Sa locker....

Tumayo na ako at parang naging hudyat naman ako sa lahat dahil nagtayuan na rin silang lahat, kanya-kanyang bitbit ng bag at nagmadaling lumabas ng classroom.

Tanging kami na lang nila Lyka at Teacher Aya ang natira. Umalis na rin ako dahil baka may pag-usapan pa sila at baka iniisip nila na sagabal pa ako. Alam kong may namamagitan sa kanila, maybe they are relatives.

Halos masubsob na ako dahil sa pagkukumahog ng mga estudyante na makita ang kanilang locker. Huminto na ako sandali para hindi maipit sa kanila, alam kong puno na rin nyang ang space kung saan naroon ang locker ng lahat.

"Zein!"

Lumingon ako sa babaeng nakangiwi. Fritzy.

"OMG. Huwag mo akong patayin if ever. We're friends 'di ba?" Maarteng sambit nya.

Friends? Biglang sumagi sa akin ang aking mga kaibigan. Paano kung isa sa kanila? Mariin kong ipinilig ang aking ulo.

"Sorry, we are not friends."

Nauna na akong naglakad sa kanya at iniwan syang nakanganga. Paano kung wala akong makitang pangalan sa locker ko? Sino naman kaya ang papatay sa akin?

Habang palapit ako ng palapit ay kapansin-pansin ang pananahimik ng lahat habang nakatingin sa mga piraso ng papel na hawak nila. May mga iba namang nagpapalingon-lingon sa paligid at walang hawak na papel.

Naramdaman kong muli ang kaba nang nasa harap na ako ng locker ko. I have to open this locker! I have to face it! Halos hindi na ako humihinga habang nanginginig na binuksan ang locker ko.

Wala akong nakitang kahit na anong papel maliban sa tatlong libro ko. Inisa-isa ko pa ang mga libro ko, nagbabaka sakali na naisingit ito sa mga pahina ngunit wala talaga akong nakita.

Isa lang ang ibig sabihin nito. I am doomed. Hindi ko alam kung sino ang may hawak ng pangalan ko, definitely ang taong magtatangka sa aking buhay.

Luminga-linga ako sa paligid. Ang hirap nilang basahin. May isa-isang lihim ang lahat, isang lihim kung saan nakasalalay ang kanilang buhay. Sino? Sino ang may hawak ng pangalan ko?

"S-Sinong nakuha mo, bro?" Dinig kong tanong ng isa sa kanyang kaibigan. May hawak ang isang lalaki na papel habang ang nagtanong ay walang hawak.

We are in the same situation.

"Ano bang paki mo?" Nagulat ang lalaki sa inasta ng kaibigan nya. "W-Wala ka na d-doon!" Pumiyok ito at nagmadaling umalis.

Naiwan ang lalaking tulala. Hindi makapaniwala sa inasta ng kaibigan. Isang tanong ang sa tingin ko ay umiikot sa isipan namin ng lalaking ito. 'Bakit? Ako ba?' .

Umalis na ako sa lugar na 'yon dahil parang hindi ako kumportable. Hinding-hindi ako magiging kumportable dahil hindi ko kilala ang kalaban ko.

Ano bang mas maganda? Ang may nakita kang papel at alam mo kung sino ang kailangan mong puntiryahin o walang kang ideya kung sino ang sa'yo ay papatay? Hindi rin madali kapag alam mo kung sino ang dapat patumbahin, alam ko ang takbo ng isipan ng mga gumawa nito, alam kong sinigurado nila na mahihirapan kung sino man ang may nakatakdang patayin na gawin ang dapat. Baka dahil sa kahayupan nila ay malapit sa kanila ang kailangan nilang patumbahin. Hindi malabo.

Napatalon ako sa gulat nang biglang may humawak sa aking braso.

"M-Matt!" Napahinga naman ako ng mabuti. "Ginulat mo ako!" Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa pagkabigla.

Bigla nya akong inakbayan. "Baliw na sila." Bulong nya sa tenga ko na nagdulot ng kiliti kaya mejo napaatras ako.

Agad na kumunot ang aking noo. Ang amoy nya ay nanuot sa aking ilong. Nakakahilo ang amoy nya kaya mabilis na inalis ko ang kanyang braso sa aking balikat.

Hell University (PUBLISHED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt