LIL: He's Happy, She's suffering or She's Happy, He's Suffering

ابدأ من البداية
                                    

"Alam mo kung ganyan ka araw-araw edi sana mabubuhay kayo."sabi nya tapos tumayo. Natulala ako sa sinabi nya. Totoo naman di ba kapag tumatawa ka hahaba ang buhay mo. Pero para sakin. Kaya kong isakripisyo ang buhay ko para lang sa anak ko.

"Tara mag-mall na lang tayo para tanggal ang stress mo."sabi ni raymond tapos hinila ako palabas ng kwarto ko. Sana pala sya na lang yung minahal ko, sana hindi na lang kami nagpunta dito nng high school ako para hindi ko nakilala si kyle. 

Pumunta kami ni Raymond sa Megamall. Inaalalayan nya ako dahil medyo maselan ang pagbubuntis ko ngayon. Minsan nga iniisip ko si Kyle ang nag-aalaga sakin pero imposible na. Gusto ko ng kalimutan ang lahat ng memories namin ni Kyle.

"Amanda, gusto mo kumain muna tayo? Baka pagod na kayong dalawa."sabi ni Raymond sakin tapos hinmas yung tummy ko. Gutom na gutom na kami ng baby ko! "Sige Raymond dun tayo sa Rai rai ken!"sabi ko tapos mas mabilis pa sa pawikan akong hinanap ang Rai Rai Ken.

"Raymond gusto ko yung Batchoy, Shark's fin ramen at kantonmen!"sabi ko. Tumango naman sya tapos umorder na. Grabe miss ko ng kumain ng Japanese foods. Gustong gusto ko pa naman yung Batchoy nila dito! Sobrang sarap.

Bskit pakiramdam ko, may nakatingin sakin? Lumingon ako sa paligid pero wala naman nakatingin sakin. Napansin ko na lang na sumasakit yung tyan ko, napahawak ako at napakagat labi sa sakit. Dapat pala nagpahinga na lang ako sa bahay para hindi ko na to maramdaman.

"Amanda bakit? May masakit ba sa'yo?"tnong sakin ni Raymond after nyang makabili ng pagkain namin. Kinuha ko yung tubig at ininom medyo maayos na yung tyan ko siguro kulang ako sa pagkain kaya sumakit yung tyan ko.

"Haiistt.. bubuhatin na nga lang kita pag gagala tayo, ikaw ang nahihirapan eh."sabi nya tapos binigay yung pagkain ko sakin.

"Ikaw nga nagyaya eh -__-"sagot ko tapos sumubo nung Shark's fin ramen.

(Kyle's POV)

Kanina ko pa pinagmamasdan si Amanda, nagtago ako nung lumingon sya sa direksyon ko. Nung tumingin ulit ako sa kanya parang may masakit ata sa kanya kasi hawak nya yung tyan nya. Gusto ko sana syang lapitan pero naunahan na ako ni Raymond. Siguro masaya na talaga sya kay Raymond.

"I'm Sorry Kyle kung pinaghintay kita ha."sabi sakin ni Diana tapos nagcling sya sa braso ko.

Alam kong mali ito, mali na pinapaasa ko si Diana. Sinusubukan ko naman syang mahalin ulit pero si Amanda pa din ang mahal ko. Mahirap turuan ang puso kong magmahal ng iba.

"Ahmm Kyle bakit parang ang tahimik mo naman ata ngayon?"tanong ni Diana habang pumipili ng damit sa isang stand ng mga dresses. Andito nga pala kami ngayon sa department store.

"Ahh wala lang may iniisip lang ako."sabi ko sa kanya.

"Ano naman yun?"tanong naman nya sakin.

"Ah wala lang yun. Wag mo ng alalahanin kasi hindi naman yun mahalaga."sabi ko tapos tumingin tingin sa paligid. At nakita ko na naman sya. Bakit ba kapag nakikita ko sya ang bilis ng tibok ng puso ko? 

Umiwas ako ng tingin at kunwari ay pumipili lang ako ng damit para hindi nya mahalata na tinititigan ko sya mula dito sa aking kinakatayuan. Pero parang mali ata yung ginawa ko kasi papalapit na sya kaya agad akong kumuha ng damit para makalayo, pero sa iba pala dadaan sya. Buti na lang muntik na yon!

Binalik ko na yung damit na yun, pero sa totoo lang two-piece yung nakuha ko hindi damit -__-. 

"T-teka hindi yan magugustuhan ni Shyle!"narinig kong sigaw sa kabilang stand ng mga damit. Hindi ako nagkakamali sila Raymond at Amanda yun, dahil sa pangalang Shyle kaya napatingin ako. 

"Hindi magugustuhan nya to, kulay pink eh!"depensa ni Raymond kay Amanda. Hawak ang isang damit na kulay pink na pwedeng makita na ang kaluluwa mo pag sinuot mo yon.

"Nako! Pervert ka talaga! Kaya walang nagkakagusto sa'yo!"sabi ni Amanda tapos pumili pa ng ibang damit.

"Nako! Pervert ka talaga! Kaya walang nagkakagusto sa'yo!"

"Nako! Pervert ka talaga! Kaya walang nagkakagusto sa'yo!"

Anong ibig sabihin nun? 

"Kyle san ka ba galing?"tanong ni Diana sakin tapos may hawak na polkadots na two-piece -__-

"Ahh wala may tinignan lang."sagot ko

"Sige wait lang ha, ipipili ko lang si Chealsea ng damit."sabi nya tapos umalis na para pumli ng damit para kay Chealsea.

"Oy! Bakit nasa iyo yang picture ko?!"

*booggsshh*

T-teka si Amanda ba ang nakabangga sakin? Nagkaron kami ng eye to eye contact bago sya tumayo. Tinulungan sya ni Raymond at inalalayan.

"Amanda, ok ka lang ba? May masakit ba?"tanong nya.

"Wala naman, tara bayaran na natin to pati baka magalit si Kuya pag inabot ako ng dilim."sabi ni Amanda tapos umalis na silang dalawa.

Bakit parang invicible ang tingin nya sakin? Ngayon alam ko na na si Raymond na talaga ang mahal nya, and it's time for me to move on at turuan ang sarili kong si Diana ang mahalin, hindi si Amanda.

(Amanda's POV)

"Nice one, ang galing mo palang umarte."sabi ni Raymond sakin pag sakay namin ng kotse.

"Raymond, bakit hindi nya ako kinamusta? Bakit hindi sya yung tumulong sakin para makatayo? Raymond bakit hindi nya ako kinausap? Raymond bakit hindi nya ako pinigilan makaalis?"yan ang mga tanong ko kay Raymond.

Hindi naman ako manhid dahil hindi ko sya kinausap. Nung nabangga ko sya, hindi ko yun sinasadya. Pero nung nagka eye to eye contact kami parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko?

_____________________________

updated!!!

vote.comment.fan

<3MissLeeCath

_______________________________

{100 DCWAGP: Book3} Lost In Loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن