Chapter 8.1: Missing Link

74 2 1
                                        

Ang lahat ay nakatipon sa salas at walang ni-isa ang nagsasalita sa kanila. Namuo na naman ang takot sa kanilang mga puso.

"Akala ko ho ba pumunta tayo dito para makalimot at makaiwas sa kapahamakan? Pero ano tong nangyayari?" Pagbasag ni Val sa katahimikan. Di na napigilan ng binata ang kanyang sarili na magtanong dahil unti-unti na silang nalalagas magkakaklase.

"Hmm. This killings won't stop if the killer is alive. At lalong lalo na kung andito lang ang hinahanap natin." Makahulugang saad ni Kyler at tinignan ang mga estudyante sa kanilang mga mata.

"Pero paano natin malalaman kung sino ang killer kung di tayo nagawa ng aksyon! Ano to, laro? Ubusan lahi? Ganun ba?" Naiiyamot na wika ni Val. Dahil s'ya ang class president ay ayaw niyang may mangyari pang masama sa kanyang nga kaklase.

"Watch your words, Mister. Di mo alam kung anong ginagawa namin para lang makakuha ng impormasyon." Naiinis na wika rin ni Kyler. Dahl medyo nabastusan s'ya sa sinabi ng binata.

Ngunit di pa din nagpatalo si Val,"Really? Pero asan yang mga ginagawa n'yong aksyon? Show us some proof! Di yung hanggang salita lang kayo." Bulyaw nito kaya naman niyakap ni Carisse ang binata,"Val. You're too much. Calm yourself," pagpapakalma nito kay Val.

Napangisi naman si Kyler at tinitigan ng diretso sa mata si Val,"Secrets are being unfold. Little by little. We'll know who's the master of this game. At kapag nalaman n'yo na kung sino s'ya. Hihilingin nyo na sana nananaginip lang kayo." At dahil dito ay mariing napalunok si Val.

"S-so ano po bang pwede nating gawin? Gu-gusto naming makatulong. Mas maraming tutulong mas madali nating makikilala ang killer. Diba p-po?" magalang na suhestyon ni Carisse na sinangayunan naman ng kanyang mga kaklase.

"Hindi pwede! Ayoko ng may madamay pa!" bulyaw ni Kyler at pinanlisikan ng mata ang mga estudyante. Lahat naman ay natakot kaya napakapit sila sa kanilang mga katabi.

"May madamay? Tangina simula pa lang damay na kami! At asan ba yung matalik kong kaibigan? Wala na! Patay na dahil sa kapabayaan nyo!" galit na galit na sabi ni Mark kay Kyler kaya sa di inaasahan ay nasapak ni Kyler ang binata.

"Di mo alam ang sinasabi mo. Pero sige, kung gusto nyo kayo na lang ang humanap ng sagot sa katanungan nyo. Hahayaan ko na kayo," malamig na wika ni Kyler at umakyat patungo sa kanyang kwarto.

Lahat naman ay natahimik at nagkatinginan. Iniisip kung susuwayin ba si Kyler o hindi. Tumayo naman si Aira sa kanyang pagkakaupo,"I think dapat hayaan na natin na yung authority yung maghandle nito. Baka mas gumulo lang lalo if we meddle to this creepy situation," suhestyon ng dalaga. Ngunit agad na umapela si Elaine. 

"Pero kung tatayo lang tayo dito walang mangyayari! Hihintayin pa ba nating maubos tayo? At tama si Mark. Damay na tayo tapos di pa ba tayo mangingialam? Kailangan na natin umaksyon habang maaga pa at marami pa tayo. So who's in?" matapang na pagwiwika ng dalaga. Halos ang lahat ay nakipanig kay Elaine tanging sina Aira, Krista, Denise, Drei, Josh, Neil at Bryan ang hindi pumanig kay Elaine dahil mas naniniwala silang dapat itong ibigay sa awtoridad.

"So hahatiin ko kayo sa dalawang grupo. Para mas marami tayong mahanap na clue. Ayos ba yon?" saad ni Val sa mga kaklase.

"Pero diba masama yung naghahati sa mga grupo? Kasi baka may mamatay sa isang grupo? It's better kung di tayo maghihiwa-hiwalay," suhestyon ni Abigail. Ngunit tinutulan agad ito ni Val.

"I don't give a fuck about your shits. Marami nang nadadamay at namamatay. Di na tayo pwede mag-aksaya ng oras! Bali ito na ang grupo nyo. Ako ang leader sa unang grupo at si Elaine naman sa pangalawa. Carisse, Carlo, Ervan, Lyanna, Stephanie, Zede, Mark, Lei at Eljae sa akin kayo. At ang mga natitira naman ay kay Elaine. Kami ang naka-assign sa kaliwang bahagi nitong Villa. Ang grupo naman nina Elaine ay sa Kanang bahagi ng Villa isama nyo na rin ang loob ng bahay." pagbibigay direksyon ng binata at nagsitanguhan naman ang mga estudyante.

"Kaya natin to. Para sa mga namatay nating kaklase. Go Class E-Manija!" buong lakas na sigaw ni Val na ginaya rin ng kanyang mga kaklase. Kahit may takot sa mga puso unti-unti itong binabalot ng determinasyon.

Lumabas na sila ng bahay at naghiwalay na ng landas. Samantala, ang mga naiwan naman sa bahay ay may kanya-kanyang ginagawa. Tumayo si Krista at umupo sa lap ni Josh. "Babe, anong tingin mo dito sa fingernails ko? Maganda ba?" mapang akit na tanong nito sa tenga ng binata. "I find it dirty. Get-off." malamig na tugon ni Josh at tumayo na nagdahilan para malaglag si Krista sa carpet. At umalis si Josh kasama si Bryan.

Agad namang lumapit si Denise sa kaibigan,"Oh my gosh. Are you alright, Krista?" tanong ng dalaga habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig. Inirapan naman sya ni Krista."I fell na nga tapos I get snob by that gay then you're making tanong if I'm okay? So bobo ha!" naiiyamot na saad nito. Napapout naman si Denise. "Are you galet na ba? I'm sarreh na okay? Sarreh na!" 

"Whatever! Let's go to our kwarto na lang!" wika ni Krista at umakyat kasama si Denise. Naiwan naman sa salas si Aira at Neil. Nagkatinginan ang kanilang mga mata at agaran na nag-init ang pisngi ni Aira kaya nag-iwas ng tingin ang dalaga.

Napangisi naman si Neil at tumabi kay Aira sabay umakbay. "I saw your cheeks burning. Iba na talaga ang gwapo." aroganteng saad ni Neil at lalong inilapit ang sarili kay Aira.

"Aw, how sweet! Di nyo man lang ako sinasali. Sad," wika ng isang misteryosong taong naka maskara habang pababa ng hagdan. Pinadadaan nya ang kutsilyo sa pader. May hawak rin itong martilyo. 

Mabilis na tumayo ang dalawa at tatakbo na sana sila ng biglang ibato ng taong naka-maskara ang hawak nitong kutsilyo at tumama ito sa paa ni Neil. 

"Neil!" sigaw ni Aira at inalalayan ang binata upang makatayo ito. Lumingon si Aira at nakita nyang papalapit na ang taong naka-maskara. "Shit. Aira, run! Kaya ko na ang sarili ko!" utos ng binata kahit hirap na itong makatayo. "Pero paano ka? No! Hindi ako aalis dito!"

"Damn it, Aira. I said run!" bakas sa boses ng binata na nagmamakaawa na ito na umalis na si Aira. Nakita ng dalaga na malapit na ang misteryosong tao kaya wala na syang nagawa kundi tumakbo. "I'm so sorry, Neil. I'll be b-back!" umiiyak na wika ng dalaga habang natakbo palayo.

"Trying to be a hero? That's bullshit, Neil." nang-aasar na sabi ng misteryosong tao at pinukpok ang ulo ni Neil ng martilyo na nagsanhi upang mawalan ng malay ang binata. 

"Let your curiosities killed you, my dearest classmates." nakangising wika saad ng misteryosong tao at iniwan ang nakahandusay na katawan ni Neil sa sahig. 

Ps. Sarreh kung matagal ang update! Kaya may .1 kasi may .2 (tanga ko sumagot hehe) basta may kasunod! Bitin ba? Mag-uud ako this monday! Promise. Umasa kayo dali. Hahaha. Byeee~ Enjoy reading! 



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Class Identity [On-Hold]Where stories live. Discover now