Chapter13

188 4 0
                                    

"I-IKAW?!" Sabay na sabi ng dalawa.

"Richard bakit mo bihag ang babaeng to?" Mahinahong tanong ng asawa niya.

"Angel let me explain"

"Sagotin mo ang tanong ko richard." si christina naman hindi makapaniwala na ang ina ng kanyang naka-away sa school ay asawa ni richard rizutto, na mortal nilang kalaban. hindi sya makapaniwala na ang misyon nya ay hanapin ang target nya na minsan na pala niyang nakaharap.

"Hindi ako maka-paniwala, minsan ng dumaan ang kalaban sa harap ko tsk" sumbat ni christina sa pag-uusap ng mag-asawa. Samantala si richard wala ng magagawa kundi itapat sa kanyang asawa ang katotohanan.

"Angel, anak siya ni evan di fronzo" mahinahong sabi ni richard. Gulat naman na ekspresyon ang nasagot ng asawa ni richard.

"a--anong sabi mo??"

"sya ang nag-iisang anak ni evan difronzo, kinuha ko sya para maging alas ko laban ky evan." Mahinahon pa ring sabi ni richard.

"Oo ako ang nag-iisang anak ni evan difronzo!! Dapat kabahan na kayo!!" Sigaw ni christina sa mag-asawa.

"Ch--christina" pilit pinipigilan ni richard ang asawa pero ayaw nito papigil, samantala blanko lang ang ekspresyon ni christina.

"I'm angelica jane lee - rizutto" pagpapakilala ng asawa ni richard. Agad natigilan si christina pero napangiti nalang siya. Ngiting nang-aasar.

"Lee huh? Ka ano-ano mo yung mga taong gustong kumuha sakin? Siguro kamag-anak kita, pakisabi nalang sa kanila mauubos lang ang mga tao nila sa paghahanap sakin dahil unti unti ko silang papatay--"

"And I am your mother" hindi na natapos ni christina ang sasabihin niya dahil pinutol lang ito ni angel. Gulat na gulat ang ekspresyon ni christina, ayaw nya maniwala.

"Nagpapatawa ka ba?" Nakangiting tanong ni christina.

"Hindi ako nagpapatawa, subukan mong itanong sayong ama ng malaman mo kung nagpapatawa ba ako" seryosong sabi ni angel, samantala si richard gusto ng umuwi dahil sira na ang plano niya, nalaman na ng asawa nya ang buong katotohanan.
Samantala napailing nalang si christina sa sinabi ng asawa ni richard rizutto sakanya, ang mortal nilang kalaban ay asawa ng kanyang ina. Ang babaeng sinabihan siya na paturuan siya ng respeto sa kanyang magulang ay kanya palang ina. Napakuyom nalang siya sa kamao niya.

"Hindi ako naniniwala sayo, di mo ako malilinlang!"

"May mapapala bako kung lilinlangin kita? hmm?" Mahinahong Sagot ni angel. Napailing nalang si christina at naglakad na siya paalis pero bago pa siya makalayo agad siyang pinalibutan ng mga tauhan ni richard rizutto.

"Pabayaan niyo siya" utos ni angel sa mga tauhan ng asawa, agad naman lumayo ang mga ito.

"Richard mag-usap tayo sa bahay" at naglakad na din si angel paalis sa lugar na iyon.


---angel po sa media;)
An: fans lang po talaga ako ni ms. Pastillas XD

The Fearless AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon