Day 49.3

25.4K 907 75
                                    

THU AT 08:58 PM

Marcus : Hi, En. Ready ka na bukas?

En : Hala! Gabi pa naman yun. :P

Marcus : Haha! 6PM yun. Don't be late.

En : Siyempre, hindi. :)

En : Ready na yung damit mo?

Marcus : Yes. Kahapon pa.

En : E... Hihi. Excited?

Marcus : We're going to dance tomorrow. Of course, I have to prep early.

En : Magsasayaw tayo agad kung kaunti lang ang naka-blue. Hihi. (*^^)v

Marcus : Hahahahahaha!

Marcus : I'm hoping na kaunti lang.

En : Buong University ang nasa party.

Marcus : Lower classmen lang sa BS Bio ang kailangan kong pagtuunan ng pansin.

En : Hala!!!

En : Oo nga pala!!!

Marcus : Hahahahaha!

En : First year to third year pa rin yun!

Marcus : Wala pang biochem sa First year. So, sophomores at juniors lang, En. (^ワ^=)

En : Hala...

Marcus : Hahahaha! I'm attentive to what you say, En. (^ワ^=)

En : Hala!!! Pinapabayaan mo kong magkwento para...

En : ಠ~ಠ

Marcus : Hahahahaha! I told you, if circumstance presents itself to me, it's not my fault. (^ワ^=)

En : Sana marami naka-blue bukas!!! (╥╯θ╰╥)

Marcus : Hahahahaha!

Marcus : Naisip ko rin yan.

Marcus : So I did something as an insurance. Sana tumalab.

En : Hala! Ano yun?

En : Anong ginawa mo?

Marcus : Hahahaha! You haven't seen it?

En : Hindi!

En : What did you do?

En : Hindi na ko magbu-blue!

Marcus : You're going to break your promise? #BadEn

En : E kasi...

En : Pano pag mag-isa lang akong naka-blue bukas??? (╥╯θ╰╥)

En : Huli mo na agad ako?

En : Tapos, aamin na ko agad???

En : Agad-agad?! (╥╯θ╰╥)

Marcus : E di blue rin ipasuot mo sa bestie mo. (^ワ^=)

En : E di mas madali mo kami mapapansin dahil dalawa kaming magkadikit na naka-blue! ಠ~ಠ

Marcus : Hahahahahaha!!!

Marcus : Kawawa rin ako, En. Baka mapagod ako kapag lahat naka-blue. Baka matapos ang party na hindi pa kita nahahanap at naisasayaw.

En : E kasi...

Marcus : Wala na nga akong date, hindi pa kita maisasayaw agad?

Marcus : Tsk.

En : Oo na! Naka-blue pa rin ako! ಠ~ಠ

Marcus : Haha!

Marcus : I knew you wouldn't break your promise. :)

En : Pero anong insurance ang ginawa mo?

Marcus : Haha! You will see it. I'm sure.

En : Ano nga?

Marcus : Mamaya na. Usap muna tayo.

En : Ano nga? Kinakabahan ako...

Marcus : Hahahaha!

Marcus : How's your day?

...

Invisible Girl Book 1 (Chat MD Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon