Wrong timing, hindi ko sila kayang istorbohin sa mga ganyang panahon. Kailangang umalis, masama ang mangyayari kapag patuloy akong naging saksi sa kahalayan nilang dalawa.

Habang papaalis na ako... Nakabangga ko si...

"Sorry, Cyriel."

"Okay lang," he said.

"Ah. Sige, alis na ako ha?"

"Teka lang."

Hinubad niya yung parang jacket na suot niya, ewan ko ba kung ano ang tawag dun.

"Oh, isuot mo. Baka malamigan ka," he told me.

"Salamat ha?" I said, thanking him.

"Okay lang, next time huwag kang magsusuot ng ganyan, baka mabastos ka ng mga manyak," he told me.

Hindi ako laging nasa tabi mo para ipagtanggol ka.

"Ano?" I asked.

"Wala, sabi ko isuot mo yan. Sige, alis na ako."

"Ah, sige. Salamat ulit ha?"

At umalis na siya. Ang gulo niya talagang tao. Oh well. Bahala siya. Makapunta na nga kay Andy, ibibigay ko na yung regalo ko.

"Oh, bakit suot mo 'yung jacket ni Cyriel?" Andy questioned.

"Ah, nalamigan kasi ako eh. Kaya hiniram ko muna 'yung jacket ni Cyriel," I said, answering his question.

"Tss. Andito naman ako. Dapat sa'kin ka na lang humiram," he said.

"Eto naman, para ganu'n lang eh. Oh, regalo ko."

At inabot ko yung regalo ko sa kanya. Binuksan naman niya.

"Necktie? Bakit necktie?" he asked.

"Ah. Wala kasi akong maisip eh," I answered.

"Sus. Nag-abala ka pa. Salamat ha?"

"Hindi mo yata nagustuhan eh," I said.

"Ikaw naman ang nagda-drama ngayon? Nagustuhan ko, basta galing sa'yo."

"Salamat. Tara, inom tayo."

"Talagang ikaw nang-aaya ha? Huwag mo akong cha-chansingan kapag nalasing ako."

"Hahahaha. Ang kapal ng mukha mo!! To the highest level," I told him.

"Keme lang. Tara na nga dun."

At pumunta na kami sa counter. Nagtataka ba kayo kung bakit necktie ang binigay ko kay Andy? Ganito kasi yun...

*MALL*

"Miss, ano po ba ang magandang panregalo?" I asked the saleslady.

"Sa babae ba o sa lalaki?" she asked me.

"Sa lalaki po"

"Ah... Boyfriend mo?"

"Ah, hindi naman po," I told her.

"Sus. Ayaw pang umamin."

"Eh ano nga po ang magandang panregalo?" I asked again.

"Hmm. Dahil boyfriend mo naman yun... Bigyan mo ng tie."

"Tie? As in necktie?" I asked.

"Oo," she clarified.

"Eh bakit naman yun?"

Sabi kasi nila, ang necktie daw ang sumisimbolo ng pagmamay-ari. Kaya 'pag binigyan mo ang isang lalaki ng necktie, para mo na ding sinasabing, "You're mine."

"Ah. Sige po. Isa ngang necktie."

*End*

At doon nagtatapos ang history ng dahilan ng pagbibigay ko ng necktie kay Andy. Buti hindi niya tinanong kung bakit 'yun ang binigay ko sa kanya, kung hindi... Lalaki ang ulo nun.

Back to the story, andito na nga kami sa counter. Yey!!! Inuman na. Namiss ko 'to.

"Hi Dave," I greeted him.

"Dana, you look stunning as ever," Dave said.

"Ehem," Andy said. "Dave, isa ngang margarita kay Dana at 'yung sakin alam mo na."

"Ngayon? Serious ka? Malakas ang tama nun ah. Baka malasing ka, birthday mo pa naman ngayon," Dave told him.

"'Yun nga eh. Birthday ko ngayon kaya maglalasing ako. Isa pa, 'pag nalasing ako, may chance na si Dana para rapin ako," he said, reasoning out.

"Sira ulo. Ang kapal mo talaga," I told Andy.

"Kayong dalawa talaga. Oh, bahala kayo 'pag nalasing kayo ha?" Dave said.

"Oo. Professional Drinker ata 'to..."

At kami'y nag inuman na...

1st shot 2nd shot 3rd shot 4th shot 5th shot 6th shot 7th shot 8th shot 9th shot nth shot

Hindi ko na mabilang, nagdadalawa na ang paningin ko.

"Dana, gushto mo, dito na tayo magkisshing leshon?" Andy asked.

"Ano ka ba Endy. Ang dami-dami kayang tao. Hahahaha." I said.

"Eto naman. Shige na, birthday ko naman eh," he said, trying to persuade me.

"Sige, pero 'wag mo akong re-rapin ha? Ishushumbong kita sa tito kong pulish," I told him.

"Bahala na. Hahahaha."

And with that, he kissed me. Hard.

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Where stories live. Discover now