Chapter11

205 6 0
                                    

Hays. Ang dami ko ng kalaban. Una, yung misyon na binigay sakin ni evan. Tsk, kelangan ko na talagang malaman kung sino ang target ko ayoko ng nagtatagal ako sa isang skwelahan hindi ako makapag focus sa trabaho ko. Pangalawa, ang mga rizutto. Hindi ko hahayaan na pababagsakin nila ang asosasyon na pinaghirapang buuin ng aking ama. Kahit malaki ang kasalanan sakin ni evan, nagpapasalamat parin ako sa kanya dahil hindi ako ganito ngayon kung hindi nya ginawa yon. kelangan kong tanggapin dahil tapos na. At pangatlo, ang mga lee. Hindi ako natatakot sa kanila pero ayokong mapunta sa kanila dahil kinamumuhian ko ang aking ina, kahit anong may kaugnayan sa aking ina, hinding-hindi ko talaga matatanggap.
Hays. Alas tres na ng hapon, andito ako ngayon sa isang tagong parte ng AU nakatambay.

"opo milord, binabantayan ko po siya"
Teka parang kilala ko ang boses na yun aa.

"Ako na po ang bahala kay christina milord"
ako? Lumabas na ako at nakita ko yung may ari ng boses na nabanggit ang pangalan ko.

"Sinasabi ko na nga ba. Espiya ka ba?

"Ch--christi--na"

"Huh! Sino nag utos sayo?" Mahinahon kong sabi.

"Wa--wala" mabilis ko siyang sinakal.

"SINO. ANG. NAG-UTOS. SAYO??" gigil kong sabi sa kanya.

"I-inutusan lang po ako ng inyong ama lady christina" huh? Si evan?

"Anong kinalaman ni evan dito?"

"Pinababantayan po kayo dahil hinahanap na daw po kayo ng nga rizutto at ng mga lee" fudge!!

"Ah! So wala kayong tiwala sakin?! Ganun ba?!"

"Hindi naman po sa ganun lady christina, pinababantayan po kayo ng ama niyo dahil ayaw nya po na makuha kayo ng dalawang kalaban natin"

"Kahit na!" Mabilis na akong umalis sa lugar na iyon, pupunta ako ng HQ kelangan kong makita si evan. Hindi ako makapaniwala, wala siyang tiwala sakin.

Sa HQ

"evan!!!!!!" Rinig na rinig sa buong HQ ang dumadagundong na boses ni christina.

"Evan lumabas kaaaa!!!!!" Hindi na nag-abalang tignan pa ng mga kapwa ka trabaho si christina, dahil alam na nila ang ibig sabihin nito. GALIT NA GALIT talaga si christina, at pag galit na galit ito dapat walang magkamaling mahagip ni christina ang mga matang nakatingin sa kanya kundi "goodbye universe".

"Oh? At parang galit na galit ata ang pinakamamahal kong prinse-- " hindi na natapos ni evan ang sasabihin niya dahil tumilapon siya sa lakas ng suntok na binigay ni christina sakanya.

"Sa" yun nalang ang nasabi ni evan.

"tumayo ka jan evan!" At mabilis na hinatak ni christina ang ama patayo.

"Anong silbi ng pag padala mo sakin sa impyernong yun!, sa pagte train sakin na maging assassin, sa pagiging miyembro ko sa asosasyon na ito! Kung wala kang tiwala sakin huh! Bakit kelangan mo kong pabantayan sa isa sa mga tauhan mo ha! Ganito na ba talaga ako kahina sa paningin mo ha! Sumagot ka!" Galit na galit na talaga si christina, umaalingaw ngaw sa buong HQ na tanging boses lang niya ang naririnig.

"hindi sa ganon! Kailangan kitang pabantayan dahil hindi ka pwedeng makuha ng mga kalaban natin! Hindi basta-basta ang kalaban natin! Malalakas sila! At kapag nakuha ka nila! Gagamitin ka nilang alas laban sakin! Iniisip ko lang ang kapakanan mo daniella!!" Kapag ganyan na ang tono ng pananalita ni evan alam na alam ng lahat na seryoso si evan sa ginagawa niya.

"Kahit na! Anong silbi ng kakayahan ko ha!"

"yan ka kasi! hindi ka magpapapatalo sa pride mo! Umuwi ka na, sa bahay tayo mag-uusap. Mahiya ka sa mga kasamahan natin." Mahinahong sabi ni evan.

"Wala akong pakialam! Papatayin ko kayong lahat dito!" Agad na napalunok ang mga tao sa loob ng HQ dahil sa banta ni christina, dahil kapag ito nagbanta totohanin talaga nito.
napahilot sa sentido niya si evan dahil kahit kailan hindi talaga siya mananalo sa anak niya plus may nakuha pa siyang premyo na galing sa anak niya.

"Hindi pa tayo tapos evan" banta ni christina.

AN: mas marami na po akong words sa aking mga latest update kesa po dun sa mga previous chapter ko ( prologue, chapter1, 2,3,4,5,6,) hihi.

The Fearless AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon