Wizard's Tale 3: Chapter 11

Zacznij od początku
                                    

"Hindi 'yun masasamang pangitain, Brylle! Maaring alaala mo na ang mga 'yun. Naalala mo na ako kaya 'wag kang maniniwala sa kanya!"

Muli akong tiningnan ng masama ni Myera, saka niya itinaas ang kanyang kaliwang kamay. Akala ko sasaktan niya ako, pero nagpalabas lang siya ng gagamba. Si Gorum 'yun at hindi lang ito nag-iisa kundi marami pa na gumagapang sa paligid ni Myera.

May ibinulong siya sa isa sa mga gagamba at nag-transform ito bilang isang lalagyanan na naglalaman ng kulay pulang likido na bumubula at umuusok pa. Iyon na ang lason! Ang lason na dahilan kung bakit burado kami sa alaala ni Brylle at iniisip niyang isa siyang Dark Sorcerer.

"Wag mong iinumin 'yan, Brylle!" Gusto kong lumapit sa kanila pero hindi ko magawa dahil sa salamin na nakaharang sa akin. "Yan ang dahilan kung bakit hindi mo ako maalala! Sa lason na 'yan nanggagaling ang sumpa na nakatatak sa likod mo!"

"Makikinig ka ba sa kalaban natin, Kaleel? Ang babaeng 'yan ay nagmula sa angkan na nagkulong sa atin dito sa Atreria." Ang galing umarte ni Myera.

"Anong nagkulong ang pinagsasabi mo! Eh malaya nga kayong nakakatakas dito!" Sa dahilang hindi ko pa rin alam kung paano nila nagagawa.

Hindi naman pinansin ni Myera ang pagwawala ko. Naka-focus lang siya sa gusto niyang gawin kay Brylle. "Ito ang gamot mo, Kaleel. Ang gamot na nagpapabuti sa pakiramdam mo. Inumin mo na para bumalik ka na sa dati."

"Lason 'yan!"

Hindi malaman ni Brylle kung kanino siya makikinig. Naguguluhan siya sa bangayan namin ni Myera. Hindi na maipagkakailang may epekto na ako kay Brylle kaya nga nagsisimula na ring mainis at kabahan si Myera.

"Kaleel! Ano pang hinihintay mo? Akala ko ba gagawin mo ang lahat para saakin?"

"Ako ang mahal mo Brylle at hindi ang bruhang 'yan. 'Wag mong iinumin 'yan!"

"I'm the one you love, Kaleel. Sa akin ka makinig. Inumin mo na 'to."

Napatingin si Brylle kay Myera. Tapos sa akin. Tapos dun sa lason na hawak ni Myera. Ilang sandali pa ay nakapagpasya na siya at ang pinili niya...

"Wag Brylle!"

Pinili ni Brylle si Myera at ang alok nitong lason.

Sa pagkakataong iyon, mas kinalampag ko na ang salamin na pumipigil sa akin. Gusto ko nang makalabas. "Brylle!" I shouted... then I heard a cracking sound from the glass.

Abot-tenga ang naging ngiti ni Myera nang tuluyan nang maubos ni Brylle ang lason. She slid her arms around Brylle's neck, "You're mine, Kaleel. You are only mine," sabi nito habang pang-asar na nakatingin sa akin.

Panandalian namang naging itim ang buong mata ni Brylle. Muli siyang binulag sa katotohanan, "I am yours, my lady."

Hindi ko na kinayang makita silang dalawa na magkasama. Lalo pa nang halikan na ni Myera si Brylle at halikan niya rin ito pabalik. Nanginginig ako at nagpupuyos sa pinagsamang galit, sakit at selos.

"Tama na!" Basag na basag na ako. Basag na basag na rin ang puso ko. "Itigil niyo na 'yan!" At ngayon ay nahalata na ang pagkabasag sa kulungan ko.

Natigil sa paghahalikan sina Myera at Brylle, "Paanong..."

Hindi ko rin alam kung paano. Pero babasagin ko ang salaming ito... para mabasag ko na rin ang pagmumukha ng bruhang si Myera. "Pigilan mo siya, Kaleel!"

Gamit ang buong pwersa ko, tuluyan nang nabasag ang kulungan. Nagtalsikan ang mga bubog nito at saktong tinamaan si Myera sa kanyang pisngi. "Ahhh!" Agad na umagos ang dugo sa kanyang mukha.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz