Wizard's Tale 3: Chapter 5

Magsimula sa umpisa
                                    

Karamihan sa mga halimaw na 'yun ang nabalot ng White Flames. At dahil nag-hysterical pa ang mga ito sa ere, aksidente nang nagkahawaan ang ibang mga reapers. Lalo akong na-amaze sa ginawa ni Lolo. Siya talaga ang pinakamatalino at pinakamagaling na Class S! Walang tatalo sa kanya, kahit pa 'yung Headmaster!

Tamang-tama dahil nagsidatingan na rin ang mga back-up mula sa palasyo. Sina Rouel, Madame Erizally at karamihan sa mga Luxurian ay naiwan sa harap ng gate kasama si Sylfer upang pigilan 'yung mga halimaw na sunod-sunod pa rin na nagdadatingan.

Sina King Hollace, Queen Alisia, Kerria at mga elders ay nanatili naman sa loob ng palasyo upang pagtibayin 'yung barrier na ginawa namin kanina bilang paghahanda kung sakaling may mangyari pang pag-atake sa ibang bahagi ng palasyo.

Si Headmaster Diazo at ang mga A+ Flemwall Wizards ang umalalay sa amin ni Lolo Lorcan. "Nakita namin ang Shadow Summoning Circle ng kalaban. Hindi mauubos ang mga halimaw hangga't hindi natin naititigil iyon," saad ng Headmaster na kanina pa naman namin alam.

Muli na akong sumakay kay Milka at sabay-sabay na kaming nagtungo sa kinaroroonan ng mga Dark Sorcerers na nagsasagawa ng ritwal. Nang makita nila kami, ilan sa kanila ang panandaliang tumigil upang tirahin kami ng malakas na Dark Spell.


"Nigrem Iter Mortis!"


They rendered a black bolt of energy. Naging abo ang lahat ng madaanan ng enerhiyang iyon at mukhang ako talaga ang puntirya nun!

Hindi naman ako umiwas. Sa halip, lakas-loob pa namin iyong sinalubong ni Milka. Laking gulat nila dahil parang usok lamang iyon na naglaho nang dumikit iyon sa amin. "Hindi ba kayo naturuan? Hindi ako tinatablan ng Dark Spells niyo!" At dahil 'yun sa suot kong Lux Amulet.

It's my turn to attack using my Eluminare Bow. Finally! And I needed no arrow to attack. I just whispered a Luxurian spell, "Pfeile der Luminaria!" And when I pulled the bowstring, a special kind of energy-based arrow formed.

Itinira ko 'yun sa kanila at tinamaan 'yung nasa gitna. Natakot na 'yung ibang Dark Sorcerers pero mas lalo lamang dumilim ang mga pagmumukha nila.

Ibinigay na rin ni Headmaster Diazo ang signal sa mga A+ Flemwall Wizards para sumugod. Doon na nagsimula ang matinding bakbakan laban sa mga Dark Sorcerers.

"We're too late..." nangangambang pahayag ni Lolo Lorcan. "Nakumpleto na nila ang ritwal." At tama siya.

Bukod sa panibagong hanay ng mga halimaw na lumabas dun sa Shadow Summoning Circle, may nagpakita na ring tatlong Terremotus Giants. Mga higanteng trolls ang mga ito na halos kasing laki ng building na hanggang 10th floor dun sa Mortal World. Mukha silang mga ogre na yari sa bato at lupa ang katawan.

They are a rare kind. Kapag lumaki na sila nang ganun, pinipili na nilang manatili na lamang sa isang lugar. Their eyes were usually gold with green irises. Pero purong itim ito ngayon, meaning they are under the Dark Sorcerers' control.

One Terremotus Giant can conjure an extreme earthquake. Kasing lakas 'yun ng highest magnitude dun sa Mortal World. Ngayong tatlo pa sila, they are enough to shake our whole Kingdom. Enough to leave a tremendous damage.

Nagtulong ang kambal na Class S para pigilan ang mga ito. "Vinclis Elementa Graecorum!" Isa iyong uri ng Chain Spell under the Four Elements para pigilan ang mga nagwawalang higante.

Tutulungan ko na sana silang dalawa ngunit... "Kakayanin na namin 'to, Prinsesa! Gamitin mo sa mas tama at perpektong pagkakataon ang enerhiyang meron ka!" sabi sa akin ni Lolo Lorcan. "Baguhin mo 'yung Shadow Summoning Circle para maibalik na sa normal ang mga Terremotus Giants na ito at para matigil na ang pagdating ng mas marami pang halimaw!"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon