Ikalawang Kabanata, Part 1

458 17 14
                                    

Ponkaaan's Note:

Mabuhay sa lahat ng mga bastos na nagbabasa nito! Happy 69 reads sa atin. Yehey!

Ang bastos ng reads, dagdagan niyo nga! Hahaha.

------

 

*Ikalawang Kabanata, Part 1*

= Liz speaking =

"Ayy Best!" Sigaw ni Tori.

Anak naman ng bastos ang lalaking ito! 'Yung totoo, may mata ka ba koya? Ang lawak kaya ng daanan. Bwisit. Bwisit to the nth level talaga.

"Hoy lalaki! Panagutan mo ito!" Muling sumigaw si Tori sabay hila sa bastos na lalaki. Dahil busy ako sa pagpunas sa uniform kong basang-basa at amoy melon pa, 'di ko napansin sa umalis na lang pala siya bigla. So, balak pala niya itong takbuhan?

"Excuse me? Hindi ko siya nabuntis para panagutan." Malamig na sabi ng lalaki. Wow, I suddenly felt the Yultide breeze. Hechoserang Inglishera. Hahaha.

"Bastos mo! Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" Galit pa ring sabi ni Tori. Kaya nga ba mahal na mahal ko ito eh. Problema ko, pinoproblema niya.

In all honesty, gusto ko nang lumayas dito sa hallway at magpunta sa room. Mas malaking gulo kasi kung male-late kami sa unang subject dahil kamag-anak ni Hitler ang teacher namin sa Math. Wapakels na kahit amoy construction worker pa ako, kailangan kong makarating sa klase kung ayaw kong ma-execute at the age of fifteen. Ayokong ma-garote, hindi GomBurZa ang peg ko!

"Linawin mo kasi." Medyo inis na sabi ng lalaki. Oo nga pala, may komosyon nga palang nangyayari. Medyo na side-track yata ako ng ideya tugkol sa kamatayan.

"At isa pa, kaya niyo na iyan. Malaki na kayo, juice lang eh. Tsss." Dagdag pa niya. Nakatingin lamang ako sa kanya ng matiim habang nagbabangayan sila ni Tori. In fareness may hitsura siya.

Malamang! Magtaka ka kung wala siyang hitsura. Duh?

Okay. Rephrase, gwapo siya. High-bridged nose, rosy cheeks, at luscious lips. Emeghed! Talandots!

Malinis at mukhang may-kaya rin. Kahit simpleng Khaki pants, flannel shirt at Vans sneakers lang ang suot niya, ang porma pa rin niyang tingnan. Idagdag pa ang earphones na nakapasak sa tainga niya at ang kanyang katangkaran. By any chances, I would've found him hot. A hot hallway boy. Pero 'di pa rin maikakaila na mas gwapo si Dylan. At dahil na rin sa bastos siya, nawala ang attraction. Bawas pogi points.

"Aba't! 'Di ka rin bastos noh?!" Nagitla ako sa muling pagsigaw ni Tori. Biglang bumalik ang katauhan ko sa year 2013. Buti na lang at wala na'ng tao sa hallway dahil nagsipunta na sa kani-kanilang mga klase, kundi pangalawang eskandalo na namin ito ngayong araw.

"Sino'ng may sabing bastos ako? Wala akong hinipuan."

"Tadong lalaki toh ah. Ano Best? Sabihin mo lang, at tatadyakan ko ito palabas ng school niyo." Tumingin sa akin sa Tori at halatang inuudyok ako. I know she's burning with wrath. Halatang nagpipigil ng galit, pikuning babae kasi ito.

"Oh ano na? Tadyakan mo na ako palabas." Hamon ng lalaki kay Tori. Oras na siguro para ilabas ko ang super powers ko. Nagkakabastusan na eh.

Hinarap ko ang lalaki and looked at him, feigning anger. Tiningnan niya lang din ako from head to toe with a smirk.

"Ikaw ang tatadyak sa akin palabas? Go on, I'm waiting." Ako naman ang hinamon niya. Kung kanina, I was just feigning my anger, this time totoo na. Hindi lang siya bastos, mayabang din siya. Lumamon yata ito ng bagyo eh.

"Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo. Hindi mo kilala kung sinong kinakalaban mo." I said coldly. Take a hint dude. I'm telling you to fuck off! This is my territory.

Pero wait, sino ba ang asungot na ito? Hindi siya taga-rito dahil naka-civilian outfit siya. Iisa lang ang alam kong high school dito na walang uniform. Ang Ridgeway High.

Tiningnan ko ang kanyang ID, at tama nga ang hinala ko Taga-Ridgeway nga siya.

Paanong naka-pasok ang outsider dito? Lalo na't kalabang school namin sa basketball ang school niya. Hindi dapat siya nandito. Baka patapos na ang practice ng mga varsity players at mapag-initan siya.

On the second thought, SANA MATAPOS NA ANG PRACTICE NILA! AS IN, NOW NA!

"Hindi kita kilala, pero alam kong hindi ikaw ang batas. Tumabi ka na nga d'yan, sinasayang mo ang oras ko." Muling bumalik ang kanyang cold na aura. Paalis na dapat siya pero hinarangan ko. Bawal takasan ang isang Liz Daez!

I was about to say something nang magsalita si Tori.

"Actually, hindi siya batas, pero anak siya ng batas. Anak lang naman siya ng may-ari ng eskwelahang ito." Mayabang na sabi ni Tori at naka-crossed arms pa, halatang nagmamalaki.

Totoo iyon, pamilya nga namin ang may-ari nito kaya naman never in a million years akong na-bully ng kahit na sino sa eskwelahang ito. Except sa mga teachers, pwedeng pwede nila akong i-bully anytime. Kahit na anak ako ng may-ari, hindi pa rin pwede ang mga special treatments. One and the same lang kami pagdating sa mga rules and regulations, bawal ang bias.

Halatang nagulat ang lalaki sa sinabi ni Tori ngunit mabilis ding nakabawi.

"Well then, forgive my elicit act, your highness. I bow before you and give you my word, never to execute such deed again. If you may, under your willpower, situate this imprudent young gentleman free for he will not commit such felony again." Sarkastiko niyang sabi with matching bow pa. Binigyan niya kami pareho ng ngiting aso.

Gusto ko sanang mapa-mura dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko, nag-internal bleeding ako at nalagas lahat ng braincells ko sa sinabi niya.

Nyeta! Ang hayop ng english ni koya. Sarap niyang sapakin dahil 'di ko maintindihan. Uupakan ko na sana nang may marinig akong sigaw.

"Lizzy!"

Ang aking night in shining armor, dumating!

------

Maiksi, I know. Pero ito muna, papasok lang ako ng school. Pagbalik ko na ang karugtong. Hehehe. ^^

Sila nga pala ang mag-BFFE. Liz and Tori :) --->

Bastos Mo!Where stories live. Discover now