Chapter16

169 3 0
                                    


Lumapag na ang sinasakyan naming private plane. Nakarating na kami sa tsina kung saan ang lungga ng mga lee. Sinalubong kami ng isang limousine. Papunta na kami sa palace city, isa itong syudad na pag-aari ng mga lee kung saan nakatayo ang kanilang palasyo.
Pagkatapos ngbhalos isang oras na biyahe nakarating na kami sa syudad. Parang normal lang ito na syudad pero ramdam na ramdam mo ang sekyuridad sa lugar.
Pagkatapak namin sa palasyo agad kaming sinalubong ng napakaraming butlers, maids, at guardians.

"Welcome to palace city your highness" agad silang yumuko para magbigay galang. Parang napansin ko na mas marami pa ang pilipino dito kesa sa mga chinese. Well ako kasi 1/4 chinese, 1/2 pilipino, at 1/4 russian.

Dumiretso ako na ako sa opisina ni lee jing-yun dito sa palasyo.
Bumungad sakin ang isang magarang kagamitan na napapalibutan ng ginto.

"Welcome to Palace City Your highness" agad akong napalingon sa nagsalita na isang matandang lalaki na tansya ko nasa mga 60's na. Siya si lee-jing yun ang kasalukuyang hari ng buong palace city.

"Kelangan natin mag-usap ayokong magtagal dito" napa-smirk nalang siya sa sinabi ko.

Samantala

Naghahanda na ang mga rizutto para sa sinimulan nilang gyera.

"Milord kelan tayo susugod?" Tanong ng isang tauhan ni richard.

"Mag-antay lang tayo ng tamang tyempo" sagot naman ni richard.

"Richard kasali ba si rachelle sa laban nato?" Tanong ni angel sa asawa.

"Oo dahil kailangan ayokong tawagin siyang mahina kung hindi sya sasali sa gyerang to dahil hindi mahina ang mga rizutto" gigil na sagot ni richard sa asawa. Napatango nalang si angel sa sagot ng asawa. Habang sa loob-loob ni angel ayaw nyang matuloy ang gyera, dahil anak nya pa rin si christina kahit kalaban ito.

*Samantala sa Palace City*

Pagkatapos ng Mahabang usapan namin ni lee-jing yun nagdesisyon na akong umalis. ayokong nagtatagal dito.

"Sigurado ka na bang aalis ka na? Di ka man lang ba kakain? Magpapahanda ako." Sabi ni lee jing-yun.

"Wag na, okay lang. Marami pa akong gagawin." At naglakad na ako paalis, diretso na kami sa isang private airport na pag-aari ng mga lee.

Evan's POv

"Anong problema christopher evan? Tatawag ka lang naman sakin pag may kailangan ka diba?" Sabi ng nasa kabilang linya, napapikit nalang ako bg mariin.

"Kailangan ko ng tulong nyo. Kailangan ko ng tulong ng buong lacosa nostra. Di na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nagdeklara ng gyera ang mga rizutto laban sakin. Pormal na nyang pinahayag sa buong mafia association. Kaya ko syang labanan ngunit."

"Ngunit ano?"

"Ngunit sasali ang mga montreal" pagpapatuloy ko.

"Hahahahahahaha" isang malademonyong tawa ang narinig ko sa kabilang linya.

"At anong kapalit naman ng pagtulong ko sa iyo at iyong buong organisasyon? Hmm? Hahahahahaha"

"Gagawin ko lahat ng gusto mo." Yun nalang ang nasabi ko.

"Wag kang mag-alala pupunta ako jan. Tutulungan kita ANAK. Hahahahahamabilis ko ng pinatay ang tawag kung hindi lang talaga importante hinding-hindi ako hihingi ng tulong sakanya. Humiwalay ako sa aking ama, gumawa ako ng sarili kong organisasyon. Di ko akalain babalik ulit ako sa kanya.

"Pauwi na po si lady christina milord" sabi ng isa sa mga tauhan ko.

Handa ka na ba sa gyerang madadatnan mo christina?

The Fearless AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon