Chapter Nineteen

12.4K 336 24
                                    


Samantha's POV

Nagising ako kinabukasan dahil sa katok sa pintuan ng kwarto ko.

"Hija, good morning. Gising ka na ba? May bisita ka sa baba."

Si Yaya Meding.

Napabangon ako mula sa kama para lumabas ng kwarto.

"Sino yun Ya?" Tanong ko sa matandang nagpalaki sa akin.

"Yung fiance mo hija. Naku. Napakagwapong bata."

Parang kinikilig na teenager kung makasagot si Yaya o.

"Bababa ako Ya. Pakisabi maliligo lang ako."

Naiinis man ay naligo ako at nag-ayos para harapin si Kenneth.

Nakatulog ako sa kakaisip ng solusyon kagabi.

"Good morning babe Sam." Sabay abot ng flowers saken.

"Morning. And would you stop calling me babe?"

Pasupladang sagot ko sa kanya.

"Samantha hindi ka namin pinalaking bastos sa harap ng bisita mo lalo na sa lalaking pakakasalan mo." Anang boses mula sa likod ko.

Nakalimutan kong nandito nga pala sina Daddy.

"Halina kayo, magbreakfast na tayo. Kenneth hijo dito ka na mag agahan, sabayan mo na kami." Si Mommy na kakadating lang sa sala.

Nagwink lang sa akin ang unggoy na nakangisi pa. Habang naglalakad papuntang dining area ay nagsalita ang isang kasambahay namin.

"Ma'am Samantha, may bisita po kayo."

Napakunot-noo ako. My friends don't know yet na nandito ako sa Pilipinas kaya imposibleng bibisita sila na ganito kaaga.

"Good morning." Isang pamilyar na tinig ang narinig ko mula sa sala. Dali dali kaming bumalik dun para lang masurprise.

"Insan?!!"

Si Ken na hindi napigilan ang pagkagulat.

"Hi. Good morning Don Herman and Doña Lizabeth. Sorry if I came here too early."

"Dominique?"

Ako ang pinakahuling nakabawi mula sa pagkakabigla.

"Magandang umaga din sa'yo hija." Si Mommy na kahit hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ay inuna pa din ang kagandahang asal na batiin ang unexpected visitor namin.

"Uhm sir and ma'am, ipagpapaalam ko lang po sana si Sam na mamasyal."

Parang hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Una, nalaman kong si Ken ang fiance ko na umuwi galing France.

Pangalawa, nandito si Dominique sa mansion umagang umaga para ipagpaalam ako sa mga magulang ko???

Napatingin ako kay Daddy. I'm expecting na itataboy na si Nique.

"That's okay. We can talk about that over breakfast. Sumabay ka na din sa amin".

Kung umiinom ako ng tubig sa oras na to malamang naibuga ko na to. Ano na naman kaya ang iniisip ni Daddy?

Sumunod na kami sa kanila ni Mommy sa mesa.

Habang naglalakad ay nilapitan ko si Dominique.

"Lagot ka sa akin mamaya." Emotionless na bati niya sa akin.

Napamaang ako kaya hindi agad ako nakasagot.

"Insan, pwede ba tayo mag usap?"

Sumulpot si unggoy sa gitna namin.

My Haciendera Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon