chapter 41: ice skating

Magsimula sa umpisa
                                    


"umupo ka masyado kang mataas" sabi nya agad naman akong umupo sa sofang nasa likod ko


nilagyan nya ng betadine yung bulak at dahan-dahang pinunas sa kamay ko, hindi masakit dhil betadine yung ginamit nya hinihipan nya din kung minsan


tinitignan ko lang sya habang ginagamot yung kamay ko, sa mga ginagawa nyang 'to mas lalo akong nahuhulog sa kanya, bakit ka ba ganito steph ano na bang gagawin ko sayo, naguguluhan na ako


"nasaan na si migs??" ayoko man na sirain ang moment namin, pero baka nandyan si migs at sya ang sumira sa moment namin


"umuwi na nung pagkadating mo kanina pa kasi sya dito" nainis naman ako sa sinabi nya kanina pa pala sya nandito basagin ko mukha nun eh! kahit best friend ko pa sya wala akong pake


"kanina pa sya dito??" tanong ko sa kanya, di sya nakatingin sakin nakatingin lang sya sa sugat kong ginagamot nya


"oo nung umalis kasi si mama, papa at kuya nagalala si kuya na baka pasukin kami ng masamang loob, eh nagiisa ko pa naman at babae pa ako, tinawagan ka nya dahil ikaw sana ang magbabantay sakin, kaya lang ayaw mong sagutin yung phone mo kaya si miggy ang tinawagan nya" yun pala, ang tanga ko naman sana gumising ako ng maaga para ako ang nagbantay sakanya


nilagyan nya ng bandage yung sugat ko, magaling sya ang galing nyang gumamot ng sugat bagay syang maging nurse 


"ang galing mo naman, san ka natuto?" tanong ko sakanya, pumasok sya sa loob ng kwarto nya at binalik na yung first aid kit 


"wala lang, dati kasi naglalaro kami ni kuya ng doktor doktoran sya yung patient at ako naman yung doctor tapos yun nga" napatawa naman ako sa sinabi nya


"pumayag si brix ng ganon?? haha!" natatawa lang kasi ako sya si brix haha! maglalaro ng ganun?


"actually ayaw nya talaga kaya lang umiiyak ako pag di sya pumapayag, naiinis nga sya eh! kaya ayun pumayag din nung huli" nagtawanan naman kami ni nerdy girl 


comfortable talaga ako pag sya ang kasama ako wala akong alinlangan, wlang ilangan, walang pagalala, basta okay lang ako sa kanya chill chill lang sakanya lang ako ganito


"so? ano nga yung susunod na ituturo mo sakin?" bumalik naman ako sa reyalidad nung kausapin nya ako


"ice skating!" nanlaki yung mata nya


"HINDI NAMAN YUN KAILANGAN AH!" oo nga bakit yun yung naisip ko, kasi parang kailangan eh! parang malakas ang kutob ko


"oo nga hindi kailangan kaya lang sports din yun kaya wag ka ng mag inarte dyan" kailangan ko syang sungitan para pumayag sya


"kasi naman eh! aarrgghh! sige na nga" see? 


"papayag ka din pala eh! tara na!!" tumango sya at sumundo sakin sa paglalakad

A Rude Boy fall in love into A Nerdy girl [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon