Chapter 04 - Jellyfish under the Rain (August 18, 2013)

Start from the beginning
                                    

"Anong inutang niya sa'yo?" Tumataas-taas ang dalawang kilay ni Voltaire. "Halik?"

Tuluyan ng itinigil ni Jasper ang pagmamaneho.

"Seryoso may utang siya sa'kin."

"Pero..." nag-aabang si Voltaire ng mas mabigat na dahilan. Kilalang-kilala na nga siya nito.

"Naalala mo ba 'yung sinabi ko sa'yo... tungkol sa sinabi ng Royal Family Seer?"

"Ah... ha? B-bakit? 'Diba hindi ka naman naniniwala sa quote auspicious forecast unquote ng Matandang Oracle na yun?"

"Ewan ko. Ang weird eh."

**

Nagkakagulo ang mga palace maids ng pumarada ang Audi Q5 sa Center Castle-- ang main palace na tahanan ng reigning king and queen. Alam na kasi nilang si Prince Ice ang dumating para magbigay ng pagbati sa mga magulang bago ito umuwi sa South Palace kung saan tumutuloy ang mga anak ng hari at reyna na nasa wastong edad.

Ganun kasi ang tradisyon. Hindi katulad ng dati na nasa Rear Castle ang mga anak ng hari at reyna noong mga bata pa sila, ang mga ganap na royal family members ay doon na tumutuloy sa timog.

Maya-maya ay bumaba na nga ito mula sa backseat. Tumanggi pa sa pagbubukas ng pinto at mabilis na naglakad sa loob.

"Ayos na ba? Ayos na ba lipstick ko?" dali-daling tanong ng isang junior maid sa kapwa nito maid bago pumasok ang Prinsipe. Napansin din niya na ang lahat ay nagaayos din ng uniporme at kung ano-anong abubot bilang pagpapaganda sa sa pagdaan ng binata.

"Ganun pa rin? Para pa ring allergy tinubuan ng mukha! Hahaha!" sagot ng kasama, sabay tawa na agad ding natigil dahil dumaan ang isang mataas na Court Lady para salubungin ang prinsipe. Lahat na sila ay tumahimik at bahagyang tumungo.

Titig na titig ang mga ito na tila nag slowmo ang mga pangyayari. Hindi nakatradisyunal na garbo ang prinsipe pero bakas na bakas pa rin ang pagkadugong bughaw nito sa isang gray na button-down shirt at simpleng tie.

"Magandang gabi po mahal na prinsipe." Halos sunud-sunod at sabay sabay na bati ng mga nakahilerang child maids, apprentice maids at junior maids na naka-assign sa Center Castle. Iba-iba ang kulay ng mga damit nila base sa rango ng trabaho nila sa palasyo. Iba-iba rin ang paraan ng pagyuko na tila ba hindi makatingin ng diretso ang mga mababang ranggo.

'Di naman sumagot ang prinsipe at dinaanan lang ang mga nakayukod na tauhan. Tuloy-tuloy ito sa pagpasok sa kwarto ng mga magulang.

"Nandito na po ang mahal na prinsipe." Anunsyo ng Lady-in-Waiting na nakatalaga sa pintuan ng mga kamahalan bago pumasok si Ice. Naghagikgikan naman ang mga maids dahil lumingon pa ito sa kanila bago tuluyang pumasok sa loob.

"Oh maygassh ang cool niya talaga!" umarte pang mahihimatay ang isang junior maid. "At ang genes, sobrang ganda talaga ng kombinasyon ng hari at reyna ano?!"

"Cool? Eh hindi man lang sumagot sa lahat ng pagbati natin." Sagot ng isang butler. "Ang aayos niyo kapag nandiyan sila sa harap, pag tumalikod naman ang lalandi niyo!"

"Ang bastos mo Junnie, hindi kami malandi!"

"Ganun talaga kapag humahanga sa isang tao! Sa tagal ng pagtatrabaho natin dito, last year lang dumating ang isang anghel na nagngangalang Prinsipe Ice. At minsan-minsan lang nating makita dito, tuwing magbibigay pagbati na lang siya sa hari. Kaya ganun kami Junnie. Excited lang kami! Ikaw naman!"

"Oo nga. Kung dati hinihiling sana natin na sa Rear Palace na lang sana tayo naninilbihan para nakilala natin kung sino man ang prinsipe pero ayos na rin pala na dito tayo. At least makikita natin ang prinsipe tuwing magbibigay bati siya."

Fire and Ice (Revamping)Where stories live. Discover now