libre pa

Hindi mo naman sinabi agad. Naubos pa tuloy yung pera ko

Next time

Next time? Ibig sabihin makakapunta ako sa bahay nila? Homaygosh

Eh bakit nakapag skate tayo?

May susi ako eh

Ang tanga ko. Sorry naman. Kayo nga pala ang may ari ng mall na ito. Big time

Big time.

Pumikit na siya. Matutulog na siguro siya. Ang saya ng araw na ito

Good night, my knight in shining armor..

Good night, my princess

See you in dreamland..

Kinabukasan, bukas na yung mall ng magising kami. Well, all fairytale have endings. Dito na nagtatapos yung sa amin siguro

Bumaba na kami. Buti na lang at wala pang mga tao. Nakakahiya dumaan. Magulo yung itsura namin. Baka isipin nila nag ano kami

Nung malapit na akong lumabas, nawala si Cyriel sa paningin ko. Nauna na siguro sa parking lot. Habang naglalakad ako..
Araay
I'm sorry.

Shemay!! Hindi ako makapagsalita. Ang gwapo ng lalaki sa harap ko @_@

Miss?

A-ano. Okay lang

Tapos ngumiti ako ng malandi. Ano ba, chance na ito

Sorry ulit. Alis na ako

Umalis na nga yung lalaki. Ang gwapo. Pero sabi nga nila, life must go on. Kakalimutan ko na muna ang lalaking yun. Pero nung papalabas na ako..

Rence, wait for me!

Nakita ko si Ariza Domingo na hinahabol yung lalaki. Rence pala ang pangalan
Ano ba yan. Ang dami kong nakikita. Pumunta na talaga ako sa parking lot at nakita ko si Cyriel na

nakasandal sa hood ng volvo niya. Reminds me of Edward Cullen Kanina ka pa?
Hindi naman
Tara na?

Tapos sumakay na kami. HIndi na kami nag usap habang papauwi. Wala na siguro kaming mapag usapa. Magdamag kaya kaming magkasama

Nung nasa tapat na kami ng condo.. I kissed him on his cheeks
Thanks. Sa uulitin
Then i closed the door. 

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Where stories live. Discover now