"Silang lahat?" Tinignan kong mabuti ang mga naglalaro saka ko hinanap yung pinakamatangkad.

Pakiramdam ko ay biglang nag-zoom in ang eyesight ko para tignan kung nasaan na ba sya.

"Ayun, yung no. 7!" Itinuro ko pa ito. Yung jersey number lang niya ang nababasa ko eh.

"Ichijo." Sabi ni Jan-Jan.

"H-ha?"

"Si Ichijo.." Ichijo? Pangalan niya yun? Medyo weird.

"Ichijo pangalan niya?"

"Surname niya..haha." Surname niya ang Ichijo? Ano bang lahi niya? Konti nalang muntik nang maging ichigo ah?!

STRAWBERRY!

"A-ano ba sya?"

"Japanese. Senior. Section 1. First five ng basketball varsity." Ah okay. Hapon pala si kuya.

Teka, ka-team pala namin sila? Hmm, baka yung inaakala kong nakita ko na sila ay isa pala sa mga meetings namin before ng intramurals.

Hmm..tama, baka nga.

Nanalo sa basketball event ang dugong bughaw. Grabe, ang gagaling pala ng mga team mates ko, dagdag pressure sa'kin na ipanalo ko rin ang laban. Pag lumabas ka naman sa field, nilampaso rin nina Charlie ang mga kalaban sa softball.

Tinatamad na akong ikwento kung anung nangyari sa laro ko. Anong resulta? May nauwi naman akong gold medal. Yes, yabang..di kasi nakasali si ate Reign sa table tennis singles (buti nalang) kaya nakuha ko ang first place, pero kung nakalaban ko sya, tiyak sa kanya na iyon.

Tapos meron paaaaa! Nagba-basketball pala si ate Louie? Napanood ko kasi yung women's basketball pagkatapos kong maglaro. Ang cool nga niya eh. Siya halos ang gumawa ng score para sa team.

Overall champ ang dugong bughaw. Ang saya di'ba?

All in all, masaya naman ang naging kauna-unahan kong intramurals dito..marami narin akong nakilala mula sa lower batch.

Tuesday.

Busy sina Jan-Jan at Mitchie sa pagpa-practice nung kakantahin nila para sa linggo ng wika, kaya naman nagpaalam narin akong mauuna na akong umuwi.

Malapit na ako sa parking lot nang makatanggap ako ng message galing kay mama, papunta palang daw dito sa school si mang Andy dahil pinag-drive pa sya, absent daw kasi ang driver niya ngayon. Haaay, inilagay ko na muli sa bulsa ang cellphone at saka ako dumiretso sa fishball stand sa labas ng school. Nasa may bandang gate lang iyon kaya kung sakali mang dumating si mang Andy ay agad ko syang makikita.

Babayaran ko na sana kung binili kong fishballs at kwek kwek nang biglang may nagsalita..

"Bayaran ko na'rin yung sa kanya ate."

Dahan dahan pa akong tumingin sa kanya saka naman sya ngumiti sa akin.

"A-ah, kuya ikaw pala.." Si strawberry..este Ichijo.

Dali dali kong kinuha ang fifty pesos ko mula sa coin purse saka ko iyon inabot sa kanya. "O, eto pala yung bayad ko.."

"Naku, di na. Libre ko sa'yo." Tapos ngumiti ulit sya. Mukhang ambait bait naman niya, pero teka nga..di naman kami close para ilibre niya ako eh?

"Nakakahiya naman..sige na, eto na yung bayad ko." Pilit kong inaabot sa kanya yung fifty pesos.

"Wag makulit, Van.." Nganga..

"H-ha?"

"Sabi ko, wag kang makulit."

"Narinig ko. P-paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"I have my source." Anong source ang pinagsasasabi nito?

"Yung totoo?"

"Just kidding. I just heard when someone called you." Ohkaaay..medyo valid narin ang reason.

"Ah..okay."

"I'll get going. Nice meeting you!" Tumalikod sya saka nito itinaas ang kamay na parang nagwave?

"K-kuya..anong pangalan mo?" Tumingin siya sa'kin ng nakangiti habang naglalakad paatras.

"Call me whatever you like." Saka muli syang tumalikod at tuluyan ng sumakay sa isang itim na sasakyan.

Call me whatever you like?

Whatever I like.

Eh? Ano yun? Bigyan ko nalang sya ng pangalan, ganun?

Sige, bahala ka..wag ka sanang magsisi kapag tinawag kitang strawberry. Ay, ano ba yan, pag sinasabi ko yung strawberry bigla akong nagke-crave for something sweet. Medyo nakakagutom naman kasi? Saktong pagkaubos ko naman ng kinakain ko ay dumating narin si mang Andy.

-------------------------

A/N:

- "Ichigo"  bigyan ko lang ng credits ang mga prends kong sina Honey at Erin dahil sa kanila ko natutunan iyan. ^_^v

- ayan din pala sa gilid yung pictures nila Charlie, Jan-ina, at strawberry.

- combo breaker ng tambalang Van-Jan si strawberry..ayoko ng happy ending eh. (Medyo ironic sa title no? hahaha!)

- hayaan niyo muna akong pumetiks ah..saka na ulit ako magUUD. dinadapuan din po ako ng sakit. :)

My Happy EndingWhere stories live. Discover now