Ikatlong Kabanata

204 10 2
                                    

Ponkaaan's Note:

Hurray! Ako po ay nabuhay muli! Term break po kasi namin. :D

Depressed ako ngayon kaya may update ako. Hala sige, basa na lang.

------

*Ikatlong Kabanata*

= Liz speaking =

Hindi ko alam kung bakit at paano kami nakalusot kay bulldog, basta ang alam ko lang ay pumasok kami sa loob ng room, sandaling kinausap ni Dylan si sir Lopez at heto kami ngayon, buhay na buhay at walang galos.

At tungkol naman sa uniform ko na wet look ang drama, pinahiram muna ako ni Dylan ng kanyang jacket. Sino'ng may bestfriend na isang sweet na boy scout? E 'DI AKO! AKO NA TALAGA!

Matapos ang pag-uusap nina Dylan at bulldog, to our surprise, agad niya kaming pinaupo sa armchair at ipinagpatuloy ang klase na parang walang nangyari. Ang cool, 'di ba?

Hindi ko na tatanungin pa kung anong ginawa niya para hindi kami pag-initan ni bulldog, alam ko naman ang abilidad niya pagdating sa mga teachers. Kilala kasi si Dylan na palaging nakakalusot sa mga atraso niya sa mga teachers.

Gwapo kasi kaya gano'n.

Hahaha. Konek?

Okay. Stop muna ang landi at aral muna ang atupagin. Magpapakabait muna ako ngayon.

Nagsimula na ang buong araw namin sa klase. Nagsimula na rin ang buong araw na pagva-vandalize ko sa armchair. Eager beaver din ang drama ko na kunwa'y nakikinig sa teacher para hindi matawag sa mga recitations. Panigurado kasing 'di ko iyon masasagot. Pahiya moment iyon 'pag nagkataon at bawas ganda points kay Boo Bear ko. I can't afford that.

Nakakaantok talaga ang mag-aral. Matapos ang Math ay Physics naman, sumunod dito ang English na sinundan naman ng Filipino.

Oha? Pahingi nga akong blade o kaya cutter d'yan. Parang mas gugustuhin ko pa yata ang maglaslas.

Deh joke lang. 'Pag nawala ako, kawawa naman ang Earth. Mawawala ang isa sa Seven Wonders of the World. Mawawalan ang lahat ng beauty na maaaring i-appreciate. Kawawa din ang Pilipinas dahil bababa ang turismo. Bwahahaha!

"Huy! Uwian na." Untag sa akin ng babaita na tabi ko.

'Uwian na pala?" Tanong ko.

"Ayy hindi. Pasukan pa lang. Kaya nga palabas na tayo ng classroom kasi pasukan pa lang." Sarkastiko niyang sabi ngunit tinarayan ko lamang siya. Sa halip ay inayos at nilinis ko na lamang ang mga gamit sa armchair ko.

Akalain mo 'yun? Parang three minutes ago lang no'ng natapunan ako ng lintik na shake, tapos ngayon ay uwian na? Wow lang dre.

Nagsimula akong magligpit ng mga notebooks ko na pinuno ko ng mga kung anu-ano sa likod na parte habang nagdi-discuss si Ms. Roque ng kwento nina Echo and Narcissus. At dahil wala akong pake sa mga Greek or Roman Mythology cheverlu na iyan, notebooks ko ang napag-diskitahan kong pagtuunan ng pansin. Napuno tuloy ang mga notebooks ko ng drawing ng mga puso na may laman na pangalan naming dalawa. Puno rin ito ng FLAMES at kung anu-ano pang mga compatibility test na pangalan pa rin namin ang nakalagay. Bawat subject, isang compatibility test.

Ginagawa ko ang lahat ng iyon habang nakayakap ng husto sa jacket ni Dylan na nakabalot sa katawan ko. Parang niyayakap na rin ako ni Dylan no'n. Ang bango rin ng jacket niya. Gusto mo amuyin? ..... 'Wag na lang pala. Akin lang ito. Ako lang ang may karapatang lumanghap ng amoy niya.

".... Ano sa tingin mo Best?"

Ako lang, dahil asawa ko siya. Patunay dito ang FLAMES na ginawa ko na 'Married' ang nakalagay na resulta, kaya he's mine. Only mine. I'm his possessive little COO.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Oct 04, 2013 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Bastos Mo!Onde histórias criam vida. Descubra agora