Babalik ako pangako.
Yan ang sabi nya bago sya umalis. Bago nya ko iwan dito. Nung mga panahon na yun wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak ng umiyak. Hindi ko matanggap na umalis sya na iniwan nya ko. Bakit pa kasi nya kailangang umalis? Pwede namang dito na lang nya tapusin ang pagaaral nya. Siguro tingin nyo na sakin ngayon oa, noh? Siguro kung makakausap nyo ko ehh...sasabihin nyong para yun sa kanya, sa ikabubuti nya. Hindi nyo naman ako masisi ehh...sige palit tayo ng posisyon ikaw yung andito yung nawalan ng bestfriend na kasama mo sa lahat-lahat ng ginagawa mo, ano kaya mararamdaman mo? Diba, masasaktan ka rin?
Fifteen years ganan ko na sya katagal hinihintay. Kada birthday ko, birthday nya pati mga okasyon lagi akong naghihintay umaasa na dadating sya. Hanggang ngayon hindi pa rin sya nabalik, ni nga kahit anino man lang nya wala.
Siguro napasarap sya dun. Siguro marami syang nakilala dun, mga bagong kaibigan. Siguro nakalimutan na nya ako. Nakalimutan na nya ang pangako nya. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya. Ang tagal na kasi ehh... Ayaw ko man pero unti-unti na kong nawawalan ng pagasa. Hirap na hirap na ako.
Ano gagawin ko? Umasa ng umasa na babalik sya? O tama na, tigilan ko na ang paghihintay?
Ano sa tingin nyo? Babalik pa kaya sya? Aasa parin ba ko? Malalaman nyo yan kung babasahin nyo to hanggang huling chapter. Yun lang kung hindi kayo magsasawa sakin sa kakabunganga ko na namimiss ko sya. Goodluck sa makakatapos at makakatiis sakin.
-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
New story ko po. Whooh!! Wish me luck sana matapos ko to. Salamat po sa babasa nito!! Kung kung may gusto po kayong sabihin magcomment lang po kayo, feel free!! Hindi po ako namimilit!!
Bago ko po makalimutan ang story po na ito ay dedicated po kay HahuYeah thank you unnie!!
-KaiSoo_SuLay
YOU ARE READING
See You Again
FanfictionBabalik ako pangako Talaga bang babalik sya? O hanggang pangako na lang?
