"Oh, this is amazing!" bulalas niya nang matanaw ang kalawakan ng Maynila mula sa malayo. Nasa isang talampas pala sila at nakikita niya buhat doon ang mga naglalakihang gusali.

"Mas maganda rito sa gabi. Bukod sa malamig ang simoy ng hangin na nanggagaling sa mga bundok ay makikita mo ang mga ilaw sa magandang tanawin na nakikita mo ngayon." Parang na-i-imagine niya ang sinabi nito. It seemed it was a romantic place for lovers. Minsan ay babalik siyang muli doon para saksihan iyon.

Bumaba ito ng kabayo at inalalayan siya sa kaniyang baywang. Sa anggulong binubuhat siya nito ay hindi maiiwasang magkalapit ang mga mukha nila. Napatitig sila sa isa't-isa hanggang sa maibaba siya nito.

Tumikhim siya. "Ahmm.....Race, ano 'yang dala mo?"

Nahimasmasan naman ito. "Ah, ito ba?" Binuksan nito ang bagpack. "Nagdala ako ng makukukot natin habang nandito tayo." Inilabas nito ang isang picnic blanket at inilatag iyon sa mababang damuhan. Sunod nitong ibinaba sa blanket ang mga junkfoods, isang bote ng palamang Chiz wheeze, isang malaking tasty bread na naka-sealed at mga drinks na naka-packed.

"Pasensiya na. Iyan lang kasi ang nakita kong makakain sa bahay. Iyan ang natira sa mga ipinamili ko noong ikalawang araw."

"Okey na iyan. Laman-tiyan din ang mga iyan." biro niya.

Nagkatawanan sila nito.

Pa-yoga style na naupo sila sa blanket. Naglabas ito ng dalawang plastic gloves at isinuot sa mga kamay nito. Nagpalaman ito ng mga tinapay at ibinigay ang isa sa kaniya.

"Ang ganda talaga rito. Parang walang sisira sa pananahimik mo." wika niya habang nginunguya ang tinapay.

"Kaya madalas ako rito. 'Pag wala akong shooting, nandito ako. Dito ako nakakasumpong ng kapayapaan. Malayo sa magulong mundo ng showbiz. Kaya nga hindi ko tinanggap ang offer nila na mag-artista ako. Mawawalan na ako ng panahon para sa sarili ko."

"Tama. Kahit ako ay hindi ko ipagpapalit ang napakagandang lugar na ito." Naputol siya sa pagsasalita nang makakita ng mga saranggola sa himpapawid na may iba't-ibang hugis at kulay. "Look!"

Nakita nito ang tinitingnan niya. "A, iyan ba? Kapag ganitong buwan ay may paligsahan ng mga burador rito sa Antipolo. Kung sinong saranggola ang matira sa ere ay siyang mananalo."

"Nakakatuwa naman."

Nang matapos silang kumain ay iniligpit nila ang mga pinagkainan. Muling isinilid ni Race ang mga iyon sa bagpack nito. Malakas ang hangin doon kaya hindi niya mapigilan ang sariling maghikab.

"Mahiga ka rito." Tinapik nito ang kandungan nito. "Puwede kang maidlip kahit sandali." suhestiyon nito.

Nahiga siya sa lap nito. Sa pagkakahiga niya ay parang abot na niya ang kalangitan nang mapagmasdan niya ang kulay asul na kalawakan. Panatag na panatag ang kalooban niya. Pero humarang sa line of vision niya ang nakangiting mukha ni Race. Mas kaiga-igaya ngayon ang tanawing nakikita niya.

Pumitas ito ng ligaw na bulaklak na malapit dito at inilagay iyon sa tainga niya. "Lovely." bulong nito.

"Bola!" Tumatawang inalis niya ang bulaklak sa tainga niya at ipinangkiliti niya sa leeg nito.

Ang lakas ng kiliti nito roon. Gumanti ito sa kaniya. Siya naman ang kiniliti nito sa tagiliran niya. Nagtitili siya at nagpumiglas. Tumayo siya. Hinabol siya nito. Sigaw siya ng sigaw nang muntik-muntikanan siyang mahuli nito. Nang mapagod ay hinihingal na ibinagsak niya ang katawan sa blanket. Napaaray siya dahil matigas pala iyon.

"Hindi kama 'yan, Miss." tumatawang tudyo ni Race sa kaniya.

"Aray, ang sakit!" angal niya. Nagbangon siya at iginalaw-galaw ang katawan. "Napasama yata ang pagbagsak ko."

When I See You Smile (published under Phr completed)   Where stories live. Discover now