Chapter 04 - Jellyfish under the Rain (August 18, 2013)

Start from the beginning
                                    

"Ewan ko pero mas maganda pa rin sana kung doon tayo sa South Palace para araw-araw natin sila makakasama.

"Ewan sa inyo! Magtrabaho nga kayo!" Umalis na lang si Junnie habang iniwang in trance ang dalawang junior maids.

**

Sa gitna ng ulanan. May masayang reunion ang dalawang kabataan. Tumakbo ang nakababata sa kotseng nakaparada sa harap ng bahay nila. 'Di niya na alintina ang ulan at dumeretso sa nakabukas na pintuan ng magandang kotse.

"Hala ka Reika! Kapag ikaw nagkasakit!" pinunasan ng nakakatanda ang ulo ng kaibigan na medyo nabasa ng ulan. "Excited ka masyado makita ako ah."

"Woooaaah! Ang ganda ng kotse mo ate Jarrah!" manghang-mangha si Reika Luna sa kotse ng kaibigan. Ngayon lang ulit sila nagkita matapos ang ilang bwang pagbabakasyon. 'Di siya makapaniwalang magkatabi sila ngayon sa backseat. "Hello po!" bati niya sa babaeng driver na nakatingin sa kanya mula sa rearview mirror. Tumango naman ito.

"Regalo ba ito ni mommy mo para sa birthday mo?" tanong muli ni Reika

"Hindi. Bigay ito ni papa."

"Grabe ang sarap naman ng life. Daddy's girl!" tukso ni Reika na hindi naman ikinaasar ni Jarrah. Alam niya namang totoo yun. Sa lagay niyang yun, talagang magiging daddy's girl siya. Bunso. Nagiisang babae. At... may kakaibang kondisyon. Ano pa ba?

"Ganun talaga Reika. Ako lang yung babae sa pamilya, well, syempre except kay mommy. Unica hija tayo eh." buong pagmamalaking sinabi sa nakababatang kaibigan.

"Ang saya talaga ng life mo ate Jarrah, ba't ako din naman, unica hija, pero wala naman akong mga magagandang gamit, tska kotse. Gusto ko rin! Gusto ko rin ng nanay, gusto ko rin ng mga kuya, pati ng kotse."

Natawa na lang si Jarrah sa pinagsasabi ng batang kaibigan na pinasundo niya pa sa lady driver para igala. Mag-isa lang kasi ito sa bahay na tinitignan-tignan lang mga mababait na kapit-bahay. Ang tatay kasi nito na tanging kasama sa buhay ay nanunungkulan sa palasyo. Alam niyang bata pa kasi ito kaya hindi pa ganun ka-mature mag-isip at hindi pa gaanong naiintindihan ang sitwasyon kaya kadalasan, siya na ang umuunawa rito.

"Hay nako Reika. Wag kang ganyan mag-isip. Ang bata-bata mo pa! Maswerte ka pa nga dahil maganda ang bahay niyo. At mahal na mahal ka ng tatay mo." kinurot niya ito sa pisngi" Alam mo? 'Di rin naman masyadong nakakatuwa ang mga kuya, mga asungot yung mga yun! Yung kotse! Makukuha mo rin yan paglaki mo." buong pag-e-encourage niya dito.

"Talaga ate Jarrah?"

"Oo! Maswerte ka pa nga at may bahay kang nauuwian. Madaming pagkain, at masisilungan tuwing ganitong umuulan! May mga ibang tao nga diyan na walang bahay tapos wala ding pagkaing makakain. Kawawa sila. Sila 'yung dapat na tinutulungan."

"Parang ayun?" turo nito sa babaeng nakaupo sa bus stop na sapo-sapo ang tyan. Basang-basa na rin ito ng ulan. "Ate Jarrah, kawawa naman yung babae oh! Tulungan natin!"

**

"Mauna na po ako, mom." Paalam ni Ice sa ina bilang hindi na naman siya kinikibo ng hari. Nabalitaan na naman kasi nito ang pagtakas niya sa eskwalahan kanina. Hindi pa rin naman kasi siya sanay na may sundo. Labing walong taon siyang tumira sa labas ng palasyo kaya sa tingin ni Ice ay hindi rin siya agad-agad masanay.

"Hwag mong tawagin ng ganyan ang reyna!" angil ng Haring Andrew sa anak.

Hindi na lang siya sumagot. Ayaw niya ng humaba ang usapan at yumukod na lang bago umalis at umuwi sa South Palace. Hanggang ngayon kasi ay siya pa rin ang sinisisi nito sa paglayo ng pangalawang anak. Hindi niya alam kung bakit sa simula't sapul pa lamang ay itinuturing ng paborito ng ama si Fire Jasper.

Fire and Ice (Revamping)Where stories live. Discover now