Chapter Twenty-five

11.5K 335 22
                                    

AN:

Warning: SPG content ahead! To those who don't want to read this chapter you can just skip it and wait for the next update. I assume that everyone here is open-minded, so please read at your own risk. Enjoy!



Samantha's POV

"Sam where's Nique? Hindi mo siya kasama?" Tanong ni Josie sa akin habang nilalaro ang ice sa baso niya.

"May famlily gathering kasi sila ngayon kaya baka susunod na lang daw." Sagot ko naman kay Josie. I never expected that she goes to bar din pala. I mean, she looks conservative and silent. Well.

"Hay naku girls, hayaan niyo na si Dominique. Alam niyo namang minsan lang sila magtipon-tipon. Palaging busy ang parents niya sa business nila." Si Shay na nakailang shots na.

Ngumiti lang ako. Tama naman siya. Hindi lang ako ang napapabayaan ng magulang.

"Kasi naman eh. Kung buhay pa sana si Kuya Sander niya edi sana hindi siya napepressure sa kumpanya nila ngayon. If he is only alive hindi sana sinalo ni Nique ang responsibilidad na yan."

My curiosity was aroused with what Heather said. Hindi pa nga namin pala napag-usapan ni Nique ang about sa pagkamatay ng kuya niya. Para kasing iniiwas niya sa akin ang topic na yan sa tuwing sinusubukan kong ungkatin.

"Kawawang Sander. Gwapo pa naman sana yun. Crush ko yun noon eh. Sayang at nabaliw siya sa love. Minahal din kaya siya nung girlfriend niya noon? Ano nga ba ang name ng girl? She's famous, right? Yeah! It's S--- oh my gosh!"

Sheena was interrupted from speaking nang tumapon sa kanya ang martini ni Shay.

"Oh no! Sorry girl. Hindi ko sinasadya. Lasing na siguro ako." Hindi magkaugaga si Shay sa pagpunas ng basang balikat ni Sheena.

"It's okay I'll just go to the ladies room."

"Samahan na kita. Sorry talaga." Tumayo na din si Shay para samahan si Sheena. Ngumiti lang ang isa habang pinupunasan ng tissue ang nabasang parte ng katawan.

"Com'on girls let's dance! Wooh! Namiss ko ang bonding natin. Palagi na lang kasing kasama ang boys!" Tumayo na si Janica at hinila kami ni Heather papunta sa dancefloor.

Tipsy na din ako. Marami-rami na din ang nainom namin. Galing na kami sa Valkyrie at dun pa lang ay medyo sabog na ang mga to. Ngayon ay nasa Time kami.

Sumayaw lang kami ng sumayaw hanggang maramdaman ko na lang na tagaktak na ang pawis ko. Ang init na!

Bumalik ako sa table namin para kumuha ng panyo.

Saktong tapos na akong magpunas nang bumalik sina Sheena at Shay. Ngayon pa lang sila bumalik? Bakit ang tagal nila sa CR? Or baka lasing lang talaga ako at hindi ko napansin na umalis sila ulit.

"Hey Sam bakit nandito ka? Halika sa dancefloor." Yaya sakin ni Sheena. Tuyo na ang damit niya sa bandang balikat.

"Yeah let's go Sam. Dalhin na natin mga drinks natin." Hinila na ako ni Shay. I grabbed my drink then went to the dancefloor.

Sumabay lang ako sa tugtog kahit hilong-hilo na ako. Sumayaw kami ng higit sa isang oras na siguro. Anong oras na ba? Wala pa din si Dominique. Nasaan na ang phone ko?

Bumalik ako sa table kahit na hindi na klaro ang paningin ko. Gosh! Nasaan na ba sina Shay? I think I need to go home.

"Hey easy!" Sinalo ako ng isang matipunong lalaki nang matapilok ako. Gwapo ang isang to. Medyo chinito.

"Thanks and bye!" Tumalikod na ako para makarating sa table. Bat parang ang layo ng table namin? Saan nga ba ulit ang table namin?

"Wait miss, you're drunk already. You want me to take you home?" Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko na parang inaalayan ako.

My Haciendera Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon