Chapter 30

2.5M 84.6K 110K
                                    

Chapter 30: Zein and Ace

Zein's Point of View

Hindi ko parin mabura sa aking isipan ang mukha ni Matt nang nilagpasan ko lang sya ng tingin. He seems confused at the same time is hurt.

Muling sumikip ang aking dibdib habang nakikitang umiiyak ang iba. Nakatulala ang iba na animo'y wala na sa katinuan.

"Last day," Wala sa sariling sambit ko.

Sumagi sa isipan ko ang taong papatay sa akin. Bakit ang tahimik nya? Dapat ay gumawa na sya ng paraan para mailigtas ang sarili nya. Pero, bakit ang tahimik?

Hindi ko alam pero mas kinikilabutan ako sa katahimikan.

"You are still not safe," Banggit ni Supremo.

"I will never be safe in this hell."

"There is a place where you will be safe." Muli nyang sambit na ikinakunot ng noo ko.

Nasa likod nya ako kaya hindi ko makita ang expression nya. There is no safe place in this hell. Matagal ko ng tinanggap 'yon pero ano ba ang sinasabi ni Supremo? May alam ba syang lugar sa impyernong ito na ligtas?

"Supremo!"

Napahinto kami sa paglalakad nang lumuhod sa harap ni Supremo si Lyka na humahagulhol. Anong iniiyak nya? May nangyari ba? Bakit kay Supremo sya lumapit?

"T-Tulungan mo ako, nagmamakaawa ako sa iyo, Supremo. Iligtas mo si Mama."

Seeing this innocent girl seeking for help and sympathy is wrecking my heart and I can literally feel the pain she is feeling.

Nanatiling kalmado at seryoso si Supremo na nakatitig lang sa kanya. Naghintay ako na sumagot si Supremo kahit na malabong tulungan nya ang nakakaawang babaeng 'to na nagmamakaawang iligtas ang kanyang ina.

Mama?

"Lyka!"

Bumalin ako sa matandang babaeng humahangos papunta sa aming direksyon. Habang palapit ito ng palapit sa amin ay mas nauunawaan ko ang lahat. Lahat ng nangyari sa classroom kahapon, tama ang hinala ko.

"T-Tumayo ka dyan." Pilit na itinayo ni Teacher Aya si Lyka na humahagulgol pa rin. Shit!

I knew it! May relasyon ang dalawang ito. Ang sikip lang sa dibdib na mag-ina pala sila.

"Ma! Hindi ko kaya!"

Yumakap ito sa kanyang ina na unti-unting bumuhos ang luha sa kanyang mata. Parang pinipiga ang puso ko sa eksenang nakikita ko. Nanlalambot ang tuhod ko at parang naramdaman 'yon ni Supremo kaya hinawakan nya ang braso ko.

Umiling sya sa akin na parang sinasabi nyang wala syang magagawa sa sitwasyong ito. "S-Supremo. I-Ilayo mo na ako rito." Pagmamakaawa ko kay Supremo dahil pakiramdam ko ay bibigay na talaga ang tuhod ko kung mananatili ako sa harap ng mag-ina.

"Kill me now," Sambit ni Teacher Aya kay Lyka na ikinatigil ng pagtibok ng puso ko.

Parang nabingi ako. Parang-Shit! Ayoko ng ganito. Ayokong masaksihan ang ganito. Mahina ako sa ganito. "Are you alright?" Dinig kong tanong sa akin ni Supremo na halatang nag-aalala.

Hindi ko nagawang sumagot o lumingon man lang sa kanya. Nanatili ang aking mainit na mata sa mag-inang nagsisigawan.

"Hindi ko kaya! Ma, mamamatay ako kung mawawala ka!"

"Please, anak. Nagmamakaawa si Mama sa'yo. Patayin mo na ako, iligtas mo ang sarili mo. Nauubusan na tayo ng panahon."

"Ayoko! Ma, naman e! Ikaw na lang ang natitira sa akin. Kung mawawala ka, ano pa ba ang matitira sa akin? Ma, huwag namang ganito."

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon