Simula ng lahat ng nangyari sa resort, wala na si Nero'ng ginawang paraan para kausapin ulit ako. Malamang ay napaliwanagan na siya ng Mama niya at sa tuwing iisipin ko ang posibleng pagsang ayon niya, kumikirot na lang ang dibdib ko. Ito pala 'yong sinasabi nilang parang hinihiwa ang dibdib mo. Sobrang sakit pala talaga sa pakiramdam lalo na't alam mong wala kang magagawa. Sa huli, titiisin mo na lang ang sakit kasabay ng pagpatak ng mga luha mo.

Papaano ko uumpisang magpaalam sa kanya? Papaano ako haharap sa kanya na hindi man lang papatak ang mga luha ko? Baka sa sandaling magtama ang aming mga mata ay panghinaan na naman ako ng loob sa nabuo kong desisyon.

His Mom is right, he deserves someone better. Isang babaeng walang dinadalang kasing bigat ng sa akin. Problema lang ang dadalhin ko sa kanya. Yes, I love him. Mahal na mahal. Sobrang mahal. Pero mukhang mas malalamangan pa ng mga problema ko ang pagmamahal na ibibigay ko sa kanya at ayokong mangyari 'yon sa kanya.



Humakbang na ako papasok ng gate ng mga Ferell. Naaalala ko pa ang una kong pagtapak dito, halos matulala na lang ako sa sobrang pagkamangha sa ganda ng lugar na ito.

Nagpatuloy ako sa paghakbang at mas lumitaw sa aking mga mata ang magagandang tanawin na kahit kailan ay hindi ko pinagsawaang pagmasdan ng dito pa ako nakatira.

Katulad ng dati ay malinis pa rin ang malaharding harapan ng mansion. Mga pulang rosas na nagsabog sa buong kapaligiran, makukulay na paru parong nagliliparan at ang malakristal na tubig na nasisinagan ng araw mula sa pinakamagandang fountain na nakita ko.



Ipinikit ko muna ang aking mga mata at huminga ako ng malalim. Ang sarap pakinggan ang buhay na buhay na pag agos ng tubig. How I love this feeling.


This feeling is so peaceful. Pinapakalma nito ang bawat pagtibok ng aking puso.


Ngayon ko lang napansin na nakangiti na pala ako. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling ngumiti, parang napakatagal nang panahon. Kung pwede lang na ganitong na lang lagi kapayapa ang pakiramdam ko, kung pwede lang na ayos na ang lahat.

Kung pwede lang sana...



Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.

At halos tumalon ang puso ko nang tumama ang aking mata sa lalaking nakasandal sa hamba ng pintuan ng mansion. Kahit napakalayo namin sa isa't isa ay kilalang kilala ko siya.

Ang lalaking nagmamay ari ng puso ko.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at kahit ang laki ng distansya naming dalawa ramdam na ramdam ko ang tindi ng mga titig niya sa akin.



"Nero.." nasambit ko na lang ang pangalan niya. Bahagya akong napahakbang.

Parang tambol sa paghampas ang puso ko nang tumuwid na siya ng pagkakatayo. Hindi man lang niya inaalis ang mariing pagtitig niya sa akin, kahit gaano siya kalayo ay talagang ramdam na ramdam ko ang tagusan niya mga mata sa akin.

Akala ko ay hahakbang siya papunta sa akin pero mukhang mali ang inaasahan ko. Tinalikuran niya ako at pinili niyang pumasok ng mansion.

Mabilis akong napahawak sa hamba ng fountain para kumuha ng supporta. Pakiramdam ko ay nangangatal na naman ang mga tuhod ko.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now