Wakas

16.5K 476 31
                                    

Wakas

WARNING SPG: Lenggwahe

Matapos ang araw na iyon naging kami na nga ni Caleighia. Officially. Walang mapaglagyan ang saya ko ng malaman ko na sa akin na siya. Sa wakas, wala ng lalaking aaligid sa kanya. Ako at ako na lang.

"Tammia, right?" Untag ko sa bestfriend ni Caleighia. Mabilis naman akong sinamaan ng tingin.

O, ano na namang kasalanan ko dito? Lagi na lang highblood itong babaeng 'to sa akin. Pinaningkitan muna niya ako ng mata bago sumagot.

"Anong Tammia-Tammia right ka dyan? Gusto mo bang mabanatan kita ng wala sa panahon ha! Two months na kayo ni Caleighia! TWO MONTHS! Nahiya naman ako sa'yo na hindi mo man lang matandaan ang pangalan ko."

Patuloy-tuloy lang siya sa paglilintanya. Napahawak na lamang ako sa batok dahil sobrang daldal ng babaeng ito. Meron siguro?

Susundan ko na sana sa upuan niya si Tammia ng bigla kong nakasalubong si Trace kaya hinarang ko muna siya. "Pre, nakita mo si Caleighia?"

"Si Caleighia ba? Ah, kasama ni Lerick sa faculty room." Mabilis na nagiba ang timpla ko sa narinig ko. "Whooow! Easy ka lang diyan pre." Inakbayan ako ni Trace. "Inutusan kasi yata ni Mrs. Gwensa si Lerick tapos ayon, nagpatulong si Lerick. Dahil nga likas na good girl yung girlfriend mo, tinulungan si Lerick."

Natuon ang aming atensyon ni Trace nang sumigaw ang bestfriend ng baby ko. "Mga bwisit talaga lahat ng lalaki sa mundo. Ang sakit nyo sa ulo!! Mga paasa kayo!!"

Pagtingin ko kay Trace ay namumutla ang loko. Ano naman kayang ginagawang katarantaduhan nito?

Mabilis siyang tumalima papunta kay Tammia pero nilingon niya muna ako.

"Pre, pabalik na nga din pala iyon. Sabi ni Lerick, saglit lang naman daw yun."

Tumango na lamang ako kahit na kanina ko nararamdaman ang pagkulo ng dugo ko sa kumag na yun. Hudas talaga e! Alam na niyang pag-aari na ng iba, pumoporma pa.

Inis akong pumunta sa upuan ko sa may dulo. Ilang minuto lamang ay dumating na si Mrs Gwensa.

Mabilis na bumalik sa kani-kanilang upuan ang mga kaklse ko.Ilan sa mga kaklase kong babae ay tumingin pa sa dako ko pero ipinagkibit-balikat ko lamang iyon.

Kahit naman kasi naging kami na ni Caleighia ay marami pa rin ang nagpapagibik sa akin.

Tsk! May babae pala talagang higad? Ngunit hindi ko naman ipagpapalit ang baby ko dun. I don't want a waste a diamond just for a cheap jewelries.

"Good afternoon, IV-A. Today we will have your last activity and it's by partners. This activity is entitled as 'Describe me, partner!'. I want you to do this activity because I want you to describe your classmate based on your experience of being together in one year. For the meantime, while waiting for the activity papers you can now talk with your partners."

Iba't iba ang komento ng mga kaklase ko matapos magsalita ni ma'am. Yung iba excited at yung iba wala lang pero karamihan tinatamad, kagaya ko.

"Ma'am, wag na po. Last meeting na naman na." saad ni Johnelle na parang bata.

"Mister Santos, don't use that tone on me. For the last time, you will do what I said." Mataray na sagot ni Mrs. Gwensa, umupo na lamang si Johnelle at humarap sa kanyang kagrupo tapos ay nag-makeface na siyang kinatawa ng mga kaklse kong nakakita sa kabaklaan niya. Tsk! Hindi na nagbago, mga ugok talaga.

Tumikhim si Mrs. Gwensa dahil sa tawanan ng mga kaklase ko. Natahimik naman sila at nagsimula ng mag-usap tungkol sa activity.

"Uy, pre nasan si Caleighia?" Tanong ni Wren na nasa harap ko.

Mine Forever [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon