CHAPTER 7 : Jealousy?

16.3K 181 22
                                    

CHAPTER 7 : Jealousy?

~Because tonight will be the night that I will fall for you

Over again Don't make me change my mind

Or I won't live to see another day I swear it's true~

Aish!! bwisit na alarm 'yan!! naaalala ko nanaman yung kagabi.

Pano ko ba to naging alarm tone?

Weird. (@_@)

Anong oras na ba?

Yah!! 7:30 na?! Aigoo!! 8:15 ang pasok! Dalian mo Samantha!!

Nagmadali akong maligo at magbihis luckily fifteen minutes lang ang tinagal nun!

"Hey, I was waiting for you slowpoke." sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Bakit di mo'ko ginising?!" reklamo ko.

"You look too angelic to wake up. Ang sarap mo palang panooring matulog?" bwiset! nag iinit nanaman 'tong pisngi ko!

"Aish!" umupo nalang ako at kumain ng breakfast. Yiee!! Bacon!

"Bakit kahit anong gawin mo ang sarap mong panoorin?" bigla niyang tanong. Muntikan na akong mabulunan sa iniinom kong gatas sa sinabi niya.

"Alam mo, kung ano-anong sinasabi mo. Ang aga-aga dinadalaw ka ng kakornihan!" galit kong sabi nang matapos akong kumain.

"Ang aga-aga dinadalaw ka ng kasungitan. Don't worry, you look sexy when you're angry." lumabas siya ng bahay.

Aish!! I can't stand this guy! Masyadong.. Ugghh!!! I can't even think of a negative feedback to give him.

Sumakay na ako ng kotse just after he came out.

Naiilang ako dahil habang nagba-byahe kami nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig siya sakin at nakangiti. Ayan tuloy ang uncomfortable ko. Buti nalang andito na kami! Agad akong lumabas without even looking back pero hinigit niya yung kamay ko kaya natigilan ako.

"Ba-bakit Keitthe?"

"Sabay na tayo." He gave a charming smile. Dmn. Hinawakan naman niya yung kamay ko kaya pinagtitinginan kami. Nakakahiya!

Kahit anak ako ng may-ari may pagka mahiyain ako. Tsaka, di ako yung parang tinuturing na queen bee dito. Syempre, I'm not a spoiled brat.

"A-Andito na yung room ko sa first class.." nahihiya ako sakanya. Bakit kaya?

"Really? Bye then. Call me when your classes are over okay?" I nodded and he kissed me bago siya umalis.

"Yieee!!~"

"Nilalanggam si Sam!"

Yung mga blockmates ko inaasar ako! 'Di ko talaga ma-imagine kung gano ka-pula yung mukha ko. Lalo na kanina!

"Hi Sam! Classmate kita sa first subject? patingin nga ng sched mo" sabi ni Ghene tapos binigay ko yung schedule ko

"Wahh!! classmates tayo sa lahat ng subject!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw

"Wait--" she examined my face

"Hotdog."

"Huh?" taka kong tanong. Ano bang pinasasasabi ni Ghene?

"Yung mukha mo namumula! Yiee! Hotdog! Hotdog! Hotdog! Hotdog!" pinalo ko siya

"Wag ka ngang maingay! Parating na yung prof natin!"

"Sus! Ang taray mo!" ahaha! nanahimik siya at naupo kami ng maayos sa may likod.

Nagpakilala yung prof namin tapos kung ano-ano pa ang sinabi niya.

My Husband is A Pervert?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon