Ngayon ay parang nagsisisi na ako sa itinanong ko. Ano ba ang dapat kong piliin?

Takpan ang tainga ko at magbulag-bulagan sa katotohanan o malaman ang katotohanan?

"Z-Zein. Natatakot ako." Ang unang lumabas na kataga sa kanyang bibig.

Napaupo na lang ako sa kama at napayuko. Ayoko syang tignan. Ayokong malaman ang nalalaman nya. Ayokong marinig ang sasabihin nya.

"Ilang araw na rin, lagi akong nagigising na wala sila." Nanginginig ang boses nya na mas nagpapalala ng kaba na nararamdaman ko. "Minsan si Matt, Minsan si Dave, at Minsan si Jerome. Hindi ko alam!" Naguguluhang sambit nya na animo'y gusto na nyang sumigaw sa pagkalito.

Lumalabas sila ng gabi? Anong ginagawa nila sa labas? Bakit ganon? Ang daya! Akala ko ba magkakaibigan kami! Bakit naglilihim sila sa amin?!

Gusto kong magsisigaw sa pagkadismaya. Ang mga kaibigan ko, masyado ba akong naging panatag? Bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat?

Tumayo ako sa pagkakaupo kaya napatingin sa akin si Vanessa na humahagulgol sa gilid. Nakatakip ang kamay nito sa kanyang bibig at pinipigilan ang makagawa ng ingay na makakagising sa taong hindi na dapat pang madamay sa nangyayaring ito.

"A-Anong gagawin mo?" Pumipiyok pa ito. Ang kanyang noo ay nakakunot na animo'y nagtatanong.

"Aalamin ko ang nangyayari." Wala sa sariling sambit ko. Lumabas ako ng kwartong 'yon para pumunta sa kwarto namin para kunin ang blazer ko.

Bago ako umalis ay sinulyapan ko si Mia na mahimbing pa rin na natutulog. Ibabalik ko sa dati ang mga kaibigan ko. Ibabalik ko ang dati.

Pagkalabas ko ng kwarto ay tumambad sa akin si Vanessa. Mariin nyang hinawakan ang aking braso ngunit ang aking tingin ay nanatili sa malayo. Ayoko syang tignan.

"Z-Zein. Please, huwag." Nanginginig na pakiusap nito.

Ayokong tumingin sa kanya. Ayokong panghinaan ng loob. Ayokong makita na umiiyak ang isa sa mga kaibigan ko. Mas nasasaktan ako.

"Aayusin ko 'to. I will fix this shit."

Unti-unti kong inalis ang kamay nya sa braso ko ngunit nakakailang hakbang palang ako patungon sa pinto nang bigla syang lumuhod sa harapan ko.

Mariin akong napapikit at ramdam ko na ang init sa gilid ng mata ko. Shit! Walang kwenta ang luha. Kahit na isang galloon ang iluha ko ay walang magbabago. Kailangan kong kumilos.

"D-Dito ka na lang please. Zein, I'm begging you. Stay with us."

Hearing those words from her is tearing me into pieces. It is a bullshit feeling that I can't hold longer! I want to hug her and to cry with her but--- Hindi ko ipapakita na nanghihina na ang loob ko. Ayokong mawalan ang katiting na pag-asa na pinanghahawakan ko.

Napakawala kong kwenta. Ipinangako ko sa sarili ko na po-pretektahan ko sila! I promised that shit to myself! I am not going to break the bullshit!

"Babalik ako, pangako." Mariin akong napapikit nang marahas kong tinanggal ang kapit nya sa binti ko at binuksan ang pinto.

Malamig na hangin ang tumambad sa akin. Madilim sa labas ngunit nang dahil sa buwan ay may konting liwanag. Muli kong sinulayapan si Vanessa na sana ay hindi ko na lang pala ginagawa.

Nakaupo sya sa sahig, nakatalikod sa akin. Nakatakip ang kamay nya sa bibig nya. Dinig na dinig ko ang ipit na paghikbi nya.

Parang pinipiraso ang puso ko kaya hindi ko napigilan ang bumalik at isarado ang pinto.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon