Chapter Seven

13.9K 360 15
                                    


Samantha's POV

Mag aalas kwatro na nang dumating kami sa bahay nila. Naabutan kong may kausap si Nique sa phone.

"No, I don't want you here Kenneth. Shay is going home tomorrow. Ayoko ng magulo dito sa bahay. Why don't you just stay there at your house?"
Oh, ang monster.

"Here we go again."
Nakakunot noo na naman na bulong ni Shay.

"Sino yung kausap ni Nique Shay? Ba't ayaw niyang papuntahin dito?"

"That's her cousin Kenneth. He just arrived from France yesterday. Dito na naman ata tatambay sa hacienda."

"Eh ba't ayaw ni Nique? Hindi ba sila close?"

Shay laughed.

"They're close with each other. Dakilang playboy nga lang si Ken. You are staying here, kaya malamang iniisip ni Nique na iiwas ka dun sa pinsan niya."

"How sweet of her"
Ngumisi ako.

"Hahaha! Nique's sweet, kinda opposite of what you see her outside."

Napaisip ako. Kung mabait naman pala siya tulad ng sabi ni Shay, eh bakit ganun ang pakikitungo niya saken?

"They're coming. Tsk. I thought he'll be alone."
Lumapit si Nique samin at umupo sa love seat na nasa harap ko.

"O bakit? Sino ba kasama niya?"
Pati si Shay ay nagtaka din.

"He's with Gieno and Ralph. The troublemakers."

"Nice!"
Shay shouted with glee.

"Nice ka diyan! Ikaw ang may kasalanan kung bakit lahat sila gustong pumunta dito!"
Paninisi niya kay Shay. Ang cute pala niya pag nakasimangot. Ngayon ko lang napansin.
Hihi

"And why me? Haha! Namimiss ka lang ng mga kolokoys noh!"

"Tss. Sumasakit na ang ulo ko. I'm not pulling your leg Samantha but my cousin and his friends might drool once they see you. Parang mga gutom sa babae ang tatlong yun"

"Okay lang yan Nique. Sasaakyan ko na lang sila. You might think I'm naive but I'm wild. Hahaha!"
Pinilit kong mag astang parang playgirl pero hindi ata umubra. Pareho lang silang nakatingin saken with poker faces.

"Ehem. Alam mo kasi Sam baby, you really look like innocent eh. Ken is very clever and sweet, baka mainlove ka sa kanya." Shay said while grinning like crazy.

"Ano ba kayo. Ako lang to noh! I'll be ready for them"
Naks confident din talaga ako na mahuhumaling sila saken noh? Haha!

"Let's leave it for a while. Ikaw Shay, anong oras ka aalis bukas para mahatid kita?"
Bumaling siya kay Shay.

Before Shay could answer narinig kong nagring ang phone ko.
Nag-excuse ako sa kanila at lumabas sa veranda para sagutin ang tawag.

"Mom"

"Samantha! Thank God you answered your phone. Where are you hija? Nag aalala na kami sayo. Muntik na kaming magpablotter nang malaman namin sa yaya mo na naglayas ka."

I rolled my eyes in annoyance. Pablotter agad? Hindi naman OA ang pamilya ko noh?

"Uuwi din ako mom. I just need a vacay."

"Where are you now? Kung bakasyon lang pala ang gusto mo marami tayong properties na pwede mong puntahan. Just come home baby."

"No mom. I know the reason why you want me to go home. And I'm not going home para magpatali sa isang relasyong hindi ko gusto."

"No Samantha, this is not about your marriage."

Sumakit ang ulo ko upon hearing that word. Marriage. Iniisip ko pa lang na makipagrelasyon sa isang lalaking hindi ko nga kilala, magpakasal pa kaya?

And the heck! May Windows 10 na pero uso pa din pala ang fixed marriage?
Pinagloloko ba nila ako?

"I'm not going home."

Pinatay ko ang phone ko at inalis ang SIM card.

Mukhang kailangan kong bumili ng new SIM bukas.

Bumalik ako sa sala at nakitang nagyayakapan ang dalawa.

"Oookaaay. Nakakaistorbo ata ako sa inyo. Sige akyat na ako."

"Ano ba Sam naghahabilin lang ako sa best friend ko."

Best friend? So best friends nga lang talaga sila?

"Let's go to the kitchen. Tayo na lang ang magluluto ng dinner."
Sumunod kaming dalawa kay Nique.

Shay's POV

Magluluto kami ng caldereta at adobong manok. Si Nique ang magluluto syempre. Kami lang ang tagahiwa at tagagayat ng mga ingredients.

Ako ang in-charge sa paghiwa ng manok. Si Sam naman ang nagbabalat at nagsaslice ng patatas para sa caldereta.

Habang si Nique naman ay nakatalikod samin at nakatutok sa kaserola. Ewan kung anong ginagawa niya. Nakatalikod nga diba?

"Ouch!"

Napalingon ako sa likod ko at nakita si Sam na parang napapikit habang hawak ng isang kamay ang hintuturo niya sa isang kamay.
"O anong nangyari sayo Sam baby?"

Nakita kong may dugo ang ginamit niyang kutsilyo. Namumutla siya habang nakahawak pa din sa isang kamay niya.

"Tss. I thought you're a nurse? Bat takot ka sa dugo?"

Hinawakan ni Nique ang kamay niyang nahiwa at dinala siya sa sink para mahugasan ang sugat.

"Get the first aid kit Shay."
Agad naman akong tumalima nang marinig ko ang utos ni Nique.

Samantha's POV

Sh*t! Dugo!
Kahit hindi ko tingnan ang sarili ko alam kong namumutla ako.

Yes, I'm a nurse pero takot ako sa dugo.
Hindi iilang beses na hinimatay ako sa tuwing makakakita ako ng dugo.

Naramdaman ko na lang ang hapdi ng sugat ko nang mabasa ng tubig ang daliri ko.
I can smell Nique's breath. Sobrang lapit niya saken.

Just like earlier, natulala na naman ako sa kanya.
Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya.

"Hey! Are you listening?"
Galit na baling niya saken.

Nakita kong parang galit siya.

"Yes. I'm fine. Nadulas lang talaga ang kamay ko. Grabe naman kasi yang kutsilyo niyo. Nakakamatay talaga! Palitan niyo nga yan."

"Wow ha, and now you're blaming my knife because of your clumsiness?

"Pffft. Halika na Sam. Dun na lang tayo sa sala, gamutin natin yang sugat mo. Hintayin na lang ang dinner dun. Bahala na si Nique diyan."

"No, you continue cooking here, I'll be the one to treat her wound."

"Naks. Ayaw paawat ah."

Nagwink na naman saken si Shay kahit pinapatay na siya ni Nique ng death glare.

Inakay niya na ako papuntang sala, dala niya ang first aid kit kaya wala na akong nagawa kundi sundan siya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~














My Haciendera Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon