Chapter 6

2.8M 92.1K 126K
                                    

Chapter 6: Secretary

Zein's Point of View

Muli kaming nagtagpo-tagpong magkakaibigan sa dormitoryo namin. Halata na pagod na pagod sila.

"May nakalap kayo?" Tanong ni Jerome na umiinom ng tubig.

"W-Wala. Natakot kami..." sambit ni Mia na halatang takot na takot. Kumunot ang noo namin sa kanilang dalawa ni Vanessa.

"Anong nangyari? Ayos lang ba kayo?" Tanong ko.

"Si Miss Leonora, iyong librarian. Sinindak nya kami.." ani Vanessa.

"Paano?" Tanong ni Matt . Nakapalibot na kami ngayon sa dalawa dahil halata sa kanila ang takot.

"Tinanong nya kami. Ang impormasyon na makukuha namin kabayaran ng permanente naming pagkakulong sa HU." Sagot ni Mia.

Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Ako, permanente na ako sa HU. Nalaman ko na ang nag-iisang lihim na iniingat-ingatan nila. Shit!

"Ganoon din ang sinasabi sa amin ng mga estudyanteng nilapitan namin." Sambit ni Dave.

"Wala kayong nakuhang sagot?" Tanong ko.

Umiling silang lahat na ikinamutla ko. Ako lang. Ako lang ang nag-iisang nakakaalam ng sikreto sa aming magkakaibigan, kung sakali man, ako lang ang maiiwan.

"Ikaw Zein? May nakuha ka bang sagot?" Tanong ni Matt.

Lumunok ako at ramdam ko ang init ng mukha ko. Ayoko, ayoko silang pag-aalahanin. Kaya mabilis na umiling ako.

Mas mabuti ng hindi na lang nila alam.

Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Nicky. Totoo kaya? Ako na ang target nila? Pero sino ang tinutukoy niya? Nakaramdam ako ng takot. Ayoko pang mamatay. Anong kasalanan ko sa kanila?

"May nalaman ako. May nag-iisang paraan para makalabas tayo ng HU. Sinabi sa amin ng librarian." Desididong sambit ni Mia.

Nagseryoso ang lahat pero lang sa akin. Kahit na anong gawin ko, hindi na nila ako hahayaang makalabas. Maaaring... sila na lang ang makalabas kung sakali.

"Ano 'yon? Sinabi ba nya ang daan?" Tanong ni Dave.

Umiling silang dalawa ni Vanessa bago sumilay sa labi nila ang isang ngiti.

"Kailangan nating makapasok sa rank ng HU." Sambit ni Vanessa.

"Rank? You mean, sa classroom natin? Top achievers ganon?" Dire-diretsong tanong ni Jerome.

"Hindi lang sa claroom ito kundi sa Top 10 rank ng HU. Buong school na kasalukuyang nangunguna ay si Raze Silvenia." Sambit ni Mia.

Raze Silvenia. Ang leader ng DGW, siya ang pinakamatalino sa buong HU? Hindi ko pa sya nakikita pero humahanga na ako sa kanya. Ang alam ko kasi sa mga basag ulo ay tinatakwil ang pag-aaral.

"Ito ang list." Ipinakita sa amin ni Vanessa ang isang papel na naglalaman ng kumpletong listahan ng top 10 rank o mas kilala bilang Highest 10.

Pumapangalawa si Ace Craige, ang President. Pangatlo ang nagngangalang Nazzer Lumia At sa huli ang pangalan ni Nicky. Kasama pala sya.

"Nazzer Lumia. Siya ata ang leader ng Black Blood Gang." Sambit ni Dave.

Nazzer and Raze, the leaders of the both gang. How dangerous they are? Napapansin ko na tumahimik ngayon ang magkabilang kampo. Tahimik ngunit mapanganib.

"Guys, ligtas tayo hanggang wala tayong nalalaman. Kaya ang pagsikapan nalang natin ay ang masali sa Highest 10." Suhestyon ni Vanessa na sinang-ayunan ng lahat.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon