Albert Leo

6.6K 230 37
                                    

Handa na ba talaga ako?

Matagal ko nang pinagisipin ito. Halos magdadalawang taon na din kami magkasama ni seferina simula ng magising ito hanggang sa mag therapy ito.

Masakit. Sobrang sakit.

Akala ko noon. Sa oras na magising siya magiging okay na lahat. - magiging maayos na at magsasama kami ng masaya.

Pero...

Nagkamali ako. Nagkamali akong umasa na magiging 'okey' ang lahat.

Nakatayo lang ako sa harap ng sliding door namin. Salamin ito, kaya sapat na makita ko si seferina na nakaupo sa swing sa may bakuran namin.

Itong bahay?q

Ito yung bahay na ipinagawa ko habang mahimbing pa din natutulog si seferina noon. Saksi ang bahay na ito sa lahat ng dinanas ko after five years. Dito ko ibinuhos ang lahat ng oras ko habang hinihintay ko siya.

Pero dito ko din sa bahay tatapusin ang pagitan sa amin dalawa.

Pagod na ako umasa at patuloy naniniwala na magging maayos ang lahat kahit nakikita ko na wala nang pagaasa.

mahina ako.

Oo. Sobrang mahina ako.

O' di kaya, sadyang nakatadhana na sa akin ang maging magisa talaga.

Itong bahay na ito, kasama nalang ito sa mga alalang babaunin ko kahit kailan.

Napapikit ako at malalim na napabuntong hininga.

Handa na ako. Bulong ko sa sarili ko kasabay ng paglabas ko para puntahan si seferina.

Ngiting na palingon ito sa akin at parang may binigkas siya pero hindi ko na ito nagawang intindihin pa.

"Hi." Bati ko sa kanya ng makalapit ako mismo sa harap niya.

Ngumiti lang siya sa akin bilang sagot.

Bahagyang umupo naman ako sa harap niya para magkapantay ang mukha namin dalawa.

Ito na.

Dito na matatapos na ang lahat sa amin.

Tahimik akong nakatitig sa kanya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko sa pisngi.

"oh...o- teka! Bakit ka umiiyak?" napangiti naman ako ng marinig ko ang tarantang boses niya.

Siya nga si seferina. - Ang babaeng minahal ko.

Na payuko ako at mas lalong humigpit ang paghawak sa hita niya at patuloy pa din ang pagbagsak ng mga luha ko.

Huminga ako ulit ng malalim bago tuluyan iangat ang ulo ko at diretsong tumingin sa kanya.

"A...- Albert, bakit kaba uumiiyak." malumalay na tanong niya at humawak ito sa kabilang balikat ko.

Ngumiti ako bago sumagot. "Handa na ako. - Handa na ako seferina." kasabay ng pagkuha ng isang kamay niya at mahigpit na hinawakan naman ito.

"A...ano ba yang pinagsasabi mo? Albert naman huwag ka nga umiiyak. -kinakabahan ako sayo." utal at alinlangan naman siya ngumiti.

Mas lalo akong napahagulgol nang bigla nalang niyang hawakan ang mukha ko kasabay ng pagpahid nito sa mga luhang patuloy pa din umaagos sa pisngi ko.

"Se...seferina, handa na ako.- palayain ka." mahinang sabi ko sa kanya pero sapat na marinig niya ito.

Kinuha ko ulit ang isang kamay niya at hinalikan ito.

"Mahal na mahal kita. At handa akong palayain ka kung dito ka mas magiging masaya. Siguro nga, natagalan ko tanggapin ang lahat at humantong pa tayo sa pagtatalo at pagaaway. Pero ngayon, handa na ako. Handang handa na ako. Siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa." paliwanag ko kasabay ng pagtayo ko.

"Magiingat ka. Hanggang sa muli natin pagkikita. -Mahal na mahal kita Seferina Sophia dela Vega." paalam ko sa kanya kasabay ng pagtalikod ko.

Tapos na.

Tapos na ang lahat sa amin dalawa.

Ang sakit. Sobrang sakit.

Wala na akong marinig maliban sa pagiyak at paghikbi ko. Ni hindi ko din alam kung tinawag ba niya ako o masyado lang ako nagi-ilusyon na baka sakaling pigilan niya ako at maalala niya na naging parte din ako sa buhay niya.

Pero hindi. Ni hindi man siyang tumingin sa akin bagkus nakayuko lang ito.

Kahit masakit pinilit ko pa din ngumiti hanggang sa huling pagkakataon.

Ito na ata ang pinakamahirap na nangyari sa buhay ko.

Ang palayain ang taong mas minahal ko higit pa sa buhay ko.

Hanggang sa muli natin pagkikita. 'boo'

***

Hello! Ito na po ang book 2. I hope na nagustuhan niyo kahit ang lame ng prologue ko hahaha! Anyways don't forget to. 👇

Vote. Comment. Share. Thankyou guys! 😜 Keep reading.

Can We Start Again.. [Ongoing]Where stories live. Discover now