Chapter 1

8.1K 216 7
                                    

  (Charot lang na english yung umpisa xD Oh yan basa na.)


Cassandra's POV

Tinangay ng hangin ang itim kong buhok sapat upang maipaalala sa akin kung nasaan ako pero hindi para tuyuin ang luhaan kong mukha. At sa palagay ko, matagal-tagal pang aagos ang luha ko.

Inilapag ko ang puting mga oras sa tabi ng marmol kung saan ngayon nakaukit ang kanyang pangalan. Rosas ang paborito nyang bulaklak, tandang-tanda ko ang kanyang matamis na ngiti kapag dinidiligan nya ang mga rosas na iniregalo ko noong kaarawan nya. Noon.

"Lola, miss na miss na kita," bulong ko sa hangin.

Biglaan nalang syang pumanaw isang araw. Sa sobrang biglaan hindi ko alam kung saan ko itatanim ang lahat ng sakit at kalungkutan noong namatay sya. Parang kahapon lang nakatabi ko pa syang matulog. Parang kahapon lang.

~

Tahimik kaming nagkakape ni Lola Esme ngayon, sya habang may binabasa na lumang notebook at ako naman ay naghahanap ng trabaho sa dyaryo. Walang salamin si Lola, kahang-hanga nga na kahit may katandaan na s'ya hindi parin lumalabo ang mga mata nya. Ganito lang kami palagi, tahimik. Sa kanya yata ako nagmana. 

Nabaling ang atensyon ko ng tawagin nya ako. 

"Cassie, halika nga rito," marahan niyang sabi. 

Ibinaba ko ang binabasa ko at nilapitan s'ya. Iniabot niya ang lumang notebook sa akin. 

"Lola, para saan po ito?" naguguluhang tanong ko.

"Magagamit mo 'yan kapag kailangan mo ng kasagutan."sabi nya habang nakatingin sa akin.

Kumunot ang noo ko. Ganto ako kapag nagtataka. Tumango na lamang ako at hindi na ako nagtanong pa at inilagay ko ito sa kabinet sa kawarto.

Bumalik ako sa binabasa kong dyaryo at nagpatuloy sa pagbabasa. S'ya naman ay tumayo at pumunta sa kanyang kwarto. Hinatid ko s'ya at saka kinumutan. 

"Goodnight, Lola," nakangiti kong sabi. "Pwede ba kong tumabi sa'yo, La?" lambing ko sa kanya.

"Oo naman apo," nakangiti nyang sabi. Humiga ako sa tabi nya at bahagyang yumakap.

"Lola, kantahan mo naman ako."

"Sige."

"Sa liwanag ng buwan

ika'y mamamasdan,  

ika'y maliliwanagan 

sa 'yong katanungan,

 at sa'yong paggising 

ika'y mamumulat 

sa tunay sa kasagutan

at sa 'yong puso

Ikaw ay kakantahan..."

At sa mala-anghel niyang tinig ako ay nahimbing

~

Pinunasan ko ang aking luhaang mukha gamit ang likod ng aking kamay. Kahit panyo ay hindi ako nakapagdala. Nagbabakasakali lang ako na kapag wala na akong dalang panyo, mapipilitan akong hindi na umiyak. Pero nagkamali ako.

"La, baka hindi na ako makadalaw. Nakahanap na kasi ako ng trabaho at maghahanap na ako ng malilipatan. Kailangan ko nang masanay na wala ka," sabi ko habang pilit na pinipigilan ang mga pabagsak na luha. "Paalam na, po." At ako'y tumalikod na. Dala ang masasayang ala-ala naming dalawa.

Maliwanag naman ang plano ko; magtrabaho at lumipat ng ibang matitirahan. Yun lang naman sana. Kung hindi lang natuloy ang mga nangyari sa pagtalikod ko.

The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon