“Bakit, masakit ba sayo?” –Clark mejo concern lang.
“Ah eh, oo eh masakit tyan ko. Di ata ako natunawan..”- Putek Tina naman.. Sa braso ka lang hinawakan, nakonekta na sa tyan?? Waaaah hanep layo mo lang dumahilan eh..
“Ah ganon ba.. hehe, layo kaya ng braso sa tyan.. hehe.”- Clark mukhang nakakahalata sa modus operandi ng isang to.. hehe
“uy hindi ah. Konektado kaya ang braso sa chan.. Nabasa ko kaya sa biology book ng kapatid ko..kasi may mga veins daw na nagkoconnect..”- Shemay naman oh.. nung klaseng eksplanasyon yan ah.. invalid. Void.. tae!. Dumahilan ka pa ng biology book ha.. ayus ah baka tiktik lang ang nabasa mo.. hay Sa prisinto kana magpaliwanag tina.. tsk.panira ka sa tropa ng mga magagaling pumaraan.. hay..umayos ka baka di kita matansya..
“Hehe, kakatawa ka naman.. Nga pala, may boyfriend kana?”-Clark
(Tina’s pov) Wahahaha! Yun oh, nagtatanong na.. Hmmmm teka lang ah.. inhale exhale muna..
“Ako? Hmm, naghahanap. Kaso mukhang wala akong makikita eh..”- Nice. Sige pa kaya mo yan.. Bagito pa kasi eh.. pero masasanay ka rin.. gayahin mo lang si Fate ng buk1 ang leader ng grupo..
“Sa ganda mong yan wala pa?”-Clark sabay pungay lang ng mata. “Nu nga palang number mo?”-di ka naman halatang playboy nyan ah.
“Ha, ayoko nga..Hindi ako nagbibigay ng number basta-basta noh.. Pero kung pipilitin ako.. 09177350810. Hehe.”
“Got it. Promise I’ll call you. Tara na sa loob.”- yun at tinuloy lang nila ang usapan habang naglalakad.
Nice one pink ranger.. Mukhang dumdami na ang nabubuong loveteam dito sa karog ah.. tsk.. wala talagang sinasanto ang mga to.. walang kaibi-kaibigan eh.. Nu kayang mararamdaman ni Scarlet pag nalaman to.. hay.. yari kang balbong tina ka.. tsk. Wag ka lang papahuli kay Scarlet na ginagapang, este pinupuntirya mo ang Clark oh Clark nya..
Yun. Samantala, silipin lang natin saglit kung nu na ba nangyari kay Anghel.. Humihinga pa ba? Tsk, Masyadong naging malupit ang pagkakataon para sa kanya.. Windang sya sa mga binitiwang salita ni Zarren eh.. Yun oh nasa isang table nalang sila ng tropa ni Zarren..kasama parin ang ang hari ng mga epal, si Nathan.. Si Clark naman ay sumalang na sa pagkanta.. (haha, bang pagsalang ang naiisip ko dito. tipong macho dancer lang.. hihi) Tsk, buti nalang at nabawasan ng isa ang mga epal..
“Uy Anghel, Tigil mo na yan. Ganyan lang talaga si Zarren. Pero maniwala ka, bukas ok na yun.”-Jhoan may pagkaconcern lang.. kita nya kasi kung pano maapektuhan si Anghel sa mga nangyayari.
“Hindi tol. Iinom mo lang sige. Para mabawasan ang sakit. Sige kaya mo yan.”-Nathan kasumpa sumpa lang talaga ang ugali nito.. di manlang nag aalala kung malasing ng tuluyan si Anghel eh..
“Hoy, adik ka ba. Kita mo na ngang lasing na eh. Iuwi mo na yan baka kung ano pa mangyari jan.”-pangaral moment with yanskie.
“Waaaah, concern ka sa utol ko ha? Crush mo? crush mo? Porket gwapo crush mo na.. Ang mga man-hater nga naman.. hay..Teka, konting logic lang yan eh. kung gwapo sya, mas gwapo ko, kasi kambal kami.. at kung crush mo sya, crush mo rin…ako? Haha tama ba?”- Waaah, hanep lang sa kaepalan tong si Nathan eh noh. Bwiset kung bwiset eh. Me pa logic logic pang nalalaman.. kita mo nga naman ang pagkakataon.. Sige yanskie, kaw na bahala jan sa abnormal na yan.. tsk
“Nung pinagsasasabi mu jan ah.. Baliw. Wala akong gusto sayo noh (maniwala tae).. Matindi na ata ang pagkabilib mo sa sarili mo.”- tsk, konti nalang malapit na.. hihi, baka pag tapos ng gabing to mamiss mo ko.. haha.
“Weh, mamaya nyan nagfflames kana sa utak mo eh.. Ano lumabas ah.. Nga pala full name ko, Gabriel Nathan de Guzman. Oh bilis flames mo ulit, baka Nathan de Guzman lang naflames mo eh. Sige ka mali yan. Hehe. Ikaw nga pala?” –ayoko na promise.. parang jumbo hambog talaga ang isang to. hay Nathan, kung di kalang papable eh. Pero sige mapapatawad pa kita sa pang aasar mo jan kay yanskie.. sige lang asayo ang basbas ko.. haha, basta kung di mo makuha sa santong dasalan, daanin mo na sa santong paspasan.. hahaha.
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 18:iba't ibang levelng pamamaraan..
Start from the beginning
