Chapter 6: Found Friend

4.4K 180 76
                                    

Chapter 6

Dani's POV

Napalunok tuloy ako sa sarili kong laway. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya na hindi siya tinitingnan sa mga mata. Tumigil lang ako sa kakalapit ng may isang metro na lang ang layo namin.

Jusmiyo, mas pogi at hot siyang tingnan sa malapitan. Tama nga yung bakla, laglag talaga ang panty mo sa kagwapuhan nitong kaharap ko. Kung hindi lang talaga ako immune sa mga ganito kagwapong nilalang, baka kanina pa tumulo laway ko at naglupasay sa sahig.

"S-sir, ano pong sasabihin niyo?" tanong ko agad.

"I remember you."

"Ho? Nagkita na po tayo dati?" pagmaang-maangan ko. Magaling yata ako diyan.

Nakita ko ang paniningkit ng kanyang mga mata palatandaan na hindi siya naniniwala sa akin.

"Hindi ka pa naman matanda Miss Cervantes kaya alam kong natatandaan mo pa ako at ang ginawa mo sa akin kahapon."

Kalma lang Dani, huwag ipahalata na alam mo ang sinasabi niya. Poker face lang, huwag ma-stress.

"Nagkita na po tayo kahapon? Pasensya na po at hindi ko na matandaan. Marami kasi akong taong nakilala kahapon kaya ang hirap ng matandaan yung iba."

"Aaminin mo ang totoo o pupunta tayo ngayon sa Dean's Office? Choose what you want Miss Cervantes," seryosong tanong niya sa akin.

Langya naman oh!

"Si Sir naman, hindi mabiro. Syempre po natatandaan ko pa po kayo. Eh kayo pa, ang hirap kayang makalimutan ang isang tulad niyo. Tinitest ko lang po kayo kung mataas pa po ang memorya niyo."

Anak ng tokwa! Sana kagatin man lang ang aking pangbobola.

Nagtaas siya ng kilay na nagsasaad na hindi ko siya madadala sa aking mga pambobola. "Are you fooling me Miss Cervantes?"

"H-hindi Sir ha. Maka-judge naman po kayo. Nagjojoke lang po talaga ako dahil napaka-seryoso niyo po kasi."

Lakas rin ng radar ng lalaking to ha. Mapaimbestigahan nga.

"Gusto ko lang sabihin na sa susunod magsuot ka ng desinteng damit kung papasok ka rito. And never talk back to your teacher. Do you understand me, Miss Cervantes?"

Mabilis akong tumango. "Noted po Sir," saad ko.

"Okey. You may go," saad niya at walang lingong tinalikuran ako.

Para akong nabunutan ng tinik ng matapos niya akong kausapin. Jusko, pinaiyak lang naman niya ang kili-kili ko. Buti na lang at hindi niya ako pinakick-out rito.

Napabuga ako ng hangin at kinuha ang cellphone sa bulsa ko. "Hello Allie. Pwede mo bang mabackground check si Leonard Drew Villanueva. Baka isa pa sa maging hadlang ko sa misyon ko rito. Mabuti ng maging maingat," seryoso kong saad.

Led's POV

Sa hindi malamang dahilan ay hindi ko mapigilang lumingon pabalik. Nakita ko pa ang pagdukot niya ng cellphone sa kanyang bulsa at kinakausap ang kung sino man sa kabilang linya habang naglalakad patungo sa locker room.

Hindi mapigilan ng mga mata ko na suyurin siya ng tingin. Hindi makakaila ang magandang hubog ng katawan niya kahit natatabunan pa ito ng maluwang na t-shirt. She had also a sexy pair of legs.

What the fuck Led! Pinagnanasaan mo ang estudyante mo. Mahiya ka sa sarili mo. At kailan ka pa namumuna ng kasuotan ng mga estudyante?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I've Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon