(Yanskie’s pov) putek bat nya alam na finiflames ko?tenk yu nga pala sa pagtama mo ng info. Hihi
“Maghanap ka nga ng kausap mo . Uuwi na kami.. Tara na guys. Dun nalang tau matulog kila Zarren. Baka kung ano na rin ang ginagawa nun eh.”-Yanskie umiiwas lang mabukong finiflames nga niya. Haha
Sa puntong to di na makausap ng matino si Anghel kaya di na sya umapilang sumama..
“Hoy Aylabyu .”-Nathan may pahabol lang kay Yanskie
“Oh bakit aylabyutu?”- sarcastic lang. pabulong lang.
“Ano kamo? Waaah narinig ko yun..sabi na eh.. Bumigay ka rin.. nyahaha! Gwapo ko talaga.. pakiss nga”
Yanskie’s pov) Waaah.. kung kelan nakalayo na ko eh.. habulin mo ko! Hihihi..
Tsk. Tama na. mga kaepalan ng mga hindi bidang yan. Hay hirap talaga pag ang mga bida ay nagkakalabuan eh.. Parang nakakapangit din ng araw eh noh.. buti nalang anjan ang mga tropang nagpapasaya satin.. tsk.. mabalik lang sa story, yun nga halos dalawang linggo ring walang usap-usap sila Zarren at Anghel.. Tiisan ganon.. hay,, ganyan naman talaga sa mga love story diba, kelangan talagang dumaan sa ganitong pagkakataon.. pampatibay rin daw kasi to ng relasyon. Yung tipong learn you’re your experience ang datingan.. Eh sabi nila experience is the best teacher daw eh.. lang basagan ng trip.. luma na pero totoo naman diba.. Yun nga..Hanep lang badtrip sa pakiramdam pag nag titiisan ang mga bida.. Parang mga ewan lang.. eh sa totoong buhay naman nag uusap diba.. bat sa mga kwentong ganto, kelangan pang palipasin ang mga araw eh sa huli magbabati rin naman.. tsk tsk..
Yun nga tiisan ganon. Gang sa isang araw ay tinawagan ni Fate si Anghel kasi nga magpapasama lang sa pagsundo kay James sa airport. (Basahin sa buk1 chapter 10 ang buong detalye kung ayaw mong masaktan). Tutal naman ay aminado si Anghel na kasalanan nya kung bakit nagkakalabuan ang dalawang yun.. Epal lang kasi. Di nya nabawi kay Zarren ang sinabi nyang sila na nga ni Fate, kaya ayun, ang tangang si James ay naniwala.. Aminado rin naman si Anghel na nabobohan sya kay James.. Eh kung sya yun, di agad sya maniniwala sa mga sabi-sabi eh.. sana kasi kinausap nya mismo si Fate diba.. kaya ayun nga, itatama na nya yung pagkakamali nya.. Baka sakali kasing matulungan sya ni Fate na mapagbati sila ni Zarren..
(Ano, binasa nyo na ba sa buk1? Basahin ulit kung inyong nalimutan.. hehe pampadami ng reads.) Yun. Maaga palang ay nasa bahay na nya si Fate.. Didiskarte sana sya, makikiusap na iconvince si Zarren para kausapin sya.. Kaso nga lang ang lecheng pagkakataon ay pinaglaruan nanaman sya.. Naispatan nyang umiiyak si Fate, yun. Nilapitan nya.. eh tatanga-tanga rin sya nung oras na yun..Kakalabas lang kaya ng ng banyo (bagong ligo lang). Nakatowel lang sya.. tas pinilit nyang patawanin si Fate. Hinulaan kuno nya na nakita na daw nito ang lalaking magmamahal sa kanya. Weh, ang bruha naman napangiti nya kaya ayun, nag enjoy na rin sya..
Mula lang sa bintana… Tsk, di lang nila alam na nakasilip si Zarren.. waaaah. Adik. Wala to sa buk1 kasi behind the scene to.. hehe.. yun.. sobrang sakit lang talaga para kay Zarren ang mga nakita nya.. Kung ibang babae pa kasi yun ay baka mapalampas nya.. kaso nga lang ang tropa nyang si Fate eh… tsk…Ang masakit pa ay magkahawak kamay ang dalawa. Ang saya saya pa.. Muntikan pa ngang malaglag yung towel ni Anghel sa kakatawa eh.. tsk.. Yun. Luhaan nanaman si Zarren habang tumatakbo palayo..
“Zarren! Bakit?”-James, nanlilisik lang ang mga mata dito..
Di sumagot si Zarren. Suminghot lang.. haha, me rugby? Hehe. Lalo tuloy kinabahan si James.. Dire direcho lang sya sa bahay ni Anghel.. At yun.. Sumabog na sya nung makita nya ang dalawa..Bugbog lang si Anghel sa kanya..Eh di lumaban eh.. Lam kasi nya na mali sya.. Tsk.
Pero pero.. lahat ng yan ay nangyari na.. binalikan ko lang.. la lang trip ko lang.. para sa mga bidang james at fate yan kaya di ko na palalawakin pa.. nais ko lang naman ipoint out na nakita rin ni Zarren yun.. di lang si James ang nasaktan sa tagpong yun.. tsk..
Buti nalang sa mga oras na to ay, nahimasmasan na si Zarren.. Ilang gabi rin nyang iniyakan ang tagpong yun.. Kung inaakala nating siFate lang ang nag ubos ng luha dun.. nagkakamali tayo.. si Zarren din..kahit ganon sya ay magaling din naman syang umiyak..
At nung mablitaan nya na ikakasal na nga sila fate at james ay grabe ang pagka inggit nya.. Nga pala personal silang nag usap ni Fate dito.
“Oy Zarren umayos ka ha.. Pag ikaw nawala sa kasal namin ng James ko humanda ka.”-Fate nang iinggit lang.
“Eh kasi parang may audit kami sa Bataan nun eh.”-Zarren dahilan lang. ayaw nya kasing makita si Anghel.
“Sampalin kita gusto mo? Sus. Kung pinoproblema mo si Anghel, di yun pupunta. Di ininvite ni James.”
“Huh? Di nga?”
“hehe.. Joke lang. Eh kasi eh.. punta ka na ah..kaw pa naman ang maid of honor ko.. pag di ka pumunta di naming itutuloy ang kasal”—Isang malaking WEH?Neknek mo Fate. Plastik ka talaga.. utot mo lang. Yang hayok mong yan kay James? Haha. LOL.
“Tsk. Adik. Geh geh. Ok naman na ko.. Di ko na namimiss yang ungas na Anghel na yan. Sanay na ko.”
“Weh? Sige na nga. Sabi mo eh. Basta ah..”
“Oo na nga.”
Yun at napapayag din tong si Zarren.
(Fate's pov) Waaah, pumayag agad? bilis ah.. ginawa pa naman kitang maid of nora honor.. kala ko kasi papapilit ka.. hay.. ganyan na ba talaga mga kabataan ngayon, kung ako yan papapilit ako.. dapat wag nya ipakita agad kay anghel na napatawad na nya noh.. Perahan muna nya.. Pabili syang ganto, ganyan..diba.. tsk
"Nga pala. Andun si James mmaya sa clinic ni doc Anghel.. Magbibigay lang ng invitation. Pupunta rin ako dun.. Papalinis ako ng teeth.. Hehe you know libre eh.. "-bwiset ka fate seryoso usapan dito sumingit kapa ng ngipin.. tsk.
"So? Gusto mo pa brace ka pa."-Zarren mukhang napipikon na sa pinagsasasabi ni Fate..
"Pde ba? yung rainbow.. Hehe.. Uy, kaw naman.. Biro lang ..ganda ko lang talaga. pero di ko naman type yang si anghel mula simula.. Ikaw lang ang nag iisa sa puso nyan. Promise."
Weh Nakana si Fate, may book1 na nga humahataw pa rin dito.. hehe.. yun. Pagkaalis ni Fate bigla nalang tumunog cp ni Zarren.. Lam nya kung kaninong number yun kaya sinagot nya.. Hay sino ba yun?
"Hello tita Zarren?"- waaaah ang cute na cute na pamangkin ni Anghel na si Rafael nagbabalik..
"Hello Raffy. Bakit napatawag ka?"- Zarren panic mode. Nasa isip lang nya na pakana ni Anghel kung bakit tumatawag yung bata
"Eh kasi po miss kana namin. Punta ka ulit dito tita Zarren pleaaaaseee!"-Raffy lambing lang mag please.. hehe
"Huh? Eh kasi ano eh.. may ginagawa pa ko.. busy ako."-Plastik. nakatapat ka lang sa bintilador habang ngumangata ng nova eh.tsk
"WEh po? Kasi po hanap ka ni Mica. May sakit po sya. Nasa hospital nga po siya kahapon eh."
"Ha? Ano, kumusta na sya. Ok na ba sya?"
"Di po sya ok. May sakit pa rin.. di nga po lumalabas ng room eh. gusto po kaw kalaro..lalabas lang daw po sya pag andito ka na.. sige na po sita zarren." waaaah, sa puntong to lumipat ang phone kay georgie.."Tita Zarren, diba love mo po kami? Kung love mo kami pupunta ka dito.. pag di ka po pumunta di mo na kami love.."-may himig lang ng pagtatampo (Waaaah. kung alam lang ni Zarren na nasa tabi ng mga makukulit na to si anghel eh.)
"Ay naku.. sige sige.. pupunta na nga ako jan.. hay."-zarren. gustong gusto naman.
"Yehey! thanks tita zarren. wala po dito si Tito-"- sabay putol lang ng line.. haha, inend ni Anghel kasi mukhang ibubuko pa sya ng pamangkin nya.. hah.. yun oh muling nabuhay ang ngiti sa mga labi ni Anghel.. haha, gamitan lang yan ng mga pamangkin. ayos ah. lam nya kasing di matitiis ni zarren ang mga yun eh..
"Ooopps tito anghel amina po 500 ko."Raffy ang bata pa magulang na..
"Ako din po"-Georgina..
Hay as usual suhulan na ito.. tsk. Pano naman kasi back to zero na ang score nila.. hirap na hirap na at tila mamamatay na si anghel dito. hehe.. oa lang pero sobrang miss na nya kasi si Zarren..in fairness favorable din to kay zarren. mukhang naghihitay lang naman yun ng grasya eh.. hehe hirap lang kasing mapahiya.. yaan nalang nyang suyuin sya ni anghel.. tutal naman eh dun sya mgagaling..
waaaah, sa next chapter nalng po ang karog.. trabaho muna....
*mejo busy mode
VOUS LISEZ
It Started with a 'K' (from A to Z)
ComédieMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 18:iba't ibang levelng pamamaraan..
Depuis le début
